Ang misteryo sa swimming pool kabanata 12

127 1 0
                                    

Ang misteryo sa swimming pool

kabanata 12

"S-SINO kayo, bakit kasama niyo ang mga batang iyan na tinangay ng alon sa swimming pool?" nabulol na tanong ni jenny. 

kumikinig ang kanyang katawan sa takot na napahawak sa braso ni aerone.

walang sagot silang narinig. basta nakatingin lang sa kanila ang mga ito.

"ano'ng kailangan niyo sa amin, bakit pati kami ay dinala niyo dito?" 

hindi pa rin kumibo ang mag-asawa. 

saglit nilang tiningnan ang mga ito.

tingin naman nila ay mukhang mababait ang mga ito pati ang apat nitong mga amak

ang anim na batang tinangay ng alon ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa.

hindi nila alam kung buhay pa ang mga itong tulad nila.

"huwag kayong mag-alala, tulad niyn ay mga buhay pa rin sila. may gusto lamang kaming ihabilin sa inyo at sa may-ari ng lupang ating kinatatayuan kaya napilitan kaming gawin ang mga nasaksihan ninyo sa resort." sabi ng lalaki na parang nalalaman ang kanilang iniisiph bahaw ang boses nito na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. 

kahit nakakaramdam sila ng takot ay sumilid na kaligayahan sa kanilang puso sa kaalamang buhay pa ang mga batang tinangay ng alon.

"sabihin ninyo at ipaparating namin sa mag-asawa."

"mahigit animnapung taong nalilibing ang aming katawan sa lugar na ito. 

walang awang pinatay ng mga hapon ang aming mga anak. 

ginahasa pa nila nang paulit-ulit aking asawa bago nila kami pinatay.

hindi matahimik ang aming mga kaluluwa...

gusto naming mailagay sa maayos ang aming mga labi...

hindi nila maiwasang makadama ng awa sa mag-anak. iyon lamang kasi ang puwede nilang ipadama sa mga ito.

wala na silang ibang tulong na magagawa dahil matagal nang patay ang mga ito.

"paano po namin masasabi sa aming amo ang inyong kahilingan kung narito po kami sa inyong panahon?" sabi ni jenny na nawala na rin ang takot na nararamdaman.m

"kung paano namin kayo kinuha sa inyong panahon ay ganoon din namin kayo ibabalik. ipangako niyo lamang na tutupad kayo sa aming kahilingan. kung hindi niyo magagawa ay hindi na magkakaroon ng katahimikan ang resort."

sabi naman ng babae.

"ipinapangako po namin na gagawin namin ang inyong mga sinabi. napakabait po ng aming amn para hindi pagbigyan ang inyong kahilingan." sagot ni jenny.

"aasahan namin ang inyong pangako."

pagkatapos magsalita ng lalaki ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

kasunod niyon ang malakas na hangin. 

sa isang kisapmata ay dagling naglaho sa kanilang paningin ang mag-anak. 

wala na silang namalayan kung anong misteryo ang lumukob sa kanila kasabay ng malakas na buhos ng ulan at hangin...

lalo namang naging malungkutin si donya kiesha nang mawala sina jenny at aerone. malapit ang loob niya sa dalawang tauhan. para na ngang anak kung ituring niya ang mga ito. 

pakiramdam niya ay nawalan siya ng dalawang anak na mababait sa pagkawala ng mga ito.

kanina pa siya nakatayo sa harap ng swimming pool. 

nang mawala kagabi ang dalawa ay naisip nilang mag-asawa na tuluyan na ipasara. 

lahat ng mga alalang nangyari sa swimming pool ay kanila nang aalisin.

"may misteryo po kayang bumabalot sa lugar na ito o nagkataon lang po ang nangyari? tanong operator ng makina na si jay.

"yung pagkawala ng mga bata noong una ay puwede nating sabihing nagkataon lang...pero ang pagkawala nina jenny at aerone...ayaw kong isipin na may misteryo ngang bumabalot sa pool." sabi ng donya.

nang bigla silang nakarinig ng malakas na ugong mula sa nilalabasan ng tubig sa swimming pool...

"anong ugong iyon?" 

nagulat sila nang biglang bumulwak ang tubig mula sa butas na nilalabasan ng mga alon.

rumaragasa iyon na may kasamang alon. 

"diyos ko, ano na namang kababalaghan iyan?" sambit ng donya.

mabilis naman ang naging kilos ni jay. sinigawan niya ang mga kasamahang nasa swimming pool.

dali-daling nagsiahon ang mga kalalakihang nag-aalis ng puting buhangin.

walang nakahuma sa kanila habang pinapanood ang malakas na buhos ng tubig na may kasamang alon. ilang ulit na humampas ang mga alon sa man-made na dalampasigan bago ito tuluyamg nawala.

para silang mga kandilang itinulos sa pakakatayo nang mga sandaling iyon.

kilabot na kilabot sila sa mga nangyari...

MISTERYO SA SWIMMING POOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon