Ang misteryo sa swimming pool kabanata 6

142 1 0
                                    

Ang misteryo sa swimming pool

kabanata 6

HINDI nga umuwi si jenny nang umagang iyon ng sabado.

gusto niyang tiyakin ang kanyang nakitang pagbabago ng alon sa swimming pool. 

hindi sa nagsisipsip siya o anuman. napakabait ng kanilang amo at malaki ang suweldo.

kaya malaki ang pagpapahalaga niya sa polintan resort at sa trabaho niya dito...

iniisip pa rin niya ang nakitang pagbabago ng alon sa swimming pool habang siya ay kumakain. 

lahat silang mga trabahador ay dumadaam muna sa receiving area na opisina ng mag-asawang polintan.

doon ay para sa kanilang time record. naroom lagi ang mag-asawang polintan para mag-almusal.

nagbigay-galang siya sa mga ito. at sumama na siyang pumila sa mga kapwa niya trabahador para mag-punch ng kanyang record.

ngayong umaga ay babantayan niyang mabuti ang paglabas ng alon. tantiyado na niya ang lakas at taas niyon dahil sa araw-araw niyang nakikita.

umupo na siya malapit sa may pampang ng swimming pool.

masusukat na niya iyon ng tingin kapag matagal-tagal nang lumalabas.

mahigit isang oras na siyang nakaupo habang pinapanood ang paglabas ng alon. 

hindi nga nabasa ang kanyang shorts na suot na gagawin niyang panukat kung lalakas o tataas ang alon.

naisip na lang niya na namamalikmata nga lamang siguro siya kagabi....

SA pagdaraan ng mga araw unti-unti ng nawala sa isip ni jenny ang nakita niyang minsang pagbabago ng alon ng swimming pool. naisip niyang namalikmata lamang siya ng gabing iyon.

magkasama nilang nilibot ni aerone ang malaki at maluwang na swimming pool nang tanghaling iyon.

puno ng tao ang swimming pool na binabantayan.

karamihan ay bata. ang mga magulang ng mga ito ay nakaupo lang sa gilid na mayroong mga bangko at mesang bilog.

bilang isang lifeguard, ng trabaho nila ay bantayan ang mga nagsisipaligo.

nakarating sila sa swimming pool na may alon. tulad ng dati, naglibot muna silang dalawa sa paligid niyon para tingnan kung nasa puwesto ang kanilang kasamahan. bilang head lifeguard, kailangan nilang dalawa na i-supervise ang mga kasama.

ISANG araw iyon ng sabado. 

naupo sina jenny at aerone sa paborito nilang lugar sa may lilim ng malaking puno ng narra. habang pinagmamasdan ni jenny ang mga naliligong bata ay nakasandal naman si aerone sa puno, nasa itaas ng puno ang tingin nito.

walang anu-ano ay napaangat si jenny sa kinauupuan. bigla siyang kinabahan nang mapunang nagbago ang lakas at taas ng alon.

walang nakapuna sa mga naliligo. maging ang mga kasamahan niyang lifeguard na nasa palibot ng swimming pool ay mukhang walang napansing pagbabago sa alon.

nakita niyang muli ang paglakas ng alon. higit ngang malakas kaysa kanina.

lumakas ang kaba niyang naramdaman habang pinagmamasdan ang alon.

MISTERYO SA SWIMMING POOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon