CHAPTER 6 *Day after the party*

10.5K 163 5
                                    

CHA'S POV

Naiinis na ko! Sht!! Halos masira na kakapindot ang phone makausap ko lang si Mark pero kahit isa sa mga tawag ko hindi parin nya sinasagot. Kagabi pa ko tawag ng tawag! Nakatulog na ko kakatawag sa kanya pero wala pa din syang sinasagot na tawag. Napasabunot ako out of frustrations ko. Maya maya ay tinawagan ko si felix, bestfriend ni mark. Alam ko alam nya kung nasan si mark ngayon. Ilan rings bago nya sagutin ang tawag ko.

"Hello? Sino to?" Halatang bagong gising lang sya.

"Felix nasan si Mark?"

"Si mark? Nandito kami sa pub kakagising ko lang. Sino ka ba?"

"Duh Felix John Villacortez. Sana tumitingin ka sa phone mo bago mo sagutin tawag ko. Si Cha ito. Puntahan ko na si Mark dyan ha! Dalhan ko kayo breakfast."

"Ah si Cha lang pala. Okay pun- sht! Cha wa-wag ka na pumunta puro lalaki kami dito. Alam mo na. Gi-Gigisingin ko na lang si Mark" nauutal na sabi nya sakin

"Naah. Okay lang felix. Wala naman kayong ginawang kalokohan kagabi diba? Otw na rin naman ako. Mga 30 mins. Nandyan na ko. May dala akong food. Haha"

Tsaka ko na binaba yung phone. Nawala init ng ulo ko dahil alam kong tulog pa si mark. Kata tinuloy ko na ang aking pagdadrive.

MARK'S POV

"MARK! MAAAAAAAAAAARK! Sht! BUKSAN MO YUNG PINTO!!!!" Nagising ako sa sigaw ni Felix. Ugh! Fck. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala ang nangyari. Sht. Nagulat ako biglang may gumalaw sa tabi ko.

"Hmmmmm.." Ungol nya. Lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko si dea!? Nakahubad sya. Tiningnan ko ang sarili ko nakahubad din ako. Sht. Anong nangyari!? Natigil lang pagkagulat ko ng sumigaw ulit si felix.

"MAAAAAAARK! KUNG GUSTO MO MATULOY PA KASAL MO. GUMISING KA NA!!! PAPUNTA NA SI CHA!! 25 MINUTES NA LANG PADATING NA SYA!!"

Sa sobrang taranta ko ay nagmadali akong magsuot ng boxer at binuksan ang pinto. Nakita ko syang namumutla at pinagpapawisan. Bigla syang pumasok sa kwarto at inayos ang nagkalat na damit namin ni dea. Siguro ay di pa nya napapansin na si dea ang kasama ko.

"Dude! Paalisin mo na yung babae na kasama m-" nanlaki ang mata nya ng makita ang mukha ng babaeng natutulog habang nakahubad.

"Pre. Si dea!? Lagot ka kay Cha! Fck! Dalian mo mark! Tawagan mo magdahilan ka na bawal kayo magkita papunta na yon!" Sabi nya lalo syang pinagpapawisan.

Dali dali kong tinawagan si Cha at ilang ring palang ay sinagot na nya.

"Hi hon! Gising ka na? Papunta na ko ng pub. Nagalala aKo kase di mo sinasagot phone mo e." Masaya nyang sabi saakin.

"Hon. Diba bawal magkita ang ikakasal. Bukas na ang kasal natin hon. Magpahinga ka na para di ka mastress bukas. I want my wife o be the most beautiful bride in the world." Kinakabahan kong sabi kay cha.

"Ay. Oo nga no. I bought breakfast pa naman hon. Sige uuwi na lang ako or pupunta kila dea kaso di nya sinasagot phone nya e"

"Hon. Ba-Baka naman gumimik kagabi?" Pinagpawisan ako sa sinabi nya.

"Hmm. Sabagay. Sige hon. Bye. I love you!" Paalam nya sakin.

"O-ok hon. Ingat. I-i love you." Sabay baba ng phone. Lumiwanag naman ang mukha ni felix.

"Pre laki ng problema mo. Bestfriend pa naman ni Cha yan. Patay ka pagnalaman nya."

"Hindi nya to malalaman kung walang magsasalita. At hindi ko alam kung anong nagyari kagabi dala lang to ng kalasingan. Si Cha ang mahal ko. Mahal na mahal ko sya. Isang malaking pagkakamali lang to"

"Sige pre. Labas lang ako."

Tiningnan ko lang si dea habang natutulog sya. Sht. Ano ba talaga ang nangyari. Hindi pwede to. Pagkakamali lang to.

DEA'S POV

Narinig ko lahat. Kanina pa ko gising, ayoko lang idilat ang mata ko, gusto ko marinig ang magiging reaksyon nya. Lalo akong naiyak ng marinig nya yung sinabi nya kay Cha. Gusto ko umiyak ngunit pinipigilan ko. Natigil ang pagpipigil ko ng paghikbi ko ng nagsalita si felix.

"Pre laki ng problema mo. Bestfriend pa naman ni Cha yan. Patay ka pagnalaman nya."

"Hindi nya to malalaman kung walang magsasalita. At hindi ko alam kung anong nagyari kagabi dala lang to ng kalasingan. Si Cha ang mahal ko. Mahal na mahal ko sya. Isang malaking pagkakamali lang to" unti unti lumabas ang matagal ko ng pinipigil na luha. Umikot ang ng higa na nakatalikod sa kanila. Sobrang sakit. Para akong namatay. Kala ko masakit na yung tawagin nya ang pangalan ni Cha habang nagsesex kami pero hindi mas masakit to. Parang wala lang ang nangyari sa amin. Kunsabagay sino lang ba ko sa kanya. Lumabas ng tuluyan si felix at narinig ko sumara ang pinto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng shower. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at sinuot ang damit na suot ko bago magpalit ng costume. Habang nagsusuot ako ng sandals ay bumukas ang pinto. Parehas kami natigilan ng magtama ang mata namin.

"Dea? Anong nangyari? Bakit ka nandito? May nangyari ba satin?" Sunod sunod na tanong nya sakin.

Nilakasan ko ang loob ko. Eto na yon. Chance ko na to. Wala akong sasayangin na pagkakataon. Magiging akin si Mark. "Oo Mark. May nangyari satin. Hindi mo maalala? Sarap na sarap ka pero wala kang maalala?" Nakita kong namuo ang galit sa kanyang mga mata. Nagtitimpi ito.

"Fck Dea!!! Lasing ako kagabi. Hindi dapat to mangyari! Kalimutan na lang natin to. Walang makakaalam kahit sino. Tayong tatlo lang nila felix ang may alam! Mahal ko si cha! Si cha lang ang mahal ko wala ng iba! Hindi ko alam kaya mong gawin yan sa kaibigan mo!" Galit na sabi nya saken.

*PAAAAAAK*

Sinampal ko sya. "Sht ka mark! Hindi mo pa ba ramdam?! Kayang kaya ko balewalain ang utang na loob ko kila cha at ang pagkakaibigan namin kung ang kapalit ay ikaw!!! Mahal na mahal kita mark! Mahal na mahal!!! Matagal na actually. College pa lang ikaw na ang mahal ko! Pero di ko sinabi para sa inyo ni cha! Pero ngayon di ko na kayang manahimik! Akin ka lang mark! Akin lang!"


Tila nagulat naman si Mark sa sinabi ni Dea. Dali daling pinulot ni mark ang kanyang damit at umalis sa kwartong iyon.

A/N:

Hi. Please vote naman kayo. Wala naman mawawala diba? Gusto ko lang malaman kung may nagbabasa ba ng story ko. Salamat! Kung sino gusto magdedicate or may ipapadedicate kindly message me. Then yung sa story cover. Please help me! Hha salamat xoxx.

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon