Ang misteyo sa swimming pool
Huling Kabanata
"SINA aerone at jenny, ibinalik ng alon!" malakas na sigaw ni jay.
"pati ang mga batang nawawala ay ibinalik ng alon!" sabi ng isang trabahador doon.
magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ni donya kiesha nang makita niya ang dalawang tauhan at ang mga batang nawawala.
"buhatin niyo sila at dalhin sa receiving hall, madali kayo baka buhay pa sila." natatarantang sabi ni don conrad sa mga tauhan.
magkahalong tuwa at pangamba naman ang nararamdaman ng mag-asawa nang mga sandaling iyon.
"isang malaking himala ang naganap na ito sa kanila." anang lalaking doktor matapos nitong pahiran ang pawis sa noo.
"buhay silang lahat. normal ang kanilang mga tibok ng puso, liban lang sa kanilang mga maliit na sugat at galos."
"salamat sa diyos, dininig niya ang aking panalangin." naguguluhang sabi ni donya kiesha.
"donya kiesha, magpahanda po kayo ng pagkain, tiyak na gutom ang mga ito kapag nagising." sabi naman ng doktor.
hindi naman naglipat oras ay nagdatingan ang mga magulang ng mga batang tinangay ng alon. tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang buhay na buhay ang kanilang mga anak.
hindi makapaniwala si donya kiesha at don conrad matapos marinig ang kuwento nina jenny at aerone.
nalaman nila ang misteryong bumabalot sa swimming pool.
nangako na rin ang mag-asawa na bukas na bukas ay pasisimulan ng mga ito ang pagpapahukay para maiahon at mailibing nang maayos ang nasabing labi ng mag-anak.
"sa ngayon gusto naming mag-asawa ang ibaon natin sa limot ang mga hindi magandang bagay na nangyari sa swimming pool. tulad nang gagawin nating pagpapalibing nang maayos sa mag-anak na dimaranan ay gusto kong maging bago sa ating paninging lahat ang swimming pool." ani donya kiesha.
"maganda nga po iyon." sang-ayon nilang dalawa nang makuha ang ibigsabihin ng kanilang mabait na amo.
"teka nga. ako'y may itatanong sa inyong dalawa," sabi uli ni donya kiesha.
"ano po iyon?" tanong ni jenny na biglang kinabahan.
"sabihin niyo at sasagutin po namin."
"kayo bang dalawa ay hindi nagkakagustuhan?"
pakiramdam ni jenny ay namula ang buo niyang mukha sa deretsang tanong ng amo.
nangiti naman ng maluwag si aerone. naalala kasi nito ang madalas na pagyakap sa kanya ni jenny noong dalhin sila ng alon sa lugar ng mag-asawang dimaranan.
"bakit ganyan ang pagkakangiti mo?" siko niya sa katabing lalaki.
"tinatanong ka ni donya kiesha," sabi nito sa kanya na lalong lumuwang ang pagkakangiti.
"hindi naman po siya nanliligaw sa akin." kaila niya.
"hindi ka naman pala nanliligaw paano namin kayo aanakin sa kasal?" tudyo ni don conrad.
"sasagutin mo ba ako pagnanligaw ako sa iyo?" parang nakaloloko nitong tanong sa kanya.
"itanong mo sa mga alon!" nakairap niyang sabi nito.
nagkatawanan sila sa sinabi ni jenny.
"o, siya, matulog na uli kayo para makabawi kayo ng lakas. bukas nang maagang-maaga ay ipahuhukay natin ang labi ng mag-anak." sabi ni donya kiesha sa kanila.
kinabukasan nga nang umaga ay pinahukay na ng mag-asawa ang nasabing swimming pool na laging puno ng mga batang nagsisipaligo.
"saan po ba tayo magsisimula ng paghuhukay?" tanong ng operatoq ng backhoe kay don conrad.
"dito po tayo magsimula ng paghuhukay." sabi ni jenny na itinuturo ang labasan ng tubig.
ilang sandali pa ay nasimulan nang tibagin ng operator ang itinurong lugar ni jenny.
makalipas lang ang isang oras ay nakuhang lahat ang mga buto ng buong mag-anak.
pinabasbasan muna ito ng mag-asawa sa pari ang mga kalansay bago iyon ipinalagay sa isang malaking kahon para dalhin sa punerarya upang mailagay sa maayos na kabaong.
isang mamahaling kabaong ang pinili ng mag-asawa para doon ilagay nang sama-sama ang mga kalansay. saka tumuloy sa simbahan at itinuloy na nila sa memorial park ng san vicente.
"sana ay matahimik na ang kanilang kaluluwa, jenny!"
"natitiyak ko po iyon, donya kiesha."
MAKALIPAS ang anim na buwan ay isang makabagong swimming pool na may alon ang muling binuksan ng polintan resort.
kasabay ng blessing ang kasal nina jenny at aerone. nagmistulang hardin ng mga bulaklak ang buong swimming pook sa halip na tubig ang naroon.
walang anumang ginastos ang mga ikakasal dahil sagot iyon ng pangunahing ninong at ninang na sina don conrad at donya kiesha.
"maraming-maraming salamat po, donya kiesha at don conrad." ani ni jenny matapos yumakap sa mag-asawa. hindi niya napigilang mapaiyak dala ang labis na kaligayang nag-uumapaw sa kanyang puso.
"higit ang kaligayahan namin dahil hindi nasayang ang aming pagsisikap na kayo ng magkatuluyan."
"ikaw naman, aerone, huwag kang papatay-patay. kailangang mabigyan niyo agad kami ng apo pagbalik niyo dito sa resort." sabi naman ni don conrad kay aerone.
"ang don conrad talaga!" namumula ang mukha niyang niyang sabi matapos niya itong yakapin ng mahigpit.
"sige na, hinihintay na kayo ng helikopter na maghahatid sa inyo sa airport."
parehong walang paglagyan ng kaligayahan ang kanilang mga puso habang pasakay sila helikopter. hindi nila akalain na doon magtatapos ang misteryong naganap sa polintan resort para magkalapit ang kanilang mga puso.
^^WAKAS.....

BINABASA MO ANG
MISTERYO SA SWIMMING POOL
Mystery / Thriller-Teaser ISANG napakagandang resort ang ipinatayo ng mag-asawang don conrad at donya kiesha. hindi lamang ang kumita kundi makatulong na rin sa mga mahihirap. ...isang araw ay bigla na lang nilamon ng swimming pool ang mga batang naliligo kasama ang...