CHAPTER 11 *FAST FORWARD*

9.7K 104 1
                                    

After 2 and half years.

CHA's POV

Busy ako sa pagluluto ng lunch, off ko kase sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Pagdadalhan ko sana ng lunch si Mark. Lagi naman kaming ganito. Pagoff ko dinadalhan ko sya ng lunch. Dalawang taon ko na itong gawain. Oo, tama rinig nyo. 2 taon na kami. Actually, 2 and half years na kaming kasal. Gaya ng normal na magasawa madalas kami magaway yung tipong aalis sya para magpalamig o vice versa, kaya nga kami bumili ng rest house para doon kami magpapalamig ng init ng ulo o dun kami sa bakasyon. Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko na naman yung nangyari tatlong linggo na ang nakakalipas.

Flashback

"Hon ayaw mo pa bang tumigil sa trabaho? Look, kaya naman kitang buhayin at ang magiging anak natin. Baka kaya wala pa tayong baby kase masyado kang stress sa hospital at masyadong malalaki yung piniPT mo.

"Hon naman e. Alam mo naman mahal na mahal ko ang pagPT. Nageenjoy ako dito. Tsaka kung magreresign ako wala naman akong gagawin dito sa bahay."

"Gusto ko na magkaanak hon. Hindi ko alam kung ano humahadlang sa pagkakaroon ng anak. Mahirap ba yon? Baka dahil stress ka sa trabaho kaya di tayo magkaanak!" Nabigla ako sa pagkakasabi nya. First time na binuksan nya ang issue ng pagkakaroon ng anak, kase noon pagsinasabi ko yon, okay lang sakanya, I mean naiintindihan nya.

Dali dali kong binitawan ang kutsara at tinidor. "Excuse me lang. Busog na ko" dali dali akong tumayo at pumunta sa kwarto para maligo at maglabas ng sama ng loob. Mag-iisang oras na kong nakababad sa tub, kitang kita mo na kulubot na ang mga daliri ko sa kamay at paa. Isasandal ko sana ulit ang ulo ko ng biglang may kumatok.

"Hon? Okay ka lang ba dyan? We need to talk." Mahinahon na sabi nya sa akin. Hindi naman ako sumagot, gusto ko magpahinga. Aaminin ko nasaktan ako sa mga sinabi nya sakin, sino ba naman siguro ang hindi masasaktan.

"Hon? Bubuksan ko na tong pinto. Nag-aalala na ko." Sabi nya habang kinakatok ang pinto.

"Mark, please kahit ngayon lang gusto ko mapagisa. Yun lang mark." Mahinahon kong sabi sakanya.

"Hon. Look, i'm sorry sa mga sinabi ko kanina. Naiinggit kasi ako sa mga nakikita kong daddy na bitbit yung baby nila. Gusto ko din maranasan yun." Sincere na sabi nya sakin.

Tumayo ako at isunuot ang aking robe, binuksan ko din ang pintuan. "Sorry din hon, hindi kita inintindi. Gusto ko din naman magkaanak na, pero sige magreresign na ko sa hospital kaso bigyan mo muna ako ng 1 month bago magresign." Sabi ko sakanya.

Bigla naman sumigla ang mukha nya. "Talaga hon!? Thank you hon. Thank you!" Akmang yayakapin naman nya ako pero pinigilan ko.

"Hep. Pero pagnagkaanak na tayo at lumaki na sya, babalik na ko sa pagtatrabaho. Naiintindihan mo?"

Sunod sunod naman ang pagtango nya. "Oo hon. Promise yan. Thank you hon! I love you so much!" Sabay halim sakin. Agad naman ako sumagot sa mga halik nya hanggang sa lumalim ito at ayun na. Sana may mabuo na.

*office ni Mark*

"Hi Nancy! Nandyan ba si Mark?" Masayang sabi ko sa secretary ni Mark.

"Kayo po pala Ms. Cha. Nandyan po si sir sa loob kaso po may bisita po si sir e. May meeting po ata?"

"Huh? Sino naman yung bisita nya? Nagdala pa naman ako ng lunch nya."

"Teka lang po, ichecheck ko lang po. Ayy ma'am Cha ang bisita po ni sir ay si--" naputol ang sasabihin ni Nancy ng lumabas si Mark sakanyang opisina na tumatawa kasama si.. Dea!? Nabigla ako don. Tiyak pati sila nabigla.

"Hi best! Pinuntahan ko si Mark. May pinapabigay kasi na invitation si Ryan. Nasa flight ko kase sya. Pinabigay nya to o." Sabay pakita sa isang invitation.

"Ok best." Nagpaalam na din si dea. Binalingan naman ako ni mark.

"Hon! Anong ulam?" Ngiting sabi sakin ni Mark sabay halik sa labi ko.

"Hmmm. Your favorite, Sinigang" Oo, favorite nya yung sinigang lalo na yung maasim na maasim at yung malapot. Pinapaspk naman ako ni Mark sa office nya.

"Tungkol saan yung invitation hon?" Tanong ko sakanya habang kumakaen kami.

"Next next week kase kakasal na si Ryan, yung kateam mate ko sa varsity dati. Invited tayo. Sama ka hon ha! Gusto kitang ipakikilala ulit sakanila. March 3 yun."

"Despidida ko yun sa hospital hon. Remember?"

"Oo nga pala. Hindi na lang ako pupunta." Sabi nya sakin sabay subo ng pagkain nya.

"No hon. You should come, para naman makita mo yung mga kaibigan mo dun no. Alam ko namimiss ka na nila." Sagot ko sakanya.

"Okay, if that's what you want hon, basta itext mo ko kung ano na nangyayari sa party mo ha."

*after 2 weeks*

These past few days lagi na lang kami magkaaway ni Mark. I really don't know why. Yung maliit na bagay pagaawayan pa namin. Magtatanong lang ako kung bakit late sya umuwi aawayin na nya ko at sasabihin na pinagbibintangan ko sya. Umabot na nga sa puntong sa guestroom na sya natutulog at hindi na kami nagkakaabutan. Pagkagising ko ay tulog pa sya at pagmatutulog na ko ay wala pa sya. Masasabi ko na ito na ang pinakamahirap na part sa buhay namin ni Mark. 2 linggo na kaming ganito.

Bukas na yung alis nya papuntang Zambales para sa kasal ni Ryan 3 days sya dun kaya sa 6 pa balik nya, at bukas na din ang last day ko sa hospital. Pero ganito parin kami ni Mark. Bigla naman sumama ang tyan ko at dali daling pumunta ng cr para magsuka. Ilan linggo ko na din napapansin to. Sobrang pagod ko to kase ang daming inasikaso sa hospital. Natulog na lang ako para mabawasan ang sama ng pakiramdam ko.

Pagkagising ko ay wala na si Mark. Maluha luha akong pumunta sa kusina para magluto, habang naghihiwa ako ay bigla na naman sumakit ang tyan ko. Bigla akong kinabahan, baka buntis ako. Pero ayoko muna malaman pagkabalik na lang ni Mark. Nagtuloy na lang ako sa hospital para paghandaan ang aking despedida party.


A/N:

Hey guys! Sorry ngayon lang nakapagUpdate. Tatry ko later kaso finals kase namin bukas so, baka bukas na after finals or later. Haha! Malapit na guys! Malapit na magkabukingan! Haha! Keep on reading guys! ❤️

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon