Enjoy Reading~~
----
"Ehh?! Bukas na kasal niyo ni Nathan?!" Nanlaki ang mata ko habang si ate naman ay tawa ng tawa na parang baliw.
Nandito kami ngayon sa sala ng hindi ko pa din alam kung kaninong bahay, at pinagpaplanuhan namin kung paano namin surpresahin si Niel.
"Ang usapan kasi namin ay kung kailan ka nagising kinabukasan na ang kasal. Alam mo naman na kailangan na namin bilisan dahil lumalaki na si Alex." Tinanguan ko siya. Sabagay, malapit na din mag isang taon ang pamangkin ko kaya bago dapat magkamalay at magkaisip na yun sa mundo, kailangan nang magpakasal ang dalawa.
Inuuna kasi ang landi ehh, hindi makapaghintay.
"Ito na lang ang plano, magpropose ka kay Niel bukas after ng kasal." Agad ko naman pinalo ang braso ni ate sa suggestion niya, grabe siya ohh.
"Ate dalagang filipina ako, bakit ako ang magpo-propose? Dapat siya!" Reklamo ko.
"Dalagang filipina ka pang nalalaman diyan, virgin ka pa pala? Hina naman ni Niel."
"Ate!"
----
"Alex!" Agad ko kinuha si Alex sa kamay ni Nathan.
Hinarang ko si Nathan nang makita kong pupunta siya sa kwarto ni ate.
"Hep! Bawal kayo magkita ni ate ngayon, bukas na ang kasal niyo." Natawa ako nang makita ang pagsimangot ng mukha niya sa sinabi ko.
"I don't fucking care about those sayings of old creatures, let me see her." Hinarang ko siya muli habang hawak hawak ko si Alex na tumatawa. Kung hindi ko lang kamukha nanay nito panigurado iiyak to.
"Nasa Philippines ka kaya huwag mo kong ingles-inglesin. At anong old creature? Ano naman tawag mo sa amin? Young creature."
"You're not young Cloe, old creature you look like them."
"Ahh ganun ahh." Naglakad na ko paakyat sa ikalawang palapag sa kung saan ang kwarto ni ate.
Nang makarating na ko sa pinakatuktok nakita ko pa ding nakatingin sa amin si Nathan sa baba, "Hindi mo makikita ngayong gabi ang mag-ina mo!"
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni ate atsaka ni-lock yun. Sakto namang naliligo pa lang ngayon si ate na walang kaalam alam sa kung anong nangyayare ngayon.
Hiniga ko si Alex sa kama ni ate atsaka nilagyan ng dalawang unan ang magkabilang gilid niya para hindi siya mahulog kung sakali maging malikot siya.
"Hi Alex, ang cute cute naman ng pamangkin ko."
Napatigil ako nang may kumatok sa pinto.
"Hey Cloe! Open the door, damn it!" Natawa ako sa sigaw ni Nathan mula sa labas habang si Alex ay nakangiti lang sa akin.
"Anong nangyayare dito?" Agad kong sinenyasan si ate na tumahimik.
"Hindi kayo pwede magkita ni ate ngayon, bukas na ang kasal ninyo." Pang-aasar ko, sa totoo lang, okay lang naman na magkita ang dalawang ikakasal on the night before the wedding, sadyang inaasar ko lang ang lalaking yun dahil alam ko kung gaano siya kabaliw kay ate.
"Damn it!" Natawa ako ng malakas sa sigaw ni Nathan habang si ate naman ay nakangiti habang nakikipagkulitan kay Alex.
"Biik!" Sigaw niya ngunit sinenyasan ko si ate na huwag magsalita.
"Pag hindi ko nakita si Biik ngayong gabi, hinding-hindi magpapakita si Niel bukas." Tinawanan ako ni ate ng malakas habang ako ay parang nawalan ng dugo sa mukha.
BINABASA MO ANG
TNATG 2: Still Inlove With You ✔
Action[TNATG Book 2] Love is sweeter the second time around but will they recognize it? March 6, 2016 - October 6, 2017