Ang misteryo sa swimming pool kabanata 11

107 1 0
                                    

Ang misteryo sa swimming pool

kabanata 11

HINDI naman makapaniwala ang security guard na napadaan sa may swimming pool. nagtataka pa nga ito kung umaano doon sina jenny at aerone. wala namang tubig ang swimming pool para bantayan ng mga ito.

nakita niyang parang may kinakausap ang dalawa pero hindi naman niya nakikita ang kinakausap nito. 

lalapitan na sana niya ang mga ito para kausapin nang marinig niya ang paglabas ng tubig sa swimming pool. 

ang kanyang pagtataka ay napalitan ng takot nang makita niyang lumakas na bigla ang buhos ng tubig. 

hindi pa siya nakabawi ng makita niya na tumaas ang alon..

ang gumimbal sa kanya ay nang makitang tumabon sa dalawa nilang kasamahan ang malalaking alon. 

saka lang siya parang natauhan nang makita niyang hinigop ng alon sina jenny at aerone.

para siyang namamalikmata nang muling tingnan ang pool ay tuyong-tuyo iyon na parang walang nangyari... 

...

"don conrad, donya kiesha!" tawag ng security guard nang makapasok siya sa opisina ng mga amo. 

maging ang ilang tauhan ng resort ay nabigla din sa pagpasok nito.

"ano bang nangyayari at humahangos ka?" tanong ni don conrad sa security.

"sina jenny at aerone, tinangay ng mga alon sa swimming pool." sabi nitong nasa boses ang takot.

"anong tinangay ng alon ang sinasabi mo, wala namang tubig ang swimming pool." napatayong sabi ni donya kiesha.

"kanina pong umiikot ako sa swimming pool ay nakita ko sina jenny at aerone sa pool. ang dinig ko po ay para silang may mga kausap. wala naman po akong nakikitang tao."

"anong nangyari sa kanila?"

"nilamon po sila ng mga alon, tulad po ng mga batang nawawala." sabi pa nito nasa mukha ang kalungkutan.

SAMANTALA nang mga sandaling ring iyon ay nagkamalay na sina jenny at aerone.

hindi sila makapaniwala sa kapaligirang kanilang nakikita. 

sikat na sikat ang araw na tumatama sa kanilang mga balat. 

naglalakihan at nagtataasang mga puno ang nasa kanilang harapan.

pakiwari nila ay nasa isang liblib na kagubatan ang kanilang kinaroroonan.

"buhay pa ba tayo?" tanong ni aerone kay jenny nang maalala ang nangyari sa kanila.

"ewan ko!" 

"buhay pa siguro tayo, nakakaramdam kasi ako ng sakit." sabi nito matapos kurutin ang sarili.

"buhay pa nga tayo," 

"ano kayang lugar ito, para tayong bumalik sa panahon ng ating ninuno." 

"ganyan din ang pakiwari ko. tingnan mo ang mga punong iyan at mga halamang namumulaklak sa paligid."

"oo nga, parang iyong mga nasa libro noong nag-aaral ako sa elementary."

"paano kaya tayong makaaalis dito?"

"maglakad-lakad kaya tayo, baka sakaling makita natin ang daang pabalik sa resort."

bago pa sila nakakilos na dalawa ay nakarinig sila ng maraming yabag na papalapit sa kanilang kinaroroonan. 

"may mga taong paparating," mahinang sabi sa kanya ni aerone.

"salbt at may mapagtatanungan tayo kung saan ang daang pabalik sa resort," 

pero ganoon na lamang ang kanilang gulat nang makilala ang mga taong paparating.

ang anim na batang tinangay ng alon sa swimming pool ang kanilang nakita.

kasama ng mga ito an, mga batang nakita nilang naliligo sa swimming pool.

kasama rin ng mga itn ang lalaki't babaing walang mukha na kausap nila.

walang anumang salit ang namutawi sa kanilang mga bibig. 

hindi sila makapaniwala na mayroon nang mukha ang mga ito pati ang apat na batang kasama.

gumapang ang takot sa kanilang buong katawan habang papalapit ang mga ito sa kanila...

....

MISTERYO SA SWIMMING POOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon