Dear Diary,
I watched Gandang Gabi Vice a while ago with my husband. Nakakatawa na may isang nag-pop-up up na tweet sa TV na sinabing pogi daw yung host ng GGV. Well, totoo naman talaga. Natawa lang ako basta di ko alam. Tapos nung pinakita yung dating niligawan ni Vice na si Betty. Parang nakikita ko sa mga ngiti niya na kinikilig siya. Tapos habang nagp-play yung How Am I Supposed To Live Without You?, pansin ko na parang napapa-reminisce si Vice lalo na nung habang nagku-kwento si Girl or si Betty kung paano manligaw si Vice. And then I realized, ganon pala manligaw ang isang Vice Ganda dati noh? Napaka-sweet lang nung inaalayan ka ng kanta tapos may flowers tapos love letters na nakasulat sa mabangong paper. Naaalala ko tuloy yung sa Sine Mo To na kinantahan niya ko ng Everything I Do. Tapos nung binigyan niya ko ng stem lang no buds or flower on top tapos with matching pick-up line. Grabe lang. :) Hindi ako nagseselos ah? Kinikilig lang ako dahil may pagka-ideal boyfie pala siya. Tapos naalala ko rin nung binigyan niya ko na customized bracelet na may nakalagay na KURBA, tapos siya pa mismo nagsuot. :) Haaay. Kaya gustong-gusto ko na magkaroon siya ng asawang babae eh. Kaso ayaw niya. Ako raw bet niya. Aaayyy! Feeler alert hahaha. Pero totoo naman eh. Ako talaga gusto niya. Kahit itanong mo pa. :)
Sige goodnight na. See you later on Showtime! ;)
BINABASA MO ANG
Diary ni K | vicerylle
RandomPaano ko tuturuan ang puso ko na pigilang mahulog sa iyo ulit?
