Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 1
1942 IKALAWANG digmaang pagdaigdig. nasakop ng mga hapon ang pilipinas. isa sa probinsiya ng cebu na lubhang nasalanta nang panahong iyon.
pinakamalubhang naapektuhan ang bayan ng san vicente. karami han ng mga naninirahan doon ay nagsilikas nang mabalitaang doon mamamalagi ang mga sundalong hapon.
doon nagtayo ng garison ang mga ito.
bawat pilipinong inabutan sa bayan ng san vicente ay binihag at ginawang alipin.
ang mga kababaigan ay ginahasa at ang ilan ay ginawang asawa ng mga opisyal na hapon.
tumagal pa ang digmaan hanggang sa wala nang natirang naninirahang mga pilipino sa san vicente.
NANG sumiklab ang digmaan, karamihan ng mga pamilyang naniniraqan sa san vicente ay nagsipagtago. hindi naman nalingid sa mga sundalong hapon na may mga naninirahan sa kagubatan.
pinasok ng mga ito ang kagubatan. bawat taong makita ay pinapatay. kapag may babae ay ginagahasa muna bago patayin.
hanggan sa maubos ng mga hapon ang mga pami-pamilyang nandoong nagsipagtago.
tanging ang pamilya lamang ni arman dimaraanan ang nakaligtas sa kalupitan ng mga sakang.
PALIBHASA ay nasa pinakapusod ng kagubatan ang tahanan ng mag-anak kaya inakala ng mga hapones na naubos na ng mga ito ang mga naninirahan sa kagubatan.
hindi na lingid kay arman ang nangyari sa mga kababayan.
gayon man ay hindi mawawala ang takot sa dibdib na baka isang araw ay matuklasan ng hapon ang kinalalagyan nila.
matapos ilagay sa sako ang mga papaya at saging na nakuha ay tinaluntn na ni arman ang daan patungo sa kanilang bahay.
mula nang magtago sila doon ay panay prutas lamang ang kanilang kinakain.
natatakot silang gumawa ng apoy at baka makita ng mga hapon. tiyak na matutunton sila ng mga ito.
malayu-layo pa siya ay sinalubong na siya ng kanyang apat na anak at ng kanyang asawang si rose.
"diyos ko namang tao ka, sinabi ko na sa iyong huwag kang masyadong lalayo. at baka may makakita sa iyong mga hapon." salubong ng kanyang asawang si rose na nasa boses ang takot.
"huwag kang mag-alala, bago ko kinuha ang mga in ay tiniyak ko muna na walang mga hapong nagpapatrolya."
"gaano pa kaya tayo katagal na magtitiis sa lugar na ito?" sabi ni rose habang binabalatan ang isang malaking papaya.
"walang katiyakan. hangga't hindi nagsisialis ang mga sakang na iyan ay mananatili tayo dito." sagot ni arman.
"lagi akong kinakabahan na baka isang araw ay makaabot sila dito ng pagpapatrolya."
"ipanatag mo ang loob mo, lagi lang naman ako sa tabi niyo. anuman ang mangyari ay sama-sama tayong mamamatay."
mula nang sumiklab ang digmaan at magtago silang mag-anak sa bundok ay lagi lamang kumakaba ang dibdib. natatakot siyang isang arw ay matulad na lamang sila sa mga kababayan ng pinatay ng mga hapon na walang kalaban-laban...
BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Misteri / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...