Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 7
"AERONE!" malakas na tawag ni jenny.
para naman nagulat at nagmamadaling tumay na tulad niya.
pero bago pa niya nasabi ang kanyang nakiang pagka-abnormal ng mga alon ay nakarinig na sila ng malalakas na sigawan.
para silang itinulos na kandila sa kanilang kinatatayuan. nakatingin lang sila sa mga along tila gustong umalpas mula sa nilalabasan niyon.
tila tidal wave na humampas sa mga batang nagsisipaligo. kitang-kita nilang tumabon iyon sa mga bata. talsikan ito sa pampang.
sadsad ang mga nagsisipaligo sa man-made na pampang ng swimming pool. maging ang mga bilog na lamesa ay hindi nakaligtas. para iyong mga basurang tinangay ng alon.
para na silang tau-tauhan na nakatayo habang pinanonood amg malagim na pangyayari. inakala nilang tapos na nang sumadsad sa pampang ang mga nagsisipaligo.
hindi pa pala. isang malakas na alon ang muling gumulong patungo sa pampang.
muli iyong tumabon sa mga nakalupasay na mga tao. hindi na takot ang kanilang nararamdaman nang mga sandaling iyon, kundi malaking pagkasindak.
kitang-kita nila nang tangayin ng alon ang mga bata, matanda at maging ang kasamahan nilang mga lifeguard na pabalik sa swimming pool.
"oh my god, anong kababalaghan ito!" sambit ni aerone na bahagyang natauhan sa malaking pagkabigla.
"diyos ko!" sabi naman ni jenny na bahagyang nakabawi.
hindi pa rin sila makapaniwala sa biglang pangyayari. kahit nakita na nilang bumalik sa normal ang tubig ng swimming pool. wala nang alon na tila walang anumang nangyari.
ang nakalulunos na sigawan at iyakan ng mga bata ang dagling nagpabalik ng kanilang diwa.
"diyos ko, ang anak ko tinangay ng alon." hinagpis ng isang ina na panay ang hampas sa tubig.
"parang awa niyo na, tulungan niyo akong hanapin ang anak ko." umiiyak namang sigaw ng isa pang nanay yakap ang asawa nito.
hindi malaman nila jenny at aerone kung sino ang kanilang uunahin. nakita nila ang mga kasamahan na nakahandusay sa bahaging mababaw ng swimming pool.
BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Mystery / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...