CHAPTER 8 *The Wedding Day*

8.9K 129 4
                                    

CHA'S POV

6 AM palang gising na ko, sobrang excited ko. Hindi pa nga ako makatulog e. Kung hindi lang ako uminom ng sleeping pills, hindi pa ko makakatulog. Bumangon na ako para maligo at mag-ayos. Maya maya pa ay may narinig akong bumukas ng pinto.

"Cha anak, tara ng bumaba at kumaen ng breakfast." Pag-aya sakin ni dad.

"Yes daddy! Palabas na kunin ko lang ang bag ko."

Nang makababa kami sa hotel ay kanya kanya kuha ng pagkain. Ng bumalik ako sa table namin ay napansin ni mama na tanging wheat bread at isang sunny side up na itlog na ang nasa plato ko.

"Hija baket yan lang kakainin mo?" Tanong ni mama sa akin.

"Ma. Baka kase hindi magkasya wedding gown ko" yun naman talaga kinakatakot ko e. Baka hindi magkasya yung gown mamaya.

"Sweety. Please kumaen ka ng maayos. Alam mo ba ang mama mo ganyan din ang ginawa, ayun! Hinimatay" singit na sabi ni daddy.

Nabigla ako ng marinig ko yung sinabi ni daddy. Mas matakot ako. Kaya tumayo ako at kumuha ng maayos na pagkain. Habang kumakaen kami ay tuloy parin ang aming pagkwekwentuha.

"Mommy. Nandyan na ba si Dea? Hindi ko kase sya napansin magcheck in kahapon e."

"Tumawag si manang Ising, pinapasabi daw ni dea na susunod na lang sya dito sa hotel." Nawala ang kanina ko oang iniisip sa sinabi ni mommy.

Mga alas-8 ay umakyat na kami sa kwarto nagpahinga ako saglit ng biglang may kumatok. Sumilip si mama, nginitian ko sya at tuluyan pumasok kasama ang mga mag-aayos ata sa akin. Pinaligo ulit ako ni mama. Actually nagbabad pa ko sa tub. Gusto ko maging perfect ang lahat. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Diba kung nasa sitwasyon ko kayo ganito din gagawin nyo.

Alas-9 nagtapos na ko at kasalukuyan akong inaayusan. Pinapatuyo ang aking buhok, nang matuyo ay inayos na ito. Nandito na din ang photographer na magcocoverag samin. Picture dito picture don. Naeexcite ako makita ang kakalabasan ng pagaayos sakin. Nang matapos nagmukha itong elegante tingnan. Ngayon naman ay nilalagyan ako make-up, light make up lang daw ang ilalagay sakin. Habang nilalagyan ako ng make up ay pinipicturan din ako. Namangha ako ng makita ko ang kinalabasan, bumagay ang ayos ng buhok ko sa light make up na ginawa sakin.

"Ms. Cha. Ang ganda ganda nyo po talaga. Bagay na bagay po sa inyo. Ang swerte ng mapapangasawa mo" sabi sakin ni Joy. Yung nagaayos sakin.

"Salamat Joy. Kung hindi dahil sayo hindi ganito kaganda yung kalalabasan."

"Nako Ms. Cha kahit wala kang make up ang ganda nyo na po."

Maya maya ay may kumatok tiningnan ko nakita ko si Dea na nakamake up na at nakagown. Ang ganda nya bagay na bagay sakanya yung make up at gown. Ngumiti sya na matamlay sakin.

"Best. Okay ka lang?" Nagaalala kong tanong sakanya.

Ngumiti sya sakin "Oo naman best okay lang ako. Sumama lang kase ang tyan ko." Picture ulit ang photographer. Padami ng padami ang pumupunta sa suit ko pero umaalis din agad matapos ako batiin. Tinawag na ko para magpalit ng gown. Naalala ko kamusta na kaya si Mark?


MARK'S POV

Maaga ako nagising. Naexcite ako na di ko maintindihan. Iniisip ko padin yung ginawa kong kasalanan pero pilit kong inaalis sa isip ko ang mga nangyari. Wag ngayon. Ito ang pinakamahalagang araw para sa amin ni Cha. Nandito ako ngayon kakatapos lang maligo. Nandito na din si Felix ang best man ko. Dumating na din ang photographer kasama si mama at misha. Nilagyan ako ni mama ng ko ting foundation. Nagsimula kumuha ng picture ang photographer. Maya maya ay tinawag na kami para pumunta sa simbahan. Kinakabahan na ko. Eto yung pangarap ko sa buhay ang makasama si Cha habang buhay ang maiharap sya sa altar.

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon