Enjoy Reading~~~
---
"Cloe!"
"Cloe wake up!"
"Cloe!"
"Please wake up!"
"Don't leave me please Cloe!"
"Parang awa mo na Cloe wake up!"
"Cloe!"
"CLOE!"
Napaupo ako sa gulat at napahawak sa dibdib dahil hindi ako makahinga ng maayos. Teka, anong nangyare?
Napatingin ako sa paligid, teka nasaan ako?
Nagtaka ako dahil hindi ko naman kwarto to dahil puti ang kulay ng paligid ng kwarto pero hindi siya hospital dahil sa lawak at yung atmosphere niya ay hindi pang-hospital.
Nakasuot ako ng pajama ngayon at may naka-inject sa akin na dextrose na ikinataka ko, wala ako sa hospital pero bakit may nakakabit na dextrose sa akin?
Nakita ko din sa gilid ng kama ang napakalaking tangke ng oxygen at may life support din sa gilid ko na gumagana.
Then realize hit me, may naramdaman akong nakadikit sa katawan ko at may nakakabit na oxygen mask sa akin.
Agad ko tinanggal ang mga nakakabit sa akin atsaka dahan-dahang tumayo. Medyo nahirapan nga akong tumayo dahil parang naninigas ang katawan ko.
At dahil nga tinanggal ko yung mga yun, napatakip ako ng tenga dahil sa ingay na nanggagaling sa life support atsaka ako dahan-dahang lumabas sa kwarto.
Tiningnan ko ang paligid ngunit wala akong nakitang bakas ng tao kaya paika-ika akong bumaba atsaka tumuloy sa kusina dahil nagugutom ako atsaka nauuhaw.
Ang sakit ng katawan ko, ano bang nangyare sa akin?
Napadaan ako sa dining room at nagningning ang aking mga mata nang makakita ako ng pagkain sa lamesa, wow spaghetti! Narinig ko bigla ang pagkalam ng sikmura kl, grabe gutom na gutom na ko.
Agad ako umupo sa may harap nito atsaka nagsimulang kumain, wow! Sino nagluto nito? Ang sarap!
"Oh my god!" Napatigil ako sa pagkain atsaka napatingin sa likuran ko.
Bumungad sa akin si ate na gulat na gulat at nakanganga habang nakatingin sa akin.
Nilunok ko muna ang spaghetti atsaka nagsalita, "Hi ate! Ikaw ba nagluto nito? Ang sarap!"
Nangunot ang noo ko dahil hindi niya ko sinagot dahil nakatulala pa din siya sa akin.
"Yuhoo! Ate! Bingi ka na ba?" Taka kong tanong.
Wala na naman akong natanggap na sagot sa kanya kaya tumayo ako, "Wait nga lang, inom muna ako ng tubig."
Padabog akong naglakad papunta sa kusina atsaka kumuha ng tubig.
Nabitawan ko ang baso ko sa gulat nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.
"Oh my god! You're really here, I thought I was dreaming again!" Naramdaman ko ang pamamasa sa likuran ko at naririnig ko ang paghikbi niya.
"Ate naman, bakit ka ba ganyan? Tingnan mo yung baso ohh, nabasag tuloy." Reklamo ko. "Kuha lang ako ng walis." Dagdag ko.
Tatanggaling ko sana ang kamay niya nang mas lalo niyang hinigpit yun.
"Huwag mo nang isipin yan." Naiiyak niyang sabi, "Ang mahalaga gising ka na, after 2 months gising ka na, sa wakas." Dagdag niya na ikinatigil ko.
"2 months? Teka bakit?" Nagtataka kong tanong.
Then may biglang pumasok sa isip ko, oo nga pala, nasaksak ako ni Jasmine. Oo nga naalala ko na.
"Bakit 2 months akong tulog? Nasaksak lang naman ako ni Jasmine." Tinanggal ko ang kamay ni ate mula sa pagyayakap sa akin atsaka siya hinarap.
"May lason ang kutsilyo na isinaksak sayo ni Jasmine, and unfortunately hindi pala siya nakagawa ng antidote for the poison dahil kakagawa lang niya nung lason." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What?! May lason? Kung ganon...paano ako nabuhay?
"I know you're thinking na kung paano ka nabuhay, it's because we froze your body first to freeze the poison and your organs to not let the poison spread to your body and also to give me some time to make a antidote for you. And after one month I successfully made an antidote thanks to Miguel who also help me made that. But since your body freeze for a month, it took two weeks to get your body back to normal. And after that, we inject the antidote to your body." Napatulala ako sa sobrang haba ng liwanag niya, wow na freeze talaga ang katawan ko? Kaya pala medyo nahirapan ako sa pagkilos kanina.
"About Niel.." naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makitang blanko ang expression ni ate nung binanggit ko si Niel.
"About Niel, he's currently at the New York right now dahil may concert sila ngayon." Nalungkot ako sa sinabi ni ate, gusto ko na siyang makita at mayakap muli, I miss him so much.
"Lets surprise him, bukas na ang balik niya at paniguradong dadalaw yun pagkarating niya here in the Philippines." Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya, marahan akong tumango atsaka naglakad papunta sa dining room.
Ngunit napatakbo muli ako pabalik sa kusina at dumiretso sa lababo nang maramdaman ko ang pagtaas ng pagkain na kinain ko mula sa tiyan ko hanggang sa may bibig.
Naramdaman ko ang paghagod ni ate sa likod ko habang patuloy ako sa pagsuka.
"You're not suppose to eat solid food dahil kakagising mo lang after two months, yan tuloy." Sermon niya sa akin.
Nagmumog ako ng hindi ko na maramdaman na nasusuka ako atsaka hinarap si ate.
"Si Jasmine pala ate...kamusta na siya?" Bigla naging tahimik ang paligid dahil sa tanong ko.
"She's dead." Two words but enough for me to break my heart. Ang sakit lang sa damdamin dahil kahit papano naman naging mabait siya sa akin nung una, love can change people talaga.
"How? Bakit?"
"She shot herself after mo mawalan ng malay, nang-agaw siya ng baril mula sa isa sa mga tauhan ko then yun."
"Si Miss S? How is she?" Nag-alala kong tanong.
"She's depress, si Jasmine na lang kasi ang kasama niya sa buhay but then yun. She also say sorry dahil sa nangyare between Yakuza and Mafia and she's also back from being Queen of Yakuza." Tumango ako atsaka huminga ng malalim.
"Don't worry Yakuza and Mafia are in peace right now and Mafia is helping Yakuza to be powerful and big again."
Niyakap ko si ate, "Thank you ate for being the best sister in the world." Bumitaw ako sa yakap, "I miss Alex, where is he?" Excited kong tanong.
"Nasa bahay siya ngayon ni Nathan dahil miss na miss na din daw siya ng lolo at lola niya." Napasimangot ako, miss na miss ko nang panggigilan ang pisngi ng batang yun.
Napangiti ako at nakaramdam ng excite nang may pumasok sa isip ko.
"Ate, I have a plan."
BINABASA MO ANG
TNATG 2: Still Inlove With You ✔
Action[TNATG Book 2] Love is sweeter the second time around but will they recognize it? March 6, 2016 - October 6, 2017