Dan's POV
Di ko alam ang gagawin ko sa mga sinabi ni Princess kagabi. Ano ba nga ang dapat kong gawin? Mahal ko si Angel pero ayaw kong saktan si Princess. Ang gulo ko noh? Basta ang hirap ng sitwasyon ko.
Gusto ko na makipahiwalay kay Princess pero pinigilan niya ako. Ayaw ko kasi siyang nakikitang nasasaktan. Pero wala akong nagawa nung gabing iyon.
Flashback..
"Dahil ba kay Angel ha?! May relasyon na ba ka kayo ha?!!!" halos mabigla ako sa mga sinabi niya. Di ko pa rin siya nililingon pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Ano bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo?" sabi niya ulit. Ng dahil sa inis ko. Lumingon ako sa kanya na galit ang expresyon.
Nabigla naman siya sa ginawa ko. Di pa din ako nagsasalita hanggang ngayon. Di ko nagustuhan ang mga sinabi ni Princess. Parang pinagbabantaan niya ako.
"Ano gusto mong palabasin?" sagot ko sa kanya. Bigla naman nalungkot ang itsura niya. Hay nako gusto ko na siya iwan. Naiines na ako.
Di siya nagsalita bagkus lumapit siya at niyakap ako.
"Please Dan. Wag mo akong iiwan. Gagawin ko ang lahat basta wag mo lang akong iwan" sabi niya sa akin. Ramdam ko na lumuluha na siya sa balikat ko habang nakayakap sa kin.
"Di ko alam Princess" yan lang naman ang nasagot ko sa kanya. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at humarap sakin.
"Please Dan. No! Ok lang sakin kahit dalawa kaming mahal mo. Basta wag mo lang akong iiwan. Mahal na mahal kita Dan. Please Dan" pagmamakaawa niya sakin habang humahagulgol sa iyak.
Di ko alam ang gagawin ko. Pero bigla na lang lumabas sa aking bibig ang mga salitang ito.
"Wag kang magalala. Hindi kita iiwan tulad ng ipinangako ko sayo"
Di na siya nakapagsalita pagkasabi ko ng mga salitang iyon. Tuluyan ko na din siyang iniwan nun gabing iyon habang umiiyak magisa. I'm sorry Princess sa tingin ko hindi ito magwowork. Ayokong malaman ni Angel ang about satin. Ayoko nang magalit pa siya sa akin. Mahal na mahal ko si Angel ng sobra. Kaya gusto ko na tong tapusin habang maaga pa. Pero ano ginawa ko? Wala!
Naglakad ako pauwi habang umiiyak. Sorry Princess kailangan kitang iwan. Para sa taong mahal ko.
End of Flashback..
Date namin ngayon ni Angel. Our second date. Syempre kailangan mapasagot ko na siya this time. I'll make sure na siya ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
I prepared this date to be romantic. Kahit hindi ako magaling pagdating sa mga ganito.
Maaga ko siyang susunduin sa kanila. Gusto ko kasi siyang makasama ng matagal. Mahal na mahal ko na talaga si Angel. Na tipong kaya kong iwan ang lahat para sa kanya. Kahit pa mawala ang pagiging cheerleader ko.
Nagayos na ako at naligo para puntahan na si Angel sa kanila.
Syempre kailangan ko maaga dun. Baka magtampo agad yun eh. Sabi ko pa naman pupuntahan ko siya ng maaga.
Time Check: 9:00AM pa lang. Pagkatapos kong tingnan ang oras bumaba na ako para patakbuhin na ang sasakyan ko.
Angel's House..
Nagdoor bell lang ako sa kanila at maya-maya lang lumabas na ang kanyang Mama. Mukha bata pa din ang kanyang Mama di lang halata sa edad. Ngumiti sakin ang Mama niya at inaya akong pumasok sa loob.
"Ikaw ba si Dan? Tara pasok ka na" sabi sakin ng Mama niya. Di lang maganda mabait pa. HAHA.
"Opo. Sige po" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5274564-288-k829852.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Novela JuvenilMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...