Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 5
LAHAT tuloy ng mga tauhan at tagapamahala ng resort ay laging busy sa kanilang trabaho dala nang walang patid na pagdating ng mga tao.
isa sina jenny at aerone sa maraming lifeguard ng nasabing resort.
sa swimming pool na may artipisyal na alon sila nakadestino.
ISANG gabing hinihintay nilang magsiahon ang ilang pamilyang nagsisipaligo sa swimming pool ay may napunang kakaiba si jenny sa mga alon na masayang sinasalubong ng mga bata. maliliit lamang ang mga alon na lumalampas sa ulo ng mga batang nagsisipaligo.
kaya walang peligrong malulunod ang mga bata sakali mang tumumba o tangayin ng alon ang isang bata. isapang katiyakan ay sasadsad lang ito sa pinaka-pampang ng swimming pool.
kaiba ngayon ang nakikita niyang artipisyal na alon. parang lumaki ang mga iyon at bahagyang tumaas.
hindi naman kalakasan ang hangin nang gabing iyon para sabihing iyon ang dahilan ng medyo lumalaking alon.
dahil sa curiosity ay pinagmasdan niyang mabuti ang mga alon. nag-aalala niyang mabuti ang mga alon. nag-aalala siyang baka magkaroon ng aksidente at may masaktan sa kanilang mga guest.
bahagya siyang sinagilahan ng takot nang makitang parang nagkaroon ng mga kamay ang malaking alon at dadagitin ang ilang magkakatabing nagtatalunan sa tubig,
humakbang siya palapit sa swimming pool at ang balak ay bigyan ng babala ang mga bata,
napahinto siya sa paghakbang at sinapo ang dibdib na umaalon sa tindi ng kabang nararamdaman.
"namamalikmata lang ba ako o talagang nag-iba ang tingin ko sa alon?" bulong niya sa sarili na inilusong ang mga pa sa bahagi ng pampang ng swimming pool.
"oh, bakit ka lumusong?" dinig niyang sabi ng boses sa kanyang likuran na muntik na niyang ikasigaw sa pagkagulat.
hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si aerone.
"wala naman, dadamputin ko lang iyong salbabida para iahon." sagot niyang bahagyang pumiyok ang boses.
hindi nakahalata sa kanya si aerone.
"kumuha ako ng kape sa canteen para hindi tayo antukin. mukhang magtatagal pa sila sa paliligo." sabi sa kanya na may hawak na dalawang styropor na may lamang kapeng umuusok pa sa init.
"salamat. kanina ko pa nga gustong magkape."
"sabay na tayong umuwi bukas ng umaga." si aerone.
day-off nila bukas.
"hindi ako uuwi bukas." sabi ni jenny nang makaupo sa sementong upuan na nakapaikot sa malaking puno ng narra.
"bakit?" parang dismayado nitong tanong.
"sa isang linggo na siguro."
"may problema ka ba?" tanong sa kanya ni aerone na nasa boses ang pag-aalala.
alam niyang may lihim na pagtingin sa kanya si aerone. hindi nga lamang ito makapagtapat dahil pinauna na niya dito na gusto muna niyang papagtapusin ang mga kapatid.
wala naman siyang problema. kaya hindi siya uuwi dahil gusto niyang tiyakin ang nakita niyang paglaki ng alon sa swimming pool.
hindi na muna niya sasabihin dito ang napuna niya. gusto muna niya makita bukas kung ganoon uli ang alon.
hindi naman nagtagal at isa-isa nang nagsiahon ang mga naliligo. makaraan lang ang isang sandali ay wala nang tao sa swimming pool.
pinatay na ng operator ang makinang nagpapaalon dito.
nagpasya na silang magpahing nang matiyak nilang maayos na ang lahat. sabay na silang nagtungo sa kani-kanilang mga tinutulugan.

BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Mystery / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...