CHAPTER 3

11.9K 131 2
                                    

MARK'S POV

Nandito kami ni Cha sa kinuha naming wedding planner. Buti na lang successful yung proposal kagabi. Si Cha lang talaga ang pinangarap ko makasama habang buhay. Sya yung gusto ko iharap sa altar. Sa dami namin pinagdaanan sa lahat ng pagkukulang ko sakanya minahal nya parin ako.

"Uy hon! Nakikinig ka ba? Lumulutang na naman isip mo e! Tinatanong ni Ms. Ashley kung saan yung gusto nating simbahan." Pagputol nya sa pagmumuni ko

"Heyy hon, ikaw ba saan mo gusto? Kase ako kahit saan basta ikaw katabi ko"

"Ewan ko sayo Sandoval!" Namumulang sagot ni Cha.

"Ang sweet nyo naman pong dalawa" kinikilig na tukso sa amin ni Ashley.

"Hmmm hon kung sa San Agustin church na lang kaya? Vintage tapos ang peaceful bagay na bagay diba?"

"Basta hon kung saan mo gusto kase gusto ko ibigay ang best wedding ever sayo"

"Ms. Ashley okay ba kung sa San Agustin church?"

"Sige po icocontact ko na sila para tingnan kung available sila ng date ng kasal. Ay kelan po ba yung naisip nyong date?" Tanong sa amin ni ashley

"Sa August 7" ako na ang sumagot

"Hon! Seryoso ka ba? It's exactly 2 months from now! Baka mabigla sila mommy and dad"

"Hush hon. Pumayag naman na si tita e. Excited na din sya mas gusto nga nila next month na e. Pero alam ko hindi ka papayag kaya inextend ko ng 1 month" paliwanag ko sakanya.

"Hayy. Oo na lang." Pagsuko naman ni Cha

"How about naman po sa reception? Yung sa catering? May suggestion po ba kayo?"

"Ms. Ashley Gusto ko sana na sa tagaytay, sa Splendido Taal. Yung sa catering and other stuff ikaw na bahala pero pakita mo na lang muna saken for my approval" sagot ni cha

"Okay ma'am. Yung flower po ay may nakuha na ko sweet maple po yung flower shop nila yung invitation at photo coverage ay ipapakita ko na lang po yung layout"

"Great! So, we'll see you again Ms. Ashley. Thank you!" Sabi ko at nagpaalam na

Paglabas namin ng restaurant nakita namin si Dea ang bestfriend ni cha. Bigla naman binitawan ni cha ang kamay ko at pinuntahan si dea.

"Heyy dea. Ano ginagawa mo dito? Hindi ko alam na dito ka pupunta dapat pala sabay na tayo nagpunta dito. Kakatapos lang namin kausapin yung wedding planner e." Tila excited na sabi ni Cha.

"Hi mark." Pagbabalewala nya sa sinabi ni dea. Tumango lamang ako. Sumimangot naman si cha dahil sa pagbabalewala ni dea sakanya.

"Dea! Hindi mo na naman ako pinapakinggan e."

"Nakikinig ako cha. Binati ko lang si mark. I'm here to meet my friends kaso wala ata sila"

"Ay ganon? Sama ka na lang samin ni mark. Pupunta kase ako ng designer ng gown ko ibibigay ko sa sketch ng gown na gusto ko."

"Kasama ba si mark?" Tanong ni dea sabay sulyap sa akin. Nagulat naman ako sa tanong nya.

"Nakakahalat na ko ha best. Si mark ba bestfriend mo at sya lagi mong tinatanong?"

Nataranta naman si dea at pilit ngumiti "ano ka ba best, db bawal ipakita sa groom yung magiging gown mo kase di matutuloy yung kasal"

Bigla naman nagring ang phone nya at nagexcuse sya bago nya. Maya maya ay bumalik sya.

"Mark, Best sorry di pala ko makakasama. Nagtext si daisy e nagpapasama."

"Okay best ingat" at tuluyan na syang umalis.

"Excited na hon? Tanong ko sakanya.

"Sobra hon! I love you!"

"I love you more" sagot ko sabay halik sa kanyang noo.

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon