Prologue ✔

3.2K 61 14
                                    

Start: March 6, 2016
Finish:

This story was inspired by "You're Beautiful" Korean Drama.

Enjoy Reading~~~

~~~~~~

BEAUX (French; Bohz)

Plural form of Beau (Boh)

A male lover or Sweetheart

:Disclaimer!
Ieedit ko po yung first five chapters or should I say, papalitan ko po yung mga scenes.

I know the meaning of plagiarism at inumpisahan ko pa tong story na to nung wala pa kong kaalam alam sa plagiarism.

I'm really sorry guys and sabi ko kasi inspired pero ang totoo kinopya ko na halos yung mga scenes na nangyare nung sa kdrama.

Papalitan ko to ASAP but not this week, (October 7-14) kasi hell week po.

Don't worry po yung first 5 chapters lang ang may problema but the rest is from my imagination (naks!)

Salamat po sa pagtindi~~

Yun lang po.

~~~~~~

Niel's POV

"Oh my ghad! BEAUX!"

"BEAUX! I love you!"

"Mahal kita Niel!"

"Parape ako Ivan!"

"Be my boyfriend Mark!"

Apat na taon ng nakalipas simula nang matapos na ang kaguluhan. At sa loob ng apat na taon na yun. Umaasa pa din ako.

Apat na taon na din simula nung nag audition ako, kami nila Ivan at Mark bilang singer para magbagong buhay. Pero hanggang ngayon ito pa din umaasa.

Umaasa pa din ako na sana, ako yung mahal ni Cloe hindi yung gagong yun.

Pero anong magagawa ko, mahal niya ehh, mahal nila ang isa't isa. Doon pa lang talo na ko.

Ngayon, isa na kong sikat na singer na pinagkakaguluhan ng mga tao mapabata man o matanda.

"Oyy Niel! Tulala ka na naman, problema mo?" tanong ni Ivan sa akin. Nandito kami ngayon sa loob ng S Company habang yung mga fans namin na kung makasigaw wagas ay nasa labas na harang harang nung mga security ng kompanyang ito.

"May iniisip lang." sagot ko, pero sana hindi ko na lang sinagot dahil nginisihan lang niya ko.

"Si Cloe ba yan? Naku naman bro, move on din pag may time." sinamaan ko siya ng tingin, gago to.

"Nagsalita ang hindi pa nakakamove on." bara ni Mark sa kanya na umiinom ng tsaa ngayon. Napakamot na lang ng ulo si Ivan. Yan kase, kinarma agad.

"Nga pala Niel..." binaba ni Mark yung tasa ng tsaa niya. "May bago daw tayong miyembro, ngayon na ata siya magsa-sign ng contract." napakunot ang noo ko, hindi ko alam yun ahh.

"Sino may sabi?" tanong ko, "Ahh si Miss S ang may---"

"Sir Niel pinapatawag po kayo ni Miss S sa meeting room po." tumayo ako saka nag-unat. Tiningnan ko muna yung mga tao sa labas mula sa glass wall na ikinahiyaw na naman ng mga fans namin, tsk! Ang ingay.

Nagsimula na kong maglakad papunta sa meeting room habang ang dalawa ay nananatiling nakaupo sa sofa sa may glass wall.

Tsk! Ano bang problema ni Miss S at nagrecruit ng bagong member? Hindi pa ba sapat yung kasikatan namin?

May halong inis kong binuksan ang meeting room pagkadating ko doon at nakita ko na lang ang lalaking nakaupo sa upuan katabi ni Miss S at mukhang kakapirma niya lang ng kontrata, tsk!

"Ohh Niel, saktong-sakto kakapirma niya lang ng kontrata." ani ni Miss S.

Oo nga, sakto nga hindi ko na nga magawang pigilan ehh.

Padabog kong nilagay ang kamay ko sa harap nung lalaking bagong miyembro daw.

"Ikaw..." ani ko, "Sumama ka sa akin." pananakot ko pero puta! Sa kontrata pa din siya nakatingin, gaano ba kaganda ang kontratang yan?!

Hindi na ko nakatiis at inis kong hinawakan ang mukha niya at ihinarap sa akin. "Hindi ka ba susuno--" nanlaki ang mata ko at hindi ko na magawang tapusin ang salita ko, what the fvck?! Anong ginagawa niya?!

"I-ikaw?" dahan-dahan kong binitawan yung mukha, a-anong ginagawa niya dito?

Nilapitan ako ni Miss S at hinawakan ako sa balikat, "Niel meet your new member, Caine." nginisihan niya lang ako.

"And Caine welcome to BEAUX." pumalakpak yung isang lalaki na kasama niya ata.

Pero ano ba talagang ginagawa niya dito? May mission na naman ba siya? Akala ko gusto na niyang iwanan ang mga ginagawa niya noon?

Ngayon lumalakas na naman ang tibok ng puso ko, fvck!

Cloe bakit ka nagpapanggap na maging lalaki at sumali sa banda namin?!

Paano ako makaka move on sayo kung simula ngayon ay makakasama na kita sa iisang bahay?!

Tangna! Cloe, I'm still inlove with you.

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon