1.16: Don't Go...

169 12 3
                                    

...

Natapos na ang kanta pero di parin nya kinakalas ang pagkakayakap sakin. Tumigil na kami sa kakasway sa tugtog at nakatayo nalang kami habang magkayakap.

"Cloud?" tawag ko sa kanya. Para kaseng baliw. Nakayakap lang. "May problema ka ba?"

Napatingin sya sa mukha ko dahilan para uminit yung pisngi ko. Waaah~ Mabuti nalang madilim dito sa garden.

Kinunot nito ang noo. "Problema? Bakit? Wala akong problema." Sabi nya bago bumalik ulit sa pagkakayap sakin.

>///<

Gawd Cloud. Bat gustong gusto akong yakapin?

Kilig ever. :'D

"Eh bat kanina ka pa di naiimik? Para kang engot."

"Wala. May naisip lang ako." Seryosong seryoso na sagot nya.

"Ano naman yun?" curious na tanong ko ulit.

"Hmmm. Na matanda na tayo."

Eh? -_-a

*poink*

"Awts. Ano na naman?" Ayan nabatukan ko tuloy.

"Ngayon mo lang pala narealize? Seryoso Ulap?" -_-

Narinig ko syang napabuntong hininga bago tumawa ng mahina.

"Naisip ko na matanda na tayo at marami na rin ang nag-iba. Especially sayo. Nagbago ka na."

Ako? Nagbago? Halaaaa~ Di naman ah~ Isip bata parin.

At saka, hindi magbabago... ang nararamdaman ko sayo.

Woosh~ Wag na nga. =_=

"Ako? Anong nagbago? E katulad parin naman ako nung dati ah?"

Ano nga ba ang nagbago? Ang weird lang nitong si Cloud. Bat ang daming napapansin nitong lalaking to? Seryoso?

Napasulyap sya sakin tapos ngiti.

Ako naman eto o, kinilig ng patago. Mahirap na pag nahalata nya. GAWD. T___T

"Wag ka na ngang magtanong. Di naman masyadong mahalaga yun eh." Sabi nya saka higpit pa ng yakap sakin.

Bat ang sweet naman ata nya ngayon? (-///-)

Ganun lang kami ng ilang minuto. Magkayakap lang sa gitna ng garden, sa harap ng isang lake, at kinakagat ng mga lamok. Pero shempre di nalang pinansin. Panira lang ng moment. Wala pa namang Dengue outbreak dito sa lugar namin. -_-

Matapos ang mahabang oras na magkayakap, (-///-) dahan dahan nang kumalas si Ulap sakin at napatayo ng diretso.

"Gusto mong umuwi na tayo?"

"Eh?" Pero di pa tapos yung party.

"Boring naman yung party eh. Gusto kong tumambay sa inyo. Ano? Gusto mo bang mag stay pa dito o uuwi ka na kasama ako?"

Waaah~ Grabe. Gusto nyang pumunta sa bahay namin??? Time check: eight na ng gabi. T___T

"Tambay samin?" curious na tanong ko.

"Movie marathon. Kahit anong movies." Ayan yung pambatang ngiti nya. "Ano? Pwede ba?"

"Ano..." Napakamot ako sa batok ko. "Sige sige."

"Tara na?" Inalahad pa nya yung kamay nya. Nagdadalawang isip ko pang inabot kase parang hindi si Cloud tong kausap ko. Masyadong mabait. Masyadong pa sweet. Masyadong pabebe. At masyadong CUTE. ♥ ♥

In Love With My Casanova Best Friend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon