Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 8
HINDI malaman nina jenny at aerone kung sino ang kanilang uunahin.
nakita nila ang mga kasamahang lifeguard na nakahandusay sa bahaging mababaw ng swimming pool.
"ang...ang anak ko, nawawala!" mayamaya ax sigaw naman ng isa pang nanay.
"ang anak ko, nilamon ng alon," umiiyak namang sigaw ng isa pa.
noon dumating ang mag-asawang polintan. kasama ng mga ito ang security guard at mga doktor. may mga kasama ding nurse.
"mga kaibigan, huminahon po tayo," sabi ni don conrad na may hawak na megaphone.
"yun pong lahat ng mga nasaktan at nasugatan dalhin niyo po sa receiving building nang malapatan ng lunas."
abala na rin sina jenny at aerone sa mga naaksidente.
lahat ay sakbibi ng lungkot at takot sa biglaang pangyayari. mabuti na lamang walang namatay. bagama't may anim na batang hindi malaman kung saan napunta.
walang hinto sa paghingi ng paumanhin ang mag-asawang don conrad at donya kiesha.
"don conrad, paano na po ang anak ko?" umiiyak na sabi ng isang nanay na lumapit kay don conrad.
"hindi po natin kagustuhan ang nangyaring aksidente. pero ipinapangako ko po sa inyo na hindi po kami titigil hangga't hindi nakikita ang mga batang nawawala."
tanging panangis at paghihinagpis ang narinig sa mga ina ng mga batang nawawala.
maya-maya ay nagdatingan na ang mga pulis na tinawagan ni don conrad para mag-imbestiga sa pangyayari.
ang mag-anak na lamang ng mga batang nawawala ang natira sa resort at ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pangyayari.
mabilis namang napakawalan ng operator ang tubig sa swimming pool sa pagbabasakaling naroon lamang sa tabi-tabi ang mga batang tinangay ng alon.
pero wala na silang nakita anuman matapos pakawalan ang tubig mg pool. malinis na malinis iyon.
bigo rin ang mga lifeguard at security guard na matagpuan kahit bangkay man lang ng mga batang tinangay ng alon.
"paano silang nawala, at saan sila napunta?" malungkot na sabi ni donya kiesha.
"iyon nga po ang nakapagtataka, hindi naman po silang puwedeng mapasuot sa butas na nilalabasan ng hangin dahil maliliit lamang ang mga butas at may harang pang bakal." sabi ni jenny.
"paann na po ang aming mga anak?" tanong isang lalaki habang yakap nito ang asawang umiiyak,
"huwag muna po tayong mawalan ng pag-asa. may awa ang diyos na makikita pa rin natin sila. idalangin nating sanay ligtas sila sa sandaling ito." malungkot na sabi ng donya.
"kung may reklamo po kayo, magtungo lamang po kayo sa aming himpilan."
"sa ngayon ay wala kaming balak magreklamo. hindi rin naman kagustuhan ng sino man sa atin ang nangyari. kung buhay man o patay na ay mapanatag na kami na makita sila." ani ng isang lalaki na yakap ang asawang umiiyak.
tanging ang pool na may alon lamang ang pansamantalang isinara. nilagyan iyon ng sign board na off limit under renovation para naman hindi makasira sa magandang imahe ng polintan resort.
palibhasa nga ay kasagsagan na ng summer kaya lagi pa ring puno ang polintan resort.
"nakakaawa naman sina tatay conrad at nanay kiesha. napakabait nila para dumanas ng paghihirap ng kalooban dahil lamang sa aksidenteng nangyari kahapon." sabi ni aerone kay jenny.
"may misteryo kayang bumabalot sa mga alon. at bigla na lamang nagkaganoon?"
"iyan ang malaking palaisipan. kailangang tuklasin natin kung mayroon nga."
saglit silang nawalan ng kibo.
"ano kaya kung pumunta tayo sa swimming pool, walang tubig iyon. baka sakaling may makita tayong kakaiba na maaari nating pagsimulan sa paghahanap sa mga bata." ani ni aerone.
"tara." sabi ni jenny at tumayo na sa kinauupuang bato.
ganooN nga ang kanilang ginawa. ngunit wala silang nakitang bagay na puwedeng doon inilusot ng mga alon ang mga batang tinangay niyon. pusa lang ay hindi puwedeng lumusot dahil may harang na bakal.
mahigit isang oras din ang kanilang inilagi doon, pero wala silang nakitang anumang bagay na puwedeng sabihin na pinagsimulan ng trahedya at pagkawala ng anim na bata.
BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Mystery / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...