CHAPTER 2

17.3K 167 1
                                    


CHA'S POV

"Beeeeeeeeeeeeeest! Nakikinig ka ba?" Sabi ko kay Dea, bwisit naman kase tong babae na to kanina pa ko kwento ng kwento hindi naman nakikinig.

"Huh? Ano yun cha? May sinasabi ka ba?" Sagot nya saken.

"Grabe ka best! Kanina pa ko salita ng salita tapos di ka naman nakikinig! So, anyways look best! Nagpropose na saken si mark! Grabe kinikilig ako best. Maid of honor kita ha! Ang swerte ko talaga sakanya."

"Bakit ang bilis naman?! Hindi ka ba papagalitan ni tita nyan? Kilala mo si tita papagalitan ka nun!tsaka ang bata mo pa para magasawa. Ipostpone mo na muna best!"

"Napaka mo talaga dea! Hindi ka ba masaya para samin? Tsaka hello! 26 na ko bata parin!? Nagulat nga ako best nung nagpropose sya kase supportive si mom at dad! Nandun sila at tuwang tuwa sila! At ang tagal tagal na namin ni mark siguro it's time para lumevel up naman db?" Sagot ko naman.

"Pero best di-" hindi ko na sya pinatapos at biglang nagpaalam dahil nandyan na si mark sa labas.

"Hephep! Best una na mo ha! See you na lang next week. Nandyan na si mark e. Pupunta na kami sa wedding planner namin. Bye!" Bineso ko na sya at tuluyan umalis sa coffee shop.

Nakita ko si mark na nakangiti habang nakasandal sa kanyang kotse, pagkadating ko sakanya ang niyakap ako at hinalikan ng mabilis sa labi.

"I miss you Mrs. Sandoval" Sabi nya habang hinahalikan ako sa aking buhok.

"Mrs. Sandoval ka dyan! I miss you more hon pero tara na!"

Habang papunta kami sa wedding planner ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga gusto namin gawin sa aming kasal.

"Hon kung pwede nga lang, pinakasalan na kita ngayon! Kahit sa huwes lang tapos sa susunod na yung engrandeng kasal! Haha" natatawang sabi nya saken

"Kakaengage lang natin kagabi hon! Ienjoy natin ang buhay engage. Haha" loko talaga si mark!

"Eto na tayo hon! Baba na tayo" nandito na pala kami. Nalibang ako sa pagkwekwentuhan namin dalawa ni mark.

A/N: basahin nyo naman po thanks! :))

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon