CHAPTER 13 *Faceoff*

9.6K 132 10
                                    

CHA'S POV

Nakahiga ako sa kama at nagpapahinga. Masama talaga kase pakiramdam ko. Sabi nga ng doktor ay sensitive ang pinagbubuntis ko kaya kung maari ay puro pahinga lang ang ginagawa ko. Nasa pang syam na buwan na rin ang baby ko. Kabubuwanan ko na. Oo syam na buwan na ang nakakaraan matapos ko malaman ang ginawa ni Mark at Dea sa akin. Pero sa mga nagdaan naman na buwan ay hindi tumigil si Mark kakapadala ng prutas at gulay. Twing check up ko naman ay makikita ko sya sa pinto ng clinic pero hindi parin kami naguusap. Kay Dea naman ay ang kanyang nanay ang humihingi ng tawad sa akin pero hindi ako galit kay Manang Ising kaya hindi dapat sya humingi ng tawad. Nang magharap si Mommy at Dea, nagulat na lang ako ng biglang sinampal ni Mommy si Dea hindi lang isa kundi tatlong beses. Naawa nga ako kay manang Ising. Pero nagsorry padin si manang sa amin.

*TOKTOKTOK*

"Pasok!" sabi ko sa kumakatok sa pinto. Pumasok naman ang isa sa aming kasambahay, nginitian ko lang ito.

"Magandang araw po Ma'am Cha. May bisita po kayo sa baba."

"Ate lena ano ka ba. Cha na lang itawag mo sakin. Sino ba ang bisita ko?" Tanong ko sakanya.

"Ahm. Cha si Dea po nasa baba." Tumaas naman ang isang kilay ko.

"Sige. Bababa na rin ako."

"Ma'am Cha. Ay Cha. Nagpadala po pala ng prutas at gulay si Sir Mark, nasa kusina na po." Ngumiti na lang ako kay ate lena at nagayos ng sarili at bumaba narin

"Anong ginagawa mo rito? Kung si manang Ising lang naman ang hinahanap mo nandun sya sa kwarto nya o sa kusina, hanapin mo na lang."

"Cha. Parang awa mo na pakawalan mo na si Mark, ibigay mo na sya saakin. Hindi ko kaya ng wala sya sa buhay ko. Kahit lumuhod ako gagawin ko. Ibigay mo na lang saakin si Mark." Tumaas ang isang kilay ko at natawa sa sinabi nya.

"Nagpapatawa ka ba Dea!? Ang kapal naman ng mukha mo na sa pamamahay pa namin na hilingin yan. Wala ka talagang kahihiyan no? Ang tigas ng mukha mo. Wag ako ang kausapin mo! Si Mark! Sya ang nangungulit sakin. Alam mo wala na nga akong pakialam sa inyo e. Sya lang mapilit na nakikipagbalikan! Bakit ako ginugulo mo!" Galit na sabi ko sakanya

"Umalis na kayo ng bansa ng magiging anak mo Cha. Please. Hayaan mo na kami ni Mark!" Umiiyak na sya. Nainis ako sa sinabi nya. Wala talaga syang hiya. Sobrang kapal ng mukha nya.

*PAAAAAAAAAAK*

"Ang tigas tigas ng mukha mo na utusan ako ng ganyan! Kapal talaga ng apog mo no! Pinalamon ka namin, binihisan, pinagaral at binigyan ng magandang trabaho tapos aahasin mo asawa ko!? Hindi ka pa nakuntento at uutusan mo pa kong umalis ng bansa!? Nasan ang hiya mo Dea!?" Galit na galit kong sabi sakanya. Bawal ako mastress baka mapano ang anak ko. Kaya hanggang maaari nagpipigil ako.

"Umalis ka na. Dea. Please. Mahiya ka. Nandito nanay mo ganyan pinapakita mo. Ganyan ka ba pinalaki ni manang Ising!?" Pahabol ko pang sabi sakanya. Tumingin sya sa akin na hawak ang pisnging aking sinampal at unti unting lumapit sa akin. Nagulat na lang ako sa ginawa nya.

*PAAAAAAAK*

Nagulat ako. Sasampalin nya ulit ako ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay, sinabutan nya ko at itutulak nya ko ng biglang bukas naman ng pinto kaya napatigil sya. Nanlaki ang mata nya na makita ang aking magulang na nandoon. Sinugod ni Mama si Dea at pinagsasampal.

"Hayop ka Dea!!! Ganyan ka ba? Lahat ng ginawa namin sayo ganito igaganti mo sa amin!? Sa anak ko!? Sa pamamahay pa namin!? Kapal talaga ng mukha mo! Kumabit ka na nga sa asawa ng anak ko sasaktan mo pa!? Tandaan mo Dea! Ipapakulong kita at pagbabayaran mo to!"

"Tita. Sorry po nadala lang naman po ako ng galit. Patawarin nyo po ako. Sorry po tita." Umiiyak na sabi ni Dea. Lalapitan ko sana si Mama ngunit biglang may naramdaman akong tubig sa hita ko.

"Aaaaaaaah! Maaaa. Uggggh! Ang sakit po ng tyan ko. Manganganak na po ata ako! Maaaa." Nabigla naman si Mama at dali daling lumapit sa akin. Si daddy naman ay tinawag ang driver namin.

"Tandaan mo tong araw na to Dea! Ipapakulong kita lalo na pagmay nangyaring masama sa anak at apo ko!" Pagbabanta ni mama. Bigla naman dumating si Daddy at dali dali akong inalalayan papuntang sasakyan, tinawagan ni mama si doktora habang akay ako ni Daddy.

Naiwan naman si Dea na tulala at takot.

A/N:

Hi guys! UD nampo. Haha vote naman kayo. :) salamat

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon