Ang misteryo sa swimming pool kabanata 4

151 1 0
                                    

Ang misteryo sa swimming pool

kabanata 4

TAONG 2013

PAGKALIPAS nang mahigit na animnapung

taon ay isa nang maunlad na bayan ng san vicente. wala ni munti mang bakas ng digmaan ang nasabing bayan. 

tanging ang palatandaan na lamang na inilagay ng pamahalaan sa gilid ng kalsada ang mababakas na minsan ay naging kublihan ng mga hapon ang bayang iyon...

Ang dating magubat na bahagi ng san vicente ay isa nang napakagandang resort na pag-aari ng mag-asawang milyonaryo na sina don conrad at donya kiesha polintan. isang leisure park na dinadayo ng mga mayayaman at mga turista.

kumpleto ang amenities ng polintan resort. may malaking shopping mall sa loob. may mga hotel na puwedeng pagstay-an ng mga turista.

mayroong pelota court, basketball court at tennis court. mayroon ding golf course na dinadayo ng mayayamang mahilig maglaro ng golf.

mayroon ding casino, ballroom dancing at mga sikat na restaurant. lahat ng klaseng makapagbibigay ng kasiyahan sa isang tan o isang pamilya ay naroong lahat sa loob ng malaking compound ng polintan resort.

pero ang higit na dinadayo ng mga magpapamilyang kasama ang mga anak na maliliit ay ang tatlong klaseng malalaking swimming pool.

ang higit na kinagigiliwan ng bawat magtungo sa polintan resort ay ang swimming pool na may artipisyal na alon.

mag-asawa, magkasintahan, binata, dalaga, mga batang edad ay lima hanggang sampu ay doon nangaliligo.

masayang hinahabol amg mga artipisyal na alon. kung minsan ay nagpapatangay at ang iba ay sinasalubong ang mga along hindi naman nakalulunod.

iyon ang isang atraksiyon ng polintan resort. bagaman may kamahalan ang bayad ay sulit naman.

kung seguridad ang pag-uusapan ay masasabing tahimik a maayos ang lugar. napakaraming security guard at mga lifeguard

na nagkalat sa paligid ng resort.

karamihan sa mga tauhan at tagapamahala ng resort ay mga taga-san vicente. 

parehong mula sa mayamang pamilya sina don conrad at don kiesha. hindi nga lamang pinalad na magkaanak.

kulang tatlong taon din bago natapos ng mag-asawa ang napakagandang resort na dati ay tila bundok.

GAWI na ng mag-asawang don conrad at donya kiesha ang panoorin ang mga batang nagsisipaligo sa swimming pool na may artipisyal na alon. kasiyahan na nila ang panoorin ang mga batang nakikipaghabulan sa mga alon. 

ibinubuhos din nila sa pagtulong sa mahihirap na pamilya ang kanilang kayamanan. 

SA PAGDARAAN ng mga araw ay parang hinihipang lobo ang mga taong nagtutungo sa polintan resort. ngayon ay laging fully-booked ang mga hotel dahil sa mga turista at mayayamang pamiyang gustong maglibang.

MISTERYO SA SWIMMING POOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon