Dear Diary,
If I will be given a chance na humiling ng isang wish... yun yung sana nananaginip lang ako. Nakakalito na kasi eh. Napapansin ko lang kasi na napapadalas pagiging seloso at malambing ni Vice sa akin. Kanina habang commercial break sa Showtime, panay ang text niya sakin. Inaasar na nga ako ni Billy kasi raw baka namimiss na raw ako ng bestie niya eh. Pero ginagawa ko na lang biro at tinatawanan ko na lang.
Hindi kaya totoo yung napanaginipan ko noon na nakipaghiwalay ako kay Yael tapos si Vice sinalo ako tapos siya yung naging asawa ko in the end? Ugh! Bakit kasi ngayon lang siya dumating? Well, hindi ko pa nga pala rin nasasabi na crush ko rin siya noh? Laging siya ang nagsasabi na alam niya raw na may gusto ako sa kanya.
Pero gusto ko ba talaga siya or kinikilig lang ako sa mga ginagawa niya sakin kahit alam kong... for the fans lang yun? Pure gay kasi siya eh. Pero feeling ko bisexual na yun or baka nga straight na ulit eh hahahaha. Nevermind. Reply-an ko na lang tapos kamustahin ko about sa taping niya. :)
BINABASA MO ANG
Diary ni K | vicerylle
DiversosPaano ko tuturuan ang puso ko na pigilang mahulog sa iyo ulit?
