1.4: Bad Mood

313 17 4
                                    

***

1.4: Bad Mood

...

Nakakabanas! Argh!

.

Gusto ko nang mambalibag ng gamit ngayon sa sobrang inis!

.

Alam nyo yung feeling na ang ganda ganda ng mood mo tapos sinira lang ng Ulap na yun! Grrrr!

.

Paano kase kaninang umaga...

.

.

*Flashback*

.

As usual, sinundo na naman ako ng magaling na Ulap na yun. E sa trip na nyang mag-almusal dito.

.

"Oy Tol! Morning!" ^__^ Si Cloud yan habang umiinom ng kape tas lumalamutak ng pandesal.

.

Ayieee~ Ganda ng umaga~! Unang kita ko palang kay Cloud ngayon nakangiti na agad sya sa akin. Buo na araw ko~ Ahihihi!

.

At dahil sa good mood ako, di muna ako magsusungit.

.

"Good morning din Tol!!" ^__^

Umupo ako sa tabi nya at pinuno ko ang plato ko ng sinangag pati pritong bangus. "Kain ka ng kanin Tol! Wag lang kape tas pandesal! Ang almusal ang pinaka mahalagang meal kaya dapat madami kang kinakain!" sabi ko sa kanya.

.

"Okay na ako sa kape. Baka kulang pa yang fried rice sayo eh~" asar ng Ulap.

.

Kung hindi lang ako good mood ngayon, baka kanina ko pa sya binatukan eh. Pero dahil good mood ako ngayon, imbis na evil glare ang sinagot ko sa kanya, nagsmile ako ng malapad.

.

"Okay! Sabi mo eh~" ^__^

.

Agad naman syang napatingin sa akin at tinginan yung mukha ko na parang may weird akong ginawa.

.

Grabe~ titig na titig sakin. *gulp*

.

"O? Bat mo ako tinitingnan ng ganyan?" tanong ko, nakangiti parin. Baka ngayon palang nya narerealize yung kagandahan ko. Ahihihi~

.

"Abah. Mukhang good mood ka ata Tol. Di nagsusungit." Rinig kong sabi nya saka humigop ng kape.

.

"Wala lang! Bawal ba maging good mood minsan Ulap? Ahihihi~" sabi ko saka sinimulan ang paglantak ng almusal.

.

*munch munch munch*

.

Actually, good mood talaga ako kase napanaginipan ko na naman kase na magkasama kami ni Cloud sa garden tas nagsasayaw. Ang sweet nga namin dun eh~! Yiiii~ >_<

.

"Sabagay..." Napatango pa sya. "...normal lang naman ang pagiging good mood sa mga inlove."

.

"Oo nga e—"

.

.

.

In Love With My Casanova Best Friend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon