23rd Diary Entry ni K

213 14 0
                                    

Dear Diary,

                        Ano yun? Ano yung ginawa niya? Isang forehead kiss para sa fans at isang forehead kiss na... for REAL?! Ano ba yung gustong ipahiwatig niya! Gusto niya na ba kong balikan ulit? Gusto niya na ba kong bawiin kay Yael? Di na ba siya manhid? Di na rin ba siya banba? Nahulog na ba siya sakin?

                        Diary sagot! Alam kong hindi ka si Madam Auring para hulaan mo ngayon kung ano ang nararamdaman niya. Pero kasi nanghihingi ako ng sagot kaso di ko naman makuha. Parang siya noon na dati hinihingi ko kaso di ko makuha-kuha kasi ayaw pumunta sakin ng puso niya. Tapos ngayon na kinuha na ko ng tuluyan ng iba... ano yun?!

                        Sinadya niya bang mahuli sa pagdating? Kung kailan kasal na ko at may asawa na ko at nagpaplano nang magka-pamilya, tsaka siya darating? Bakit naman ganon! Bakit ngayon lang siya... dumating? Ang tagal kong nag-antay eh. Hanggang sa napagod na ko at binigay ko na ang puso ko sa ibang tao na alam kong mahal na mahal ako.

                         Vice! Bakit kung kailan huli na at tsaka ka humabol?! Bakit Vice?! Bakit!!! >.< Ganyan naman lagi diba. Sa una walang pakialam sayo... tapos malalaman mo na lang na nung kinasal pala kayo, imbis na tears of joy, tears of pain ang inilabas mula sa mata. Akala niya ba di ko nakita yun at di ko alam yun?

                         Sinabi sa akin ni Bernard, Billy at Vhong na umiyak siya hindi dahil kasal na ang kaibigan niya. Kundi kasal na ang "KAIBIGAN" niya raw sa iba. Siguro kasi kung tinupad niya lang yung sinasabi niya laging joke noon na pakakasalan niya ko, baka di siya umiyak non. My gosh, Vice! Why are you doing this to me? Bakit ngayon pa? </3


Diary ni K | vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon