Hello po, sorry for the long wait!
By the way comment your reactions then kung sino yung pinakagusto kong comment I will dedicate the next chapter to you. Game?
Ganyan na gagawin ko para sa dedications for the next chapters.
Enjoy Reading~~~
---
Niel's POV
"Niel!" Napapikit ako sa inis nang marinig ko na naman ang boses ng babaeng yun, nakakainis na ahh, masasapak ko na to.
"Utang na loob MJ, tigilan mo na ko, wala nga kong alam tungkol kay Caine." Inis kong sagot. Itinuloy ko lang sa pagsulat ng lyrics sa papel.
Nagulat ako ng bigla niya ko tinabihan, "Edi tanungin mo, sige na please!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakalimutan ko na yung mga lyrics na nasa utak ko.
"Bakit hindi na lang ikaw? MJ pag ako napuno, masasapak na talaga kita." Napalayo siya sa akin atsaka ako inismaran.
"Bakla ka ba kaya ka nananapak ng babae?" Binitawan ko yung lapis ko atsaka na lang sumandal sa upuan.
"Kailan ka pa naging babae, tch." Naramdaman ko na lang ang pagpalo niya ng unan sa akin.
"Loko kang lalaki ka! Bwisit! Hmmp! Lalapitan ko na nga siya!" Naglakad na siya palabas ng studio.
Napatayo ako pagkasabi niya nun at dali dali ko siyang nilapitan bago pa siya makalabas ng studio.
"Ano?!" Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya dahil sa gulat sa pagsigaw niya.
"Ahh..ano.." napahawak ako sa batok, hindi niya pwede lapitan si Cloe!
"Kung wala kang sasabihin, lalabas na ko--" napatigil siya ng bigla ko siyang niyakap.
Damn it! Ano tong ginagawa mo Niel?!
--
Cloe's POV
"Caine! Alam mo ba, kada punta namin sa Mall Showing karamihan ata sa mga fans ehh ikaw ang hinahanap." Kwento ni Ivan habang papunta kami sa studio dala dala yung pagkain.
"Talaga, akala ko naman ayaw nila sa akin?." Tanong ko.
"Hay nako Caine, maraming tao ang namamatay sa akala." Napangiti ako sa sinabi pero bigla siyang napatigil nung nasa may pinto na kami ng studio.
"Ohh, napatigil ka?" Nagulat ako ng bigla na lang niya binitawan yung mga plastic bag na hawak niya kaya dinampot ko yun.
May tinuro siya, "Si--si Niel at Jasmine..." nakaramdam ako ng kaba kasabay nun ang pagtingin ko sa kung saan nakaturo si Ivan.
Si Niel yakap yakap niya si Jasmine sa loob ng studio. Dahil aquarium theme ang studuio kitang kita yung mga nangyayare sa loob dito sa labas. Hindi ako makahinga, ang sakit.
Natauhan ako at napa-tikhim, "Bakit gulat na gulat ka naman dyan?" Tanong ko.
Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko, "Hehe wala, mukhang naka-move on na kasi si Niel sa ex niya ehh." Nagpanggap ako na nagulat sa sinabi niya.
"May ex siya?" Tanong ko. Mukha nga, mukhang naka-move on na siya.
"Oo mamaya kwento ko sayo, tara pasok na tayo." Pumasok na si Ivan na ikinagulat naman nung dalawa sa loob ng studio.
Sumunod naman ako sa loob at nakita ko naman ang pagkakagulat sa mukha ni Niel at Jasmine.
"Omo! Caine, kanina pa kayo sa labas?" Tanong ni Jasmine, tiningnan ko naman si Ivan at umiling siya. Tch, ayoko nga magsinungaling.
BINABASA MO ANG
TNATG 2: Still Inlove With You ✔
Action[TNATG Book 2] Love is sweeter the second time around but will they recognize it? March 6, 2016 - October 6, 2017