Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 10
MAGKAHALONG takot at pagtataka ang nararamdaman ni jenny nang mga sandaling iyon.
hindi nito lubos maisip kung paanong nagkaroon ng tubig ang swimming pool. wala pa namang order sa kanila na palagyan na ng tubig iyon.
at bakit hindi nila namalayang may mga naliligo pala doong mga bata. wala man lang bang nakapagsabi sa kanilang nilagyan na iyon ng tubig at mayroo n nang nangaliligong mga bata?
ang takot at pagtataka ni jenny ay nagkaroon ng kasagutan nang makarating sila ni aerone sa swimming pool. hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita....
kumikinig ang buong katawan ni jenny sa takot habang pinagmamasdan nila ni aerone ang apat na batang masayang sinasalubong ang mga lumalabas na alon. may dalawa pa itong kasama na tingin nila ay mga magulang ng mga bata.
ang labis na kinatatakutan niya ay walang mga mukha ang mga batang naliligo pati ang dalawang kasama ng mga ito. masayang nangaliligo ang mga ito na para bang walang pakialam sa kanilang kapaligiran.
narinig niyang nagsalita si aerone.
"sino kayo, paano kayong
nakapasok dito nang hindi namin namamalayan? dinig ni jenny na sabi ni aerone.
"amin ang lugar na ito. walang sino mang makapipigil sa amin kung
gusto naming maligo dito sa batis!!" sabi ng lalaking walang mukha. bahaw ang tinig nito na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"anong batis ang sinasabi nila?" tanong ni jenny na kumikinig ang buong katawan sa takot.
hindi na niya namalayan na nakayakap na siya kay aerone.
"hindi ko rin maintindihan ang kanilang sinasabi. kanila daw ang lugar na ito, at walang puwedeng magbawal sa kanilang maligo sa batis." mahinang sabi sa kanya ni aerone.
"umalis na kayo dito! baka may dumating na hapon ay makita pa kayo. tiyak na papatayin nila kayo!" sabi naman ng babaeng walang mukha.
"anong hapon ang sinasabi niyo, matagal nang tapos ang giyera." sabi ni aerone na naguguluhan.
"anong tapos na ang sinasabi mo, hindi niyo ba naririnig ang putukan sa iba nitong bundok? tiyak na may pinapatay
na namang filipino ang mga sakang na iyon." anang ng lalaking walang mukha.
"aerone." kalabit niya sa lalaki.
"hindi talaga kayo magkakaintindihan, dahil matagal na silang patay!"
"iyon nga rin ng naiisip ko dahil sa sinasabi nilang hapon. tiyak na biktima sila ng mga hapon noong panahon ng digmaan. ano'ng mabuti nating gawin?"
"ang mabuti pa ay lapitan natin sila. ipaliwanag nating delikadong maligo sa swimming pool, baka muling tumaas at lumaki ang mga alon,"
"halika," yaya sa kanya ni aerone.
lumusong silang dalawa ni aerone sa swimming pool.
"huwag na kayong maligo, may mga paparating na hapon, baka nila kayo abutan!" babala sa kanila ng lalaking walang mukha,
"arman, hayan na ang mga hapon, isama na lamang natin sila sa ating kubo nag hindi sila makita. ligtas sila doon sa atin tulad nang anim na batang hinabol ng mga hapon!!" malakas na sigaw ng babaeng walang mukha.
"kayo pala ang tumangay sa mga batang nawawala." malakas na sabi ni aerone sa mag-asawang walang mukha.
sasagot pa sana si jennx nang biglang sumigaw ang babae.
"arman, hayan na ang mga hapon, isama mo na sila sa ating kubo."
para silang namamalikmata matapos nilang marinig ang sigaw ng babaeng walang mukha.
hindi nila nakuhang kumilos sa kanilang kinatatayuan nang makita nilang paparating ang malalaking alon sa kanila.
ni hindi nila nagawang kumilos nang tumabon sa kanila ang malalaking alon.
tinangay sila ng alon hanggang sa dalampasigan. at muli silang hinigop niyon pabalik sa pinanggalingan. wala na silang namalayan pa nang mga sumunod na sandali.
BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Misteri / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...