CHAPTER 7 *Beg*

9.6K 125 2
                                    

MARK'S POV

"Sht ka mark! Hindi mo pa ba ramdam?! Kayang kaya ko balewalain ang utang na loob ko kila cha at ang pagkakaibigan namin kung ang kapalit ay ikaw!!! Mahal na mahal kita mark! Mahal na mahal!!! Matagal na actually. College pa lang ikaw na ang mahal ko! Pero di ko sinabi para sa inyo ni cha! Pero ngayon di ko na kayang manahimik! Akin ka lang mark! Akin lang!"

Hindi ko ininda ang sakit ng pagsampal nya sakin kase mas nagulat ako sa sinabi nyang mahal nya ko dati pa. Dahil sa pagkabigla ko ay pinulot ko ang aking mga damit sa sahig at mabilis na umalis ng kwarto. Akala ko ay hindi na sya susunod sakin ngunit nagulat ako ng bigla syang tumigil sa harap ko habang umiiyak.

"Please mark. Ako na lang. Ako na lang piliin mo. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya mawala ka pa sakin. Binigay ko sayo lahat mark. Please wag mo naman ako iwan. Iwanan mo na si cha. Maawa ka sakin" sabi nya sakin at nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid. Lahat ng kaibigan ko ay natigil sa pagkain ng makita ang nangyayari. Itinayo ko sya sa pagkakaluhod.

"Dea. Itigil mo na to. Please lang. Ako na nakikiusap sayo. Bestfriend mo ang mapapangasawa ko. Mahal na mahal ko sya. Itigil mo na tong kahibangan na to. Mali to. Hindi ko hahayaan na iwan ako ni Cha ng dahil sa pagkakamali na to." Pakiusap ko sakanya.

"Mark please. Ako na lang. Gagawin ko lahat. Ang tagal kong nagtiis." Naiinis na ko. Gusto ko ng umalis sa lugar na to gusto ko mag-isa gusto ko mag-isip. Pilit parin nya ko niyayakap kaya sa sobrang inis ko tinulak ko na sya, natumbak sya

"Pwede ba Dea!! Kahit konting hiya naman sa katawan! Magkaroon ka ng respeto! Magulang ni Cha bumuhay sayo! Sayo ng nanay mo! Wag mo gawin sa bestfriend mo to! Dahil si Cha, kapatid na turing sayo!" Galit kong sabi sa kanya.

Ang kaninang luha sa kanyang mata ay napalitan ng sakit at pagkaguilty. "Oo mark alam ko. Sorry sa nangyari alam kong mali. Hindi na kita guguluhin. Sorry talaga." At tuluyan na syang unalis ng pub. Maya maya din ay umalis na ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagdrive lang ako ng nagdrive. Hindi ko namalayan ay nasa isang bahay ako. Ang bahay na dinisenyo ko at ipinatayo para kay Cha. Ang dream house nya. Kung saan kami titira. Kung saan namin bubuuin ang pamilya namin. Pumasok ako sa loob lalo akong nakaramdam ng guilt. Mali to. Humiga ako sa kama namin magasawa inilabas ang phone at tinext ko si Cha.

To: Hon (+6301202014xx)

"Hi hon! How's my future wife? I miss you already. I'm sorry. I'm really sorry. I can't wait to see you love. I love you. Ikaw lang Cha. Ikaw lang. Magpapahinga na muna ako hon. I'll call you pagkagising ko." Sabay tapon ng phone sa tabi ko. Pumikit ako habang inaalala ang mga nangyari.

Ayokong masaktan si Cha. Sya lang ang tumanggap sa mga pagkukulang ko. Sya lang nagturong magmahal sakin at ayoko syang mawala sakin. Hayy. Napaisip ako. Sabi naman ni Dea hindi na nya ko guguluhin, kaya nabawasan ang pagiisip ko.

Mga alas-5 ng hapon ay nagpasya na kong magcheck-in sa hotel na pagaayusan namin. Nandoon na ang barkada. Alam ko nandito din si cha peo pinagbawalan syang makipagkita sakin. Pumasok ako ng suit kung nasaan sila Felix at tuluyan humiga. Wala akong gana buong araw. Gusto ko magpahinga para maghanda sa kasal namin ni Cha bukas.


A/N:

Hi guys! Baka chapter 8 or 9 yung wedding. Let see. Salamat sa mga sumusuporta! Sa silent readers kung meron man! Please do VOTE and COMMENT ANY SUGGESTION.

YUNG MGA MAGPAPADEDICATE OPEN PO AKO. KINDY MESSAGE ME NA LANG! AT SA GUSTONG MAY IPADEDICATE MESSAGE ME!

KINDLY HELP ME PO SA STORY COVER. THANKYOU! KUNG SINO MAN ANG GUSTO GUMAWA NG STORY COVER IDEDICATE KO NG 3 BESES. MESSAGE ME DIN PO!

-
Peace and Love.❤️

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon