Chapter 22 - Caught

523 30 1
                                    

Enjoy Reading~~~

---

Mark's POV

"Mark! Nandito ka pala? Sino kasama mo?" Napatayo ako para salubungin si Jasmine kasama si Niel.

"Ahh si Cloe..." tiningnan ko si Niel at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Mukha ngang hindi niya kami napansin.

"Cloe? Sino yun? Baka yun yung babaeng kasama mo sa mall na napagkamalang girlfriend mo or...napagkamalan ba talaga?" Mapang-asar na tanong ni Jasmin.

Napahawak ako sa leeg ko, "Hindi, magkaibigan lang kami." Sabi ko, "But I want to level up." Nagulat ang dalawa sa sinabi ko atsaka ako pinalo sa braso ni Jasmine.

"Wow! Binata ka na talaga, ligawan mo na! Baka mamaya ehh maagaw ka pa ng iba diyan, diba Niel?" Napansin namin dalawa ni Jasmine na wala sa sarili ito kaya sinikuan niya ito.

"Ahh..ano?" Tanong niya.

"Ikaw talaga, kanina ka pa nawawala sa sarili. Ang sabi ko kako, ligawan na niya si Cloe nang hindi na siya maagaw ng iba diba?" Napalunok si Niel atsaka tumango.

"Ohh, kaya ligawan mo na ahahaha. Teka saan pala siya? I want to meet her." Excited na saad ni Jasmine.

"Nasa cr, pero kanina pa siya doon ehh pwede mo bang tignan sa loob?" Nag-alala kong tanong.

Tinanguan niya ko, "Sure, halika na baka may iba nang kausap na lalaki yun." Sabay kaming naglakad papunta sa restroom ng mga babae.

Tumingin muna sa amin si Jasmine nang nasa harapan na kami ng pinto ng restroom. "Just wait here okay, Cloe ang name right?" Tinanguan ko siya, pumasok na siya sa loob ng cr.

Ngayong kami na lang dalawa ni Niel, naging tahimik dito sa hallway. Kung dati komportable pa kong nakikipag-usap sa kanya, ngayon hindi na lalo na't iisang babae lang ang nasa puso namin.

Napaatras kaming dalawa ni Mark nang biglang lumabas si Jasmine na may dalang maliit na bag.

"May nakita akong bag sa lababo pero wala namang tao sa loob pati sa mga cubicles." Nakaramdam ako ng kaba nang namukhaan ko ang bag, bag ni Cloe...Shit!

Kinuha ko yung bag atsaka tiningnan sa loob, nakita ko yung wallet kaya binuksan ko at tiningnan kung may i.d. and shit! Sa kanya nga ang bag na to.

"May nangyare ba Mark?" Nag-alalang tanong ni Niel sa akin. Mukhang kinakabahan siya.

"I need to go." Tumakbo na ko nang hindi pinapakinggan ang mga tawag nila sa akin.

Dumiretso ako sa kotse ko pero bago yun, kinuha ko yung phone ko atsaka d-in-ial ang number ni Claire.

["Hello?"]

"Claire, nawawala si Cloe!" Pumasok ako sa kotse atsaka pinaandar yun.

["Shit! Fuck! It must be that fucking bitch! Nasayo ba ang mga gamit niya?"] Ramdam ko ang kaba niya sa kabilang linya.

"Oo, pero kilala mo ba kung sino--"

["Oo, pumunta ka sa Mafia, we need to discuss something."]

"Pero Claire baka--"

["Nakuha na siya ng babaeng yun Mark, we need a plan, at kailangan natin kumilos nang malinis kaya sumunod ka sa akin."]

Hindi ko na magawang magsalita nang puyulin niya ang tawag kaya napasuntok na lang ako sa manibela ng kotse. Fucking hell, hindi ko man lang siya na-protektahan! Damn it!

Claire's POV

"Where are you going piggy? At sino yung kausap mo?" Tanong ni Kuneho na nakahiga sa kama habang ako nagmamadaling nagbibihis.

"I need to go back to headquarter, may emergency." Pagkatapos ko isuot yung black polo ko, nagmadali na kong lumabas sa kwarto at ramdam ko ang pagsunod ni kuneho sa akin.

"Kuneho, magbihis ka, nandito si Shea." Sabi ko atsaka siya hinarap. He's only wearing boxers, ghad!

"Okay, but be careful." Tinanguan ko siya atsaka siya nilapitan para halikan ang pisngi nito.

After nun, lumabas na ko sa bahay atsaka dumiretso sa sasakyan ko.

Pagkapasok ko sa sasakyan, "Babe, contact Sniper 6." Utos ko.

"Yes Crimson." Agad naman sumagot sa tawag si Sniper 6.

"Sniper 6, what happen to Cloe?" Tanong ko.

["I saw her nakasakay sa van with three men Crimson, sinusundan ko na po sila."] Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Good, huwag na huwag mong hahayaan na mawala sila sa paningin mo, okay?"

["Yes Crimson."] Pinutol ko na ang tawag atsaka mabilis na magmaneho papunta sa Mafia.

Cloe's POV

Nakatakip ang aking mga mata at nakatali ang mga kamay habang nakaupo dito sa sasakyan. Shit, saan nila ako dadalhin?

Ramdam ko ang paghinto ng van, nandito na kami pero saan..

Nasilaw ako sa liwanag nang tanggalin nila ang pagkakatali sa mata ko.

"Sumunod ka sa amin." Tinanguan ko sila atsaka lumabas sa van.

Tiningnan ko ang paligid, teka...

Headquarter ng Yakuza?! Shit!

Nauna nang naglakid yung isang lalaki habang yung dalawa naman ay nakabantay sa may likuran ko, sinundan ko yung naunang lalaki.

Nakita ko yung mga tauhan na nag-eensayo sa labas at ang dami nila. Anong meron?

"Hoy, galaw!" Natauhan ako sa biglaang sigaw ng lalaki sa likuran ko na ikinatigil ng mga nag-eensayo kasabay nun ang pagsama nila ng tingin sa akin na ikinakaba ko.

Sinundan ko muli yung lalaki hanggang sa nakapasok kami sa isang building.

Tumigil yung sinusundan kong lalaki sa harap ng isang pinto atsaka binuksan yun.

"Pasok." Pumasok ako sa kwartong yun pero laking gulat ko nang makita ang taong nakaupo.

"What the fuck are you doing here?!"

Claire's POV

"Anong pag-uusapan natin?" Bungad ni Mark sa akin pagkapasok ng office ko.

"Kailangan natin pag-usapan yung kay Cloe." Umupo siya sa upuan na nakapwesto sa may harapan ko na nakagitna sa amin ang office desk ko.

"We need to get ready Mark, if you don't know may nangyayareng alitan ngayon laban sa Yakuza." Bakas sa mukha ni Mark ang pagkagulat.

"You mean, all this time Yakuza ang umaatake sa inyo?" Tumango ako ng ikinahilamos ng mukha niya.

"May war na palang nangyayare bakit hindi mo sinabi sa akin?! I can protect her laban sa mga lintik na yakuza na yan!" Napaatras ko sa sigaw ng lalaking to.

"Bakit mo ko sinisigawan? Tsk!" Napatigil kami nang bigla na lang pumasok ang secretary ko.

"Crimson, tumawag si Sniper 6 at sinabi niyang nasa headquarter ng Yakuza si Ms. Cloe." Napatayo ako atsaka nilapitan ang secretary ko.

"How about yung system ng Yakuza? Open the cctv." Utos ko.

"I'm sorry Crimson pero mukhang pinatay na nila ang system nila na pati ang cctv ay hindi na namin makita." Napahawak ako sa ulo nang makaramdam ako ng hilo, geez! Umiikot ba yung mundo.

Napatumba ako ngunit naramdaman ko na may sumalo sa akin.

"We need to go to hospital, now!"

And all went black.

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon