Chapter 9 - Bunganga

674 33 16
                                    

Yung feeling na sinipag ka maglaba tapos bigla na lang nawalan ng kuryente, sige, hindi na ko maglalaba mag uupdate na lang ako, bwisit ahahaha. Once in a lifetime na nga lang ako sinipag nawalan pa ng kuryente ahaha.

And oo nga pala kindly read System Breakdown by jackfloat

Fan Fiction po siya ng The Twin Nerd And The Twin Gangster. Atsaka ano gwapo daw siya kaya dapat basahin niyo yung story niya. (Nyenyenye)

Yun lang!

Enjoy Reading~~
---

"Ahh..ano?" Ano bang problema ng lalaking ito at nabi-beastmode na naman siya sa akin?

"Tsk! Tanga na nga, bingi pa. Bakit ba hindi mo sinagot yung text at tawag namin sayo?!Kanina ka pa namin hinihintay dito!" Napapikit ako sa pasigaw niyang sermon.

"Sorry naman, may sinundo kasi ako sa airport atsaka naiwan ko yung phone ko kaya hindi ko alam na nagbago na pala yang isip mo." Inis kong sagot.

"So ako pa ang may kasalanan ngayon? Ewan ko ba kung bakit isinama ka pa ni Miss S sa bandang ito, sagabal ka lang naman dito. Tsk!" At doon ako natauhan, ang tanga mo Cloe! Bakit mo ba siya sinasagot?!

Napatingin ako sa baba, "Sorry..."

"Tsk! May magagawa pa ba yang sorry mo? Pumunta ka na nga sa pwesto mo nang makapag-umpisa na tayo."

Agad ko naman siya sinunod at saka pumunta sa piano ko.

Tiningnan ko naman yung mga notes na tutugtugin ko. Wait, bago to ahh.

Nakita ko na lang na itinaas ni Ivan yung kamay niya hawak hawak yung drumsticks niya atsaka ipinalo ito sa isa't isa. Yun ang cue na mag-uumpisa na kami.

-----

"Hoo! Natapos din!" Sigaw ni Ivan pagkatapos namin mag perform.

"Pwede na kayo magpahinga." Utos ni Niel kaya ini-stretch ko yung kamay ko pataas. Ang sakit ng balikat ko.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng biglang pumasok si Dylan na may dala dalang lima na plastik bags.

"Kain muna tayo." Napasigaw sa tuwa si Ivan atsaka dali daling nilapitan si Dylan atsaka kinuha ang isang plastik bag.

Sumunod naman si Mark sa kanya atsaka kumuha ng isang plastik bag.

"Ohh Caine, ayaw mo?" Tanong ni Dylan sa akin.

"Gusto ko, pero may gagawin muna ako." Tinanguan niya ko kaya naglakad na ko palabas ng practice room nang may mahalagilap ako.

Si.....si Nathan? Anong ginagawa niya dito sa bahay?

Napalunok ako sa kaba, may galit pa to sa akin dahil nilalandi ako ni ate, kailangan kong magtago.

Nagtago ako sa may hagdanan habang siya naman ay nasa kitchen at parang may hinihintay.

"So, nahanap mo na ba siya?" Biglang tanong ni Nathan na ikinakunot ng noo ko, sinong kausap niya?

Napatalon ako sa gulat ng makarinig ng yabag mula sa hagdan.

"Hindi pa, hindi ba talaga alam ni Claire kung nasaan si Cloe?"

"As usual, ayaw niyang sabihin. Kilala mo naman si Biik, gusto niya ng adventure, tsk."

"Landiin mo kasi para naman sabihin niya sayo..... o baka naman bakla ka." Napatakip ako ng bibig at nagpipigil ng tawa.

"Gusto mo bang magpahinga? Tara patayin na kita gago!"

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon