9th Diary Entry ni K

294 25 0
                                    

Dear Diary,

                       Hindi 'to related sa nangyayari sa akin ngayon. Pero may mga napansin lang kasi ako na ilang beses ko nang napapansin pero ini-ignore ko lang dahil parang napakaliit lang naman na bagay. Kaso ang problema, parang palagi ko na yatang nakikita't napapansin eh.

                       Ganon na ba talaga ang boys nowadays? I mean... girls na ba talaga ang gentleman ngayon? May isang beses kasi na may nakita akong dalawang students, isang boy at isang girl. Yung ID nung boy nahulog tapos pinulot nung girl. Pero ang nakapagtataka... yung boy tinignan niya lang yung girl na gawin sa kanya yun.

                       Ugh! Nakakainis! Ganon na ba ang mga lalaki ngayon? Kasi kung ako yung boy at ginawa sa akin yun nung girl, di ko siya hahayaan na magpaka-gentleman for me noh. Hmp! Nainis talaga ako dun sa boy. Yung girl din nakakainis. Hindi niya man lang alam na hindi dapat siya yung gentleman. Kaya nga gentleMAN diba? Eh di sana gentleWOMAN na lang pala.

                        Well, I love my red hair today hihihi. Sige. Bye. :)

Diary ni K | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon