Ang misteryo sa swimming pool
kabanata 9
MULA nang mangyari ang aksidente sa swimming pool ay laging malungkot na ang mag-asawa.
"huwag na po kayong malungkot, baka po sa susunod na araw o bukas ay makita na natin ang mga batang nawawala." ani ni jenny sa donya.
"may kutob ako na narito lang sila sa loob ng resort." ani naman ni aerone.
"siyanga naman, ako may naniniwalang narito lamang sila sa loob ng resort. hindi nga lamang natin pare-parehong alam kung paano sila makikita,"
"hayaan niyo po at iyan ang aming pagpipilitang gawin." sagot ni jenny sa mabait na amo.
wala silang kamalay-malay na dalawa na ang hinahanap nilang paraan para makita ang mga bata ay mismong mga sarili nila....
....0_O
habang kumakain silang dalawa ay hindi naiwasan ni aerone na magsabi ng damdamin niya kay jenny.
"puwede ba kitang ihatid sa inyo pag-uwi natin sa sabado?" ani ni aerone na gustong pumiyok ang boses sa matinding kabang nararamdaman.
"bakit naman ihahatid mo pa ako sa amin, e, alam ko namang umuwing mag-isa!" nakataas ang kilay nitong tila kinikilig.
"siyempre, gusto kong makilala ang mga magulang mo at mga kapatid. para pag dumalaw ako sa inyo ay hindi na sila magtataka sa akin. formality sabi ng iba."
"formality ka diyan!" natatawang sabi ni jenny.
nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig sila ng matitinis na tawanan mula sa kanilang likuran. dinig nila tila mga bata ang nagtatawanan at parang nanggagaling sa swimming pool na walang tubig. dinig din nila ang ingay ng tubig na nililikha ng pagkakatuwa na mga batang para ngang nasa swimming pool.
nagkatinginan silang dalawa.
"narinig mo ba iyong tawanan ng mga bata?" tanong ni jenny kay aerone.
"oo, pero wala namang mga batang naliligo, panay kabataan lamang," sabi niya kay jenny.
"saan galing ang tawanan iyon?" kinakabahang tanong ni jenny.
"hindi kaya sila iyong mga batang tinangay ng alon?"
napatayo na rin si jenny na tumingin sa kanyang tinitingnan. gayon na lamang ang gulat nito nang makitang may tubig ang swimming pool na may alon.
"paanong nagkaron ng tubig ang swimming pool, at bakit hindi natin nalamang may naliligo doon?" magkasunod na tanong ni jenny na kumakabog ang dibdib sa takot.
nagmamadali nilang tinungo ang swimming pool na alam nilang walang tubig. mula nang may nangyaring trahedya doon ay pinaalisan muna iyon ng mag-asawa ng tubig.
habang papalapit sila ay palakas nang palakas ang nariring nilang tawanan ng mga bata.
pati na ang ingay ng tubig...
BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Gizem / Gerilim-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...