CHAPTER 5 *Dea's POV*

10.8K 133 4
                                    

A/N:

Yung naka italics po ay flashback. So Enjoy! I'll try kung makakapagupdate ako later.

---

DEA'S POV

Alam ko sobra kong samang kaibigan. Pinagaral ako at binihisan ng magulang nila Cha pero etong ginawa ko. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya Rodriguez. Sila ang bumuhay saamin ni nanay. Sila nagpaaral sa akin hanggang sa makapagtapos ako at sila din ang nagpasok sa akin sa trabaho.

Pero ano magagawa ko? Mahal na mahal ko si mark? Siguro nga kapit sa patalim pero gusto ko akin si mark. Masira man ang matagal na namin pagkakaibigan ni Cha. Noong kami ay college madalas ikwento ni Cha si mark saakin, nung una ay naiinis ako dahil nagpapakatanga si Cha kay Mark pero unti unti dahil sa mga kwento ni Cha ay nahulog ako kay Mark. Hindi ko masabi kay Cha na gusto ko din si Mark, dahil pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin at sa utang na loob ko sa pamilya nila. Masakit man sa akin ay sinuportahan ko sila ni Mark. Nang ligawan ni Mark si Cha umiyak ako ng umiyak pero di ko pinahalata sa kanila yun. Lalo akong nahuhulog kay mark twing kasama nila ako lalo ko syang minamahal. Nagpapanggap akong may boyfriend pagnagtatanong sila sakin. Nang grumaduate si Cha at sinagot nya si Mark para akong nadurog, kulang na lang mamatay ako nung naging sila na. Kala ko hanggang dun na lang yun. Pero nagulat ako ng makipagkita si Cha sa akin at ikinuwento ang pagpropose ni Mark sa kanya. Gusto ko umiyak ng umiyak pero wala. Pilit akong ngumiti sa kanya. Sinundan ko sila sa pakikipagkita nila sa kanilang wedding planner hindi totoong makikipagkita ako sa mga kaibigan ko don. Sobrang sakit lang makitang masaya silang dalawa pero ako hindi.

Nang malaman ko ang planong Party para kay Mark ay gumawa ako ng plano at sa planong iyon alam ko mapapasakin si mark.

*FLASH BACK*

Nandito ako sa aking kwarto nagiisip kung itutuloy ko ang aking plano. Mamaya na kase ang stag party ni Mark. Palakad lakad ako ng biglang...

🎵You're a falling star, you're the get away car.

You're the line in the sand when I go too far.

You're the swimming pool, on an August day.

And you're the perfect thing to say.🎶

Sinagot ko agad ang aking phone ng makita kong tumatawag si Cha.

"Best! Nasan ka na ba? Magsisimula na yung Spa party! Nandito na sila" bungad na sabi ni Cha sakin.

"Be-best sorry ano kase paalis na ko ng bahay may biglang emergency meeting sa airlines. Sorry hindi ako makakapunta"

"Ganon ba? Sayang naman best. Kung pwede ka sumunod eh sumunod ka ha."

"Okay best. Sorry best. Sorry talaga."

"Huh? O.A ka best. Party lang to no okay lang pero sa kasal ko dapat nandun ka. Maid of honor kaya kita!"

"O-oo best. Sorry talaga. Bye." Paalam ko sakanya sabay baba ng phone. Eto na talaga. Inayos ko ang aking suot at kinuha ang susi ng kotse at tuluyan ng umalis ng tinutuluyang apartment."

Nang makarating ako ng pub nila mark ay nasa may bandang dulo ako ng makita ko ang dalawang babae png naninigarilyo na naguusap. Mukhang inis na inis naman ang isa dito. Nilapitan ko sila.

"Letche namang buhay to! Bwisit na Maria yan! Ngayon pa nagkasakit! Alam naman na sya yung makakasama nung lalaking ikakasal e! Ngayon saan tayo hahanap ng ipapalit sakanya. Hindi ako pwede at hanggang sayaw lang ako! Ikaw!? Gusto mo ikaw na lang?" Sigaw nung nakaitim na fit na sando.

"Ayoko nga! Alam mong magagalit boyfriend ko e!" Sagot nung babaeng nakadress na hapit na hapit sakanya

"Sayo naman mapupunta ang sweldo ni Maria!"

"Ayoko. Nangako ako sa boyfriend ko na hin-"

"Excuse lang po. Pwede po ba ako na lang? Kulang ako sa pera at kailangan ko po talaga ngayon. Kahit ano gagawin ko" pagpapanggap ko.

"Mukhang sexy ka naman, may boobs, my korte. Sigurado ka ba? At hindi lang sayaw ang gagaawin mo?" Tanong nung nakaBlack na sando.

"Opo kailangan ko ho talaga ng pera. Nasa hospital nanay ko" pagsisinungaling ko.

"Okay 10,000 ang makukuha mong pera. tara na para makapagbihis." Kahit na hindi ko kailangan ng pera ay kinuha ko ito.

Nandito kaming tatlo sa kwarto sa taas ng pub. Nakaayos na kami. Nakacostume ako ng pangnurse at nakamaskara din ako. Kinakabahan ako. Inaamin ko hindi na ko virgin. 21 ako ng mawala ang virginity ko sakin ng dahil sa pagpapanggap kong boyfriend ko sya nawala ang pinakaiingatan ko. Pero sabi nga nila pagnatikman mo na hahanap hanapin mo ito. Kaya naulit ng naulit ang pangyayaring iyon. Lalo akong kinabahan ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok ang kaibigan ni Mark at inaya na kami para bumaba.

"Miss. Ikaw ang makakasama ni mark buong gabi. Well, Goodluck! Haha" sabi ng kaibigan ni Mark sa akin.

Bumaba na kami at itinulak ni felix si Mark papunta sa kwarto at sumunod naman ako. Nilock nila ang pinto mula sa labas. Huminga akong malalim. This is it Dea! It's now or never. Lumapit ako sakanya.

"Hi handsome" sabi ko habang idinidikit ko ang aking boobs sa kanya. Nakita ko naman syang parang nagulat. Itinuloy ko lang. Nagulat na lang ako ng bigla nya kong halikan. Masakit ang halik na ibinigay nya sa akin. Lust nakikita ko sa mata nya. Tumugon ako sa mga halik na binibigay nya sa akin. Idinikit nya ako sa pader at lalong siniil sa halik bumaba ang halik nya sa leeg ko at wala akong ginawa kundi umungol sa sarap, sa sakit. Nanginihiga nya ko sa kama ay tinanggal nya ang aking masakara na suot. Nagulat sya ng makitang ako ang babae sa harap nya, ang babaeng kahalikan nya.

"DEA!?" Gulat na sabi nya.

"This is so wro-" hindi ko na sya pinatapos at biglang hinalikan. Ako ang pumatong sa kanya at tinuloy ang halik. Sa una ay nagulat sya pinipigilan nyang tumugon pero maya maya ay hinahalikan narin nya ko pabalik. Isa lang ang nasa isip ko...

Masira man ang pagkakaibigan namin ni Cha. Hinding hindi ko ito pagsisisihan...




A/N:

Hello! Hindi ko talaga alam kung magBS ako! Hahaha! Kaya eto na lang muna. I need your comments and votes sana! Salamat! ❤️

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon