CHAPTER 9 *PART 2*

8.3K 123 2
                                    

Cha's POV

Dumating na kami sa reception. Tumuloy ako sa hotel kung saan ginaganap ang pagdidiwang. Nagpalit ako ng isa pa ulit na gown pero mas nakakagalaw na ako sa suot ko ngayon. Inayos na din ulit ang buhok ko. Inalis ang belo at ibinaba ang buhok na kanina ay nakataas. Nagretouch na din ako ng kaunti. Nagulat ako ng makita ko si Mark na nakaupo at hinihintay ako.

"Hey hon! Ano ginagawa mo dito? Diba sabi kosayo hintayin mo na ko sa baba? Baka hinahanap na tayo dun" sabi ko kay mark pero nabigla sya ng makita nya ko.

"You're so beautiful hon. Wag na tayo pumunta sa baba. Derecho honeymoon na tayo. What do you think?" Inosenteng tanong sakin ni mark. Natawa naman ako at hinampas sya sa braso.

"Hon. Mamaya pa flight natin. Wag masyadong perv. I'm all yours tonight babe." Sabay wink sa kanya. Nakita ko naman syang nanigas at napalunok bigla. Kaya mas lalo akong natawa.

"Hayy Sandoval! Tara bumaba na tayo. Kung ano ano naiisip mo dyan. Hinahanap na tayo sa baba for sure." Ang totoo nyan sa tagal ng pagsasama namin ni mark wala pang nangyayari samin. Kahit madalas ako sa condo nya o vice versa, wala talaga as in. Minsan nga ako na nagpakita ng motibo pero wala. Ang alam ko kase kinausap sya ni mama at daddy na wag daw magtangka si mark kase gusto ni daddy na ang ireregalo ko sa magiging asawa ko ay ang aking V card. At kung kami nga daw ni mark sya pa mandin naman daw ang makakakuga non. Kaya ayun sa tinagal walang nangyayari. Siguro mamaya meron! Hahaha.

"Hay! Sawakas bumalik na ang bagong kasal! Kala namin nagtuloy na kayo sa honeymoon!" Sigaw naman ni felix na kinatawa naming lahat.

"Okay Everybody, let us all welcome our newly weds. Mr. & Mrs. Mark Sandoval." Pumalakpak naman ang mga bisita. Ang iba naman ay naghiyawan pa.

Pumunta kami sa stage sa harap. Inalalayan ako umupo ni mark. Bago kumuha ng pagkain ay nagdasal muna kami na pianngunahan ng mommy ni mark. Kumuha na ang mga bisita sa buffet area, samantalabg kami ni mark ay binigyan ng aming pagkain ng isang waiter. Habang kumakaen ay patuloy parin ang background music.

Nang matapos ang kainan ay nagsimula ang programa sa pagbibigay mensahe ng mga taong malalapit sa amin. Nauna na si mama at daddy.

"Cha at Mark, Congratulations sa inyo. Ngayon mapapanatag na ko at nasa maayos na ka
Agayan si Cha. Wag sana kayo magiwanan. Magtulungan kayo sa problemang haharapin nyo. Nandito kaming mga magulang nyo para suportahan kayong dalawa. Mahal namin kayo. Finally Mark, Welcome to the family!" Pumalakpak ang mga tao sa sinabi ni daddy. Sumunod naman ang mommy ni Mark.

"Cha hija, alam mo naman na ikaw na talaga gusto ko para kay Mark simula palang na makita kita alam ko na napakabait mo ng bata. Ikaw ang nagpatino sa baluktot na ulo ng anak ko. Hindi sya magiging ganyan kung wala ka sakanya. Kaya nagpapasalamat ako sa mga magulang mo dahil mayroon silang isang anghel na kagaya mo. Sana lang anak ay magkaroon na ako ng apo. Gusto ko na makita ang magiging apo ko. Wag kang matatakot na magsumbong sakin pagnasaktan ka ng anak ko. Lulumpuhin ko yan. I love you both!" Natawa naman ako sa message ni mommy.

Maraming sumunod at ang pinakahulinay si Dea. Tumayo sya mula sa kanilang table at dahang dahan lumakad. Tiningnan ko naman si Mark na pinagpapawisan kaya kinuha ko ang panyo at pinunasan sya. Nagulat naman sya at napatingin sakin. Ngumiti lamang sya.

Nang makarating si Dea sa harapan namin ay nagsimula na din syang magsalita.

"Congratulations Best at Mark. Alam nyo po ba nung college kami ay bukang bibig ni Cha si Mark. Sobrang crush nya po si Mark, na ako mismo ay naririndi na sa mga kwento nya. Kaya laking gulat ko na niligawan ni Mark si Cha tapos naging sila. Masayang masaya ako sa kaibigan ko, dahil nakita na nya ang forever nya, ang happiness na matagal na nyang hinahanap. Ikaw mark, wag mo papaiyakin bestfriend ko ha. Sasapakin kita. Sana makakita na din kami ng aming happiness. Ng aming Mark. Mahal ko kayong dalawa."nagpalakpakan ulot ang mgta bisita at nagpatuloy ang party.

Nang magalas-8 ng gabi ay nagpaalam na kami sa aming mga bisita dahil pupunta na kami ng airport. Alas-10 ng gabi ang aming flight. Nagbihis ako ng isang dress at bumaba nadin sa lobby. Binigay naman samin ng mga magulang na,in ang aming mga gamit. Nandito na ang maleta at mga personal na gamit. Itinuloy na ng mga bisita ang party kahit umalis na kami.

Nandito na kami sa waiting area, naghihintay lang ng oras para tawagin ang flight number namin. Nakasandal ako ulo ko sa balikat dahil sa antok. Maya maya ay ginising na ko ni Mark dahil sasakay na daw kami ng eroplano. Nakaidlip pala ko sa balikat ni mark. Hinalikan ako ni mark sa lani at tsaka dumerechi sa eroplano.

A/N:

Private po yung next chap which is yung honeymoon nila. Ipopost ko po yun baka mamaya or bukas. Para mabasa nyo yun. Follow me na lang po, para mabasa nyo na din. Yun lang thanks. :)

10 votes please. :)

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon