CHAPTER 20 *WE MEET AGAIN*

10.3K 199 66
                                    

Cha's POV

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Hindi na ko nakapagpaalam kay Mark dahil nasa opisina naman sya, iniwan ko si Mikael kay mama. Gusto ko sanang magrelax kaya napagisipan kong magshopping kaso wala naman akong makitang gusto ko kaya pumunta muna komsa coffee shop. Mamaya na lang ako magiikot ulit. Ilang araw na kong nagiisip isip simula ng makitanko si Dea. Siguro hindi naman anak ni Mark yon db? Kase matagal naman na silang hindi nagkikita. Magtitiwala na lang ako sa asawa ko.

Nang maubos ko yung kape ay inayos ko na ang gamit ko tumayo na ko at papuntansa powder room ng biglang..

*BLAAAAG*

"I'm sorry miss. Hindi ko sinasadya may hinahanap kase ako. Okay ka lang ba? Sorry talaga." Hingi ko ng paumanhin habang nakayuko parin ako.

"Cha? Okay lang ako ikaw ba nasaktan ka ba? Pasensya ka na. Nagmamadali din kase ako." Para akong gpbinuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses na iyon.

"Dea? Pasensya na ulit. Sige mauuna na ko" nagmamadali akong umalis at hindi na tumuloy sa powder room. Halata naman kay Dea na gusto nya kong pigilan pero dali dali na kong umalis. Ayokong magkaroon pa ng chance para magusap kami. Hindi pa ko handa.

Napagdesisyunan ko na lang na pumunta ng spa para magpamassage. Lalo akong nastress sa pangyayari ngayon. Papasok na sana ko ng spa ng namumukhaan ko si Mark na papasok ng resto. Pupuntahan ko sana kaso naisip ko na baka mah kliyente syang imemeet ngayon ayoko naman makaistorbo. Matapos kong magpamassage nasabi kong nawala kahit papano itong stress na nararamdaman ko.

Pauwi na ko ng maisip kong magtake out na lang ng dinner oara hindi na din magluto. Naglalakad ako sa paboritong resto ni Mark ng mapansin kong nandon parin sya. Nagtataka ako kasi ang tagal naman ata nila. Pupuntahan ko na sana sya ng makita ko ang kausap nya si Dea. Naiiyak ako. Gusto ko silang sugudin dahil niloloko na naman nila ako. Pero ayokong pahiyain ang sarili ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at umalis na.

Napagisipan kong tawagan si Mark para malaman kung nagsasabi ba sya ng totoo sakin. Mga 5 ring bago nya to sagutin.

"Beb. Bakit ka napatawag?" Bungad nya sakin.

"Gusto ko sanang itanong kung nasan ka beb? May ipapabili sana kase ako sayo eh" pagdadahilan ko na lang.

"Nasa opisina pa ko beb. Ano yung papabili mo?"

"Ay sige wag na lang. Kala ko pauwi ka na. Bye" nanginginig ang tuhod ko non. Naiiyak lang ako lalo na harap harapan ka na namang lokohin ng asawa mo.

Sumakay na ko ng kotse at umuwi sa bahay. Hindi ko na muna kinuha si Mikael kay mama dahil baka magtanong lang si mama. Nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Lalo akong kinabahan pano nga kaya kung si Mark ang tatay ng pinagbubuntis ni Dea? Kaya ko bang tanggapin ang bata? Kakayanin ko ba kung mas piliin ni Mark si Dea at ang anak nila, kaysa saamin dalawa ni Mikael?

--
A/N:
Hi Guys!! After 127474827382 years nakapagupdate din ako. Sorry for the long wait. Nakakatouch na madaming nagbabasa nito kahit kulang. Loveyou guys!

Need your help. Comment nyo naman kung itutuloy ko pa ba tong story na to? Watcha think guys?

Please do comment and vote!

xoxx 💋

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon