6th Diary Entry ni K

461 30 0
                                    

Dear Diary,

                       Hindi naman lahat ng comedian, pala biro right? Bakit parang feeling ko joke lang yung sinabi ni Vice na crush niya ko? Kasi alam ko yung loveteam namin for show lang yun eh. At sa pagkaka-alam ko, joke lang din itong loveteam namin. Lahat 'tong mga 'to tingin ko joke lang 'to. Pero ba't ganun? Ang manhid ko para malaman na totoo pala yung nararamdaman niya.

                        Meant to be pa rin naman kami eh. Hahaha. Banban siya, manhid ako. Pero, THIS IS NOT ABOUT US ANYMORE. Ang sakit non nung sinabi niya yan ha? Pero my gosh. Di pa rin ako maka move on. Tinanong niya ko kanina kung crush ko rin ba daw siya? Di ba kapag ang isang boy umamin na crush niya si girl at yung girl umamin din na crush niya si boy diba... MU tawag don or Mutual Understanding?

                         Pero pwede bang maging mag-MU kahit may asawa na? Hays. Katandaan feels hahahaha. Pero parang may napanood ako sa kabilang network na yung girl may asawa na pero may iba siyang mahal or yun nga, may ka-MU siya. So, ibig sabihin pwede? Pero hindi ba't kasalanan yun? Hays, jusko Karylle, masarap ang bawal.

                         And isa pa, kanina rin nagulat ako sa sinabi niya na ako raw ang present niya. Dun palang unti-unti na kong naniniwala na crush niya nga ako. Pero huhuhu. Feeling ko bukas may sasabihin nanaman siya about sa aming dalawa, or di kaya baka umamin siya...

                         Pero paano kapag napaamin din ako? Mapaamin ako na crush ko rin siya matagal na. Well alam niya naman siguro na crush ko siya dahil sa mga madadaldal na bibig nila Vhong, Billy at Anne. Minsan nga si Jugs at Teddy rin nadudulas na eh. Pero di ko iniisip na naniniwala siya dun dahil nga syempre bakla siya. Tingin niya lang sakin... kaibigan. :( Ni hindi niya nga ako niligawan eh. Pero lagi niyang binabanggit na "paano kapag niligawan kita".

                         Naalala ko tuloy nung nagtaping kami nila Mama ng GGV. Tinanong niya si Mama kung papayag daw ba siya kung sakaling ligawan niya ako. Then sabi ni Mama, kasal na raw agad. Bakit ganon? Kung kailan nalaman ko at nalaman niya na pwede naman pala at ok si Vice kay Mama't Papa, bakit ngayon lang kung kailan... may asawa na ko.

                         Sana kasi Vice sinabi mo nang mas maaga para malay mo... may chance tayong dalawa. May chance na maging tayo... May chance na maging mas real pa sa real ang ViceRylle... May chance na magkaroon tayo ng sarili nating Mini ViceRylle. Eeehhh. Kung cellphone lang ang lumabas noon baka sakaling tayo na ang unang gay-girl couple ng Pilipinas na parehas na artista. I don't know if mayroon nang nauna pero sure ako na kami ang una. :(

                         I am so stupid. Nagsisisi ako ngayon. Huhuhu. I am so confused right now. Ayaw na ayaw ko talaga ang August - December. Kasi yang mga months na yan alam ko diyan yung month na sinabihan niya ako ng "K, move on" noon at yung sa gusto mo ba ng pansit chuchu ko. :( Huhuhu. Help, Diary! Help me to move on.













Wag lang sa pagmo-move on... pati sa kapogian ni Vice. Nate-temp kasi ako eh. >.<

Diary ni K | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon