Chapter 30 - Begin

445 16 2
                                    

Guys if may time kayo you can read My Spy Ex-Girlfriend. Medyo may connect ito sa story ngayon. Medyo lang ahaha.

Enjoy Reading~~~

----

Yakuza's HQ

"Sir! May gustong pumasok sa system natin!"

"What?! Protect it now!" Napasara ako ng kamao. Ito na ba?! Ito na ba ang araw na pinakahinihintay ko?

Kinuha ko ang cellphone ko atsaka tinawagan si Queen.

"Queen, we need to talk." Hindi ko na siya hinintay na sumagot atsaka binaba ang tawag.

Tinawag ko ang sekretarya ko. "Yes sir?" Tanong niya pagkapasok sa opisina ko.

"Tawaging mo ang lahat except sa mga hackers at may grand meeting tayo."

"Yes sir." Nag-bow ito bago lumabas ng akin opisina.

Umupo ako ng maayos upang tingnan ang mapa ng Mafia HQ sa lamesa kasama ang mga plano namin.

Let the war begin.

--

Cloe's POV

Pagkapasok ko sa HQ bumungad sa akin ang mga nagkakagulong tao na may dala dalang sari-sariling armas. Teka? Anong nangyayare?

Kailangan kong puntahan si ate dahil sa panaginip ko kagabi, or should I say naalala ko na ang lahat. Kailangan ko sabihin kay ate kung bakit hindi niya sinabi sa akin tungkol kay Jasmine na siya pala ay si Queen na gustong pumatay sa akin.

Pero sa nakita ko ngayon, bumalik ulit ang nararamdaman ko noong war, takot.

Agad ako tumakbo patungo sa IT building dahil alam kong doon magsisimula ang gulo dahil sa hacking na yan.

Pagdating ko bumungad sa akin ang mga IT na busy sa pagta-type kasama si ate sa pinakadulo ng room habang may inuutos sa mga kasama niya.

Nilapitan ko si ate ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng room ng pinigilan ako ng mga Samurai.

"Ms. Young, pasensya na po ngunit lubos na ipinagbabawal pong makipag-usap kay Crimson ngayon." Pagpigil ng Samurai sa akin.

"Pero kailangan ko siyang maka-usap--"

"Success IT!" Tumayo si ate atsaka tiningnan ang dalawang lalaki na hula ko ay leader ng  Samurai at Snipers.

"Samurai 1, Sniper 2 lets go." Naunang tumakbo si ate kasunod nung dalawang lalaki.

Ngunit napatigil sila ng makita ako ni ate, kumunot ang noo nito. "What are you doing here?"

"Kailangan kita makausap."

"I don't have time Cloe." Lalampasan niya ako ng hinawakan ko ang braso niya.

"Kung ayaw mo akong kausapin, pupunta ako sa HQ ng Yakuza." Tumakbo ako ng napakabilis palabas ng IT building at rinig ko ang pagsigaw ni ate sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

Kung ayaw niyang sabihin sa akin bahala siya sa buhay niya.

-----

Niel's POV

"Niel, pack your things now." Bungad ni Jasmine sa amin pagkapasok niya sa Dorm namin.

"Why?" May halong lamig kong tanong sa kanya.

"Just do it." Nagmamadali niyang saad.

Tiningnan ko ng sandali sina Ivan at Mark, atsaka umakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag.

"Nababaliw ka na naman ba?"

"Shut up, Mark!"

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko yung maleta ko atsaka binuksan ito.

Nagsimula na kong nag-empake ng gamit ko.

Nasa kalagitnaan palang ako sa pag-eempake nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Bro, talaga bang hinayaan mong inuutusan ka ng baliw na yun ahh?" Napatigil ako atsaka siya tiningnan.

"Busy ako Mark." Pinagpatuloy ko ang pageempake ko. Kahit ano pang gawin niya hindi na niya ko mapipigilan, ulit.

"Kailan ka pa naging aso Niel?" And that hit me, tumigil muli ako atsaka nilapitan si Mark.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo niya, "Sabi ng busy ako diba? Bakit ba nangengealam ka?"

Tinulak niya ko na ikinabitaw ko sa kwelyo niya atsaka niya ko sinuntok.

Napatumba ako sa lakas ng suntok niya, "Tangina brad may pakealam ako sayo dahil una kaibigan kita at pangalawa dahil sa kanya!" Galit niyang sigaw sa akin.

Napatingin kaming dalawa sa pinto nang bigla itong bumukas.

"What the hell Mark?! Anong ginawa mo kay Niel?!" Agad niyang nilapitan si Mark atsaka sinampal. "Asshole!"

"Kung ako asshole, ano ka naman?" Napatawa ng malakas si Mark, "Witch? Bitch? Ano?" Dagdag niya.

Nanlisik ang mata ni Jasmine, "Watch your fucking mouth Mark."

"Watch your fucking heart Jasmine, buhay pa ba?" Mapang-asar na saad ni Mark habang nakangisi.

"Get out!" Galit na sigaw ni Jasmine. "Get out!" Tinulak niya palabas ng kwarto si Mark atsaka sinara ang pinto.

Nilapitan niya ko, "Are you okay love?" Hinawakan niya ang braso ko upang tulungan niya ko makatayo ngunit agad kong inalis yun atsaka tumayo at nagpatuloy sa pag-empake.

---

"Hurry up love." Utos ni Jasmine. Nagmadali kami bumaba ng hagdan habang bitbit ko ang maleta ko.

Nakaabang naman sina Mark at Ivan sa amin sa sala.

"Bro please..." pagmamakaawa ni Ivan. Binaba ko ang maleta ko atsaka tinapik ang balikat niya.

"Kayo na bahala dito." In-adjust ko ang hawakan ng maleta atsaka sinimulang hilain ito palabas ng dorm.

"Hindi mo siya makukuha!"

"You bitch! Sumusobra ka na talaga!" binitawan ko ang maleta ko atsaka nilapitan ang dalawang babae.

"Cloe, Jasmine stop it!"

~~~~~

Notes:

Mafia are divided into three groups:

Samurai - near distance attacker/defender

Sniper - far distance attacker/defender

And IT - hackers

Ella is part of the Sniper's group btw.







TNATG 2: Still Inlove With You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon