Chapter 7 - Finding Memory

763 33 5
                                    

Pagpasensyahan yung title ng Chapter 7, walang maisip ehh 😂😂😂 papalitan ko na lang next time.

---

Cloe's POV

Nakaramdam ako ng uhaw kaya napaupo ako sa kama atsaka naghanap ng tubig sa may side table ko.

Teka, bakit malambot? A-ano to?

Tuluyan ko ng minulat ang mata ko atsaka tiningnan yung gilid ko.

What the hell?! Yung likod pala ni Ivan yung hinahawakan ko!

Agad ko naman tinanggal yung kamay ko doon atsaka nagmamadaling bumangon.

Nasa sala pala kami, napahawak ako bigla sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit dito.

"Gising ka na pala." Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Mark na may hawak ng tasa, at base sa amoy ko, tsaa yung iniinom niya.

"Ahh..goodmorning." Nasa may bandang kusina siya at nakikita ko naman siya kasi wala namang harang na pader sa may sala at kusina.

Naalala ko pala na nauuhaw ako kaya agad akong pumunta sa may fridge banda likuran niya atsaka kumuha ng tubig doon.

"Grabe ka pala pag lasing, nakakadiri." Napakunot ang noo kong tiningnan si Mark na hindi ko namalayang nakatingin pala siya sa akin.

Nginisihan naman niya ko ng mapansin niya ko, binalewala ko yung ngisi niya. Tinalikuran ko siya atsaka ininom yung tubig.

"Aww.." napaaray ako sa sakit atsaka napahawak sa gilid ng labi kung saan masakit. Bakit may sugat? Ano bang nangyare kagabi? Aishh! Bakit ba kasi ako uminom?! Yung mga babaeng yun kasi ehh, tsk!

"Painom-inom pa kasi, hindi pala kaya." napalingon ako sa likuran. Hindi pa din nawawala yung ngisi niya sa akin.

"Ano bang ginawa ko kagabi?" tanong ko. Napakunot ang noo ko nang nagkibit balikat siya atsaka naglakad palayo sa akin. Gago talaga tong lalaking to.

Pumunta muna ako sa kwarto ko atsaka naligo at nag-ayos ng sarili.

Pagkatapos kong magbihis, umupo muna ako sa kama. Ano bang nangyare kagabi? Aishh! Sakit sa ulo.

"Wow! Ang ganda ng buwan!" Turo ko sa buwan. Ang ganda ng buwan, mabilog! Ang liwanag.

Sa sobrang hilo ko, bigla na lang ako nawalan ng balanse.

May nakita na lang akong tatlong taong nag-aabang sa harapan ko. Pero sino tong mga to? Ang labo ng paningin ko.

"Aishh!" Napapadyak ako sa inis, takteng alak yan! Sino bang nakaisip ng alak na yan ng mapatay ko ng ilang beses, tsk! Ang daming gumagawa ng kung ano ano dahil sa alak na yan!

Tanungin ko kaya si Ivan? Yun, tama! Tatanungin ko na lang siya.

Agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto. Natutulog pa ba yun sa sala?

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan mula sa ikalawang palapag papunta sa unang palapag.

Pagkababa ko sa hagdan, agad naman ako napatingin sa bandang kaliwa ko sa kung nasaan yung sala.

Huh, wala na sina Ivan? Nasaan na yung mga yun? Kailangan ko siyang mahanap.

Baka naliligo na din. Tsk, magpahangin na nga muna ako.

Pumunta muna ako sa balcony ng bahay at umupo sa bench.

"Arf! Arf!"

"Anak ng nanay mo!" Napatalon ako sa gulat nang may tumahol sa may likuran ko.

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon