30th Diary Entry ni K

191 12 3
                                    

Dear Diary,

                        Nahihirapan akong matulog. Bukod sa namimiss ko si Yael, ang dami kong iniisip. Kahapon kasi 45th monthsary ng mga babies. Then kanina may isang baby or fan or basta di ko alam basta tao siya. Tapos tinanong niya ko... "are you ready to have a real baby?" tapos naging speechless lang ako. Gusto kong sumagot ng yes, kaso parang feeling ko hindi pa ko ready. Gusto ko ring sabihing no, pero baka isipin nila na nagdadalawang isip pa ko.

                        For me, hindi pa talaga ako ready. Oo, gusto kong magka-baby pero para bang feeling ko hindi ko nakikita ang future ko kay Yael. Parang feeling ko... confused ako. Para rin bang nararamdaman ko ngayon yung naramdaman sa akin noon ni Vice nung mga panahong naconfused siya sakin. Para ngang hanggang ngayon confuse pa rin siya sakin at sa nararamdaman niya eh. Pero ako parang halos lahat ng katanungan na nasa isip ko, hindi ko mahanap yung sagot at hindi ko alam ang isasagot.

                         Para tuloy naiisip ko na, mahal ko ba talaga si Yael? Yung ibang tao, alam ang sagot pero bakit ako na sarili kong katanungan para sa sarili ko, di ko alam ang sagot. Bakit yung ibang tao alam ang sagot sa tanong ko. Pero kahit na sinasabi na nila yung sagot, di ko pa rin pinakikinggan. Eh syempre sino ba naman kasi ang papakinggan mo sa kanilang lahat eh halos magkakaiba ng sagot. May iba na oo, may iba namang hindi, at may iba na sinasabi na ginamit ko lang.

                         Feeling ko tuloy yung sagot sa tanong kong 'to, ginamit ko lang siya. Pero hindi rin. Kasi mahal ko siya eh. Magpapakasal ba ko kung di ko siya mahal. Kaso ganon naman talaga pag-artista diba? Ugh. Ang hirap nitong problemang matagal nang hindi matapos-tapos ah. 2013 ko pa 'to nararamdaman at hanggang ngayon ni isang sagot na matino, wala pa kong natatanggap.

                         Ikaw, sa tingin mo ba... minahal ko talaga si Yael o ginamit ko lang siya para masabing kasal na ko at naka move on na ko sa mapait na nakaraan ko? Help me, diary please. Kung hindi man si Madam Bertud ang makakatulong sa problema kong 'to, ikaw na lang ang naiisip kong makakatulong sa problema kong 'to na matagal ko nang gustong tapusin.

                         Please, diary. I need your answers now.


Diary ni K | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon