Chapter 32 - Babe

510 13 0
                                    

Enjoy Reading~~~

----

"Cloe!" Agad ako niyakap ni Mark nang makita niya ko pagkapasok namin ni Niel sa dorm.

"Mark, nag-uumpisa na si ate." Bumitaw siya sa yakap atsaka niya ko nginitian.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Doon tayo sa kwarto mag-usap." Seryoso niyang saad atsaka ako hinila palayo kay Mark.

Tiningnan ko si Mark, nginitian niya lang ako atsaka tinanguan habang hinihila ako ni Niel papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

Pagdating namin sa kwarto niya, binitawan niya ang kamay ko atsaka ako hinarap.

Naging tahimik ang paligid, ni wala sa aming dalawa ni Niel na gusto mag-umpisa. Hindi namin alam kung paano uumpisahin pagkatapos ng lahat ng nangyare sa amin?

Paano nga ba umpisahan to?

"Umm.." pag-uumpisa ko. "Gusto ko lang sana sabihin sayo na sorry dahil--"

Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang paglapit sa akin atsaka ako niyakap ng mahigpit.

"I know..." sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "I'm so sorry din dahil wala ako sa tabi mo noon." Naramdaman ko na lang na nangingilid ng mata ko pagtapos niyang sabihin yun.

Mahigpit ko siyang niyakap, "I'm sorry din, hindi kita pinaglaban noon, sorry dahil hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman mo sorry dahil napaka-selfish ko."

"Hush..." mahina niyang saad. "Its okay, ang mahalaga okay na tayong dalawa... babe." Napalakas ang iyak ko, hindi ko aakalaing dadating kami sa ganito at tatawagin niya kong 'babe' muli.

"Miss na miss kita babe." Masaya kong saad. Bumitaw ako sa yakap at nagulat nang makitang umiiyak din siya. "Bakit ka umiiyak? Kalalaki mong tao." Natatawa kong saad, pinunasan ko ang luha niya.

"Babae lang ba ang pwedeng umiyak?" Hinawakan niya ang mukha ko atsaka pinunasan din ang luha ko.

"Hindi naman, natatawa lang ako sa itsura mo." Natatawa kong saad.

"Pasalamat ka mahal kita, ang pangit mo kaya ngayon." Napasimangot ako sa sinabi niya at tinampal ang balikat nito.

"Nakakainis to." Tinawanan niya ako atsaka niyakap muli. "Sana ganito na lang tayo palagi, yung masaya." Napangiti ako atsaka siya niyakap pabalik.

"Soon babe, soon."

---

Claire's POV

"We're here, get ready everyone." Otoridad kong saad, tiningnan ko si kuneho na katabi kong nakaupo sa van kasama ang mga ITs na busy sa pagtype sa mga sari-sarili nilang laptop.

Ang van na sinasakyan namin ay hindi karaniwang nakikita o nasasakay ninyong van, sa driver side ng van ay parang nasa opisina lang na may lamesa at office chair na sa kung saan nakapwesto ang mga kasama naming ITs ngayon, nakaupo kami ni kuneho ngayon sa likod ng driver at passenger seat.

"Biik, can't you just stay here? Ayoko na may mangyare muli sayo kagaya noon." Nag-aalala niyang saad, hinawakan niya ang kamay ko atsaka hinimas ito.

Natawa ako sa sinabi niya, "Nangyare sa akin yun dahil kapatid mo ang gumulpi sa akin noon. Hinding-hindi na mangyayare sa akin yun Kuneho, promise." Tinaas ko ang right hand ko, "Para kay Alex." Dagdag ko, ipinakita ko ang pinky finger ko sa kanya.

"Para kay Alex." We link the pinky fingers together.

---

Simula nang dumating kami sa HQ ng kalaban, wala kang ibang maririnig kundi tunog ng baril at pagsabog ng bomba. Pati na rin ang nagsisigawan na mga tauhan ng magkabilang grupo.

Hindi pa kami nakakapasok sa HQ ng kalaban dahil sa mga snipers sa paligid nito, nakatago pa din kaming mga Samurai sa mga puno sa paligid ng HQ.

Nasa gitna kasi ng kagubatan ang HQ ng Yakuza.

Bigla na lang natahimik ang paligid, "All clear Crimson." Sabi ni Sniper 2 mula sa earpiece na suot ko.

Agad ako lumabas mula sa pagkakatago sa puno.

"Lets go Samurais!" Sigaw ko at nagsimulang tumakbo papasok sa HQ ng Yakuzas.

Ngunit napatigil kami nang makaharap namin ang mga tauhan ng Yakuzas.

"Umalis na kayo dito bago pa namin kayo maubos!" Sigaw ng lalaki sa harapan na parang isa siya sa mga nasa taas na ranko dito.

"If you can." Tinutok ko ang baril sa kanya at agad na pinutok yun. Dahil sa ginawa ko, naging hudyat na magsimula nang maglaban ang dalawang grupo.

May lumapit sa aking kalaban na may dala-dalang kutsilyo, isasaksak niya sana sa akin to ngunit inunahan ko na siya ng baril. Natumba siya sa tama ng bala sa ulo. Sapul.

Hindi nagtagal, agad namin naubos ang mga kalaban dahil na din sa tulong ng Snipers.

"Maghiwalay tayo, pumunta kayo sa ibang buildings. Don't forget the rules and be careful okay?!"

"Yes Crimson!" Agad na tumakbo palayo sa amin ang ibang Samurais at nagpaiwan si Kuneho, Samurai 1 at mga kasama niya.

Tinanguan ko sila atsaka naunang tumakbo papasok sa main building ng HQ.

Nagtago agad ako nang makita ang mga tauhan na may baril. Agad nila kami pinagbabaril nung nakita nila kami.

Kinuha ko yung isa kong baril sa gun belt atsaka kinasa yun.

Bale dalawa na ang hawak kong baril, tiningnan ko si Kuneho at yung iba, may hawak na din silang baril at inaabangan na lang ang susunod kong gagawin.

Hinawakan ko ang earpiece ko, "Where is he right now?" Tanong ko.

"Nakalabas na siya ng Main Building Crimson, mukhang tatakas na siya with five ems." Sagot ni IT 1.

"Samurai 1 ikaw na muna ang lead dito, Kuneho come with me." Nauna na kong tumakbo papunta sa likod ng main building habang nakasunod siya sa akin.

Saktong pagdating namin sa likuran, saktong nakita namin si Sniper 1 na nagmamadaling naglalakad palayo kasama ang limang tauhan nito.

Hinawakan ko muli ang earpiece ko, "Snipers, cover me."

"Yes Crimson."

Naglakad na ko papalapit sa kanila, "Sniper 1!" Malakas kong sigaw na ikinatigil nila.

TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon