Chapter 26 - Flashback

477 24 0
                                    

Note: Continuation po ito ng flashback last chapter.

Enjoy Reading~~~

---

"Just call me MJ na lang."  inilahad niya ang kamay sa akin hudyan na gusto nito makipagkamay sa akin.

"Niel." Hinawakan ko ang kamay niya atsaka kami nag handshake.

Kakatapos lang niya ikwento sa akin lahat, mula sa ang mama niya ang dating Queen at ngayon ipinasa na sa kanya ang korona bilang isang bagong Queen ng Yakuza.

Matagal na kong walang narinig sa kanila nung panahon na magsimula ang war between Gangster at Mafia at ngayon na iisa na lamang sila.

Atsabi ni Miss S na nanghingi ng tulong noon si Dos sa kanila upang kalabanin kami nina Claire noon pero tumanggi sila kahit na may ipapakasundo ang Mafia na bibigyan sila ng makapangyarihan na armas sa oras na mapatay ang Queen ng mga Gangster na si Crimson o si Claire.

Isa lang ang naisip ko sa mga armas na yun, walang iba kundi ang mga imbensyon ni Claire, mukhang alam talaga ni Dos kung ano ang mga pinaggagawa noon nina Claire at Cloe.

"So gangster ka dati?" Tanong ni MJ sa akin.

Tumango ako, "Oo dati din ako sa isa sa mga namumuno ng mga gangster noon ngunit simula nang bumalik ang Queen hindi na namin hawak ang Underground at simula nang matapos ang War, napag-desisyunan ko nang tumigil sa pagiging Gangster at gawin na lang ang pangarap ko na maging singer."

"Sina Mark at Ivan, mga kasamahan mo din ba sila noon?" Sunod na tanong niya.

"Wala po ako sa tamang posisyon para sabihin sa inyo tungkol sa kanila." Humingi ako ng paumanhin pero tumango lamang siya.

"Okay as long as hindi nila alam ang tungkol sa akin then were even."

~~~~~

Claire's POV

"Biik what are you doing?"

"I want to ride a horse." Sagot ko atsaka dumampot ng nahiwa na apple atsaka kinain.

"But I'm not a horse Biik, get down." Hinawakan niya ang dalawa kong braso habang nakaupo ako sa may likuran niya na parang nakasakay ako sa kabayo.

Kaya ang nangyare ay napadapa siya sa ginagawa ko.

"Ayoko." Niyakap ko ang likod niya na ikinabigla niya.

"Biik, get down baka mahulog ka, you're pregnant."

"Hmm." Umabante ako ng konti atsaka niyakap ang leeg niya at sinimulan amuyin ito. Ang bango niya~~

"Biik nasa sofa tayo wala tayo sa kama, get down." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang amuyin ang leeg niya. Amoy baby hmm.

Napatigil ako nang marinig ko ang doorbell na ikinasimangot ko, sino yung istorbo na yun?

"Get down biik, may bisita tayo." Inis kong binitawan ang leeg niya atsaka umupo sa sofa.

"Galit ka ba? Pshh. Ako na ang magbubukas." Inis kong saad at padabog na tumayo at pumunta sa main door.

"Wait Biik, samahan kita." I mimic him atsaka binuksan ang main door atsaka dumiretso sa gate ng bahay.

Ngunit napatigil ako nang makita na paglabas ko ng main gate ay may isang van naman ang nagpaharurot palayo.

At may naaninag akong tao sa harap ng gate.

Si Cloe..

"Biik what happen?"

"Cloe!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa main gate at binuksan yun.

Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang kapatid ko na nakahandusay sa sahig.

"Cloe! Cloe wake up!" Agad ako dumapa at nilagay ang kanyang ulo sa akin binti,

Tinapik ko ang kanyang pisngi, "Cloe! Wake up, God what happen to you?!" Nagsimula nang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

"Biik, shit Cloe! Damn!" Nakita kong kinuha ni Nathan ang phone niya at nagsimula mag-dial ng phone.

Tiningnan ko si Cloe, "Wake up Cloe, I'm here now." Patuloy kong tinatapik ang pisngi niya.

"We need your help." Rinig kong saad ni Nathan.

Nathan's POV

"Kailangan natin siyang dalhin sa hospital Nathan, hindi siya pwede magtagal dito." Nag-aalalang saad ni Miguel pagkalabas niya sa kwarto ni Cloe.

"Kailangan muna natin hintayin ang mga Samurai-s at Snipers masyadong delikado at baka may plano sila."

"Pero Nathan, habang tumatagal mas magiging delikado na ang kalagayan ni Cloe, sa mga nakita ko na bakas sa katawan niya mukhang t-in-orture siya." Napasara ako ng kamao. Fuck Yakuza, what have you done?!

Nakuha ang atensyon namin nang makita namin si Ella na tumatakbo papalapit sa amin dala dala ang sniper niya..

"Nandito na kami nasaan si Crimson? Si Cloe?" Nag-aalala niyang tanong.

"Nasa loob, Nathan tara." Tumango ako atsaka naunang pumasok sa kwarto atsaka nilapitan si Biik.

Fuck she's crying, hinawakan ko ang mukha niya "Biik, everything will be okay." Niyakap ko siya.

Si Miguel naman ay binuhat si Cloe, "Nasaan na ba yung kambal mo? Akala ko ba...tsk!"

-----

1 Year Later...

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon