...
(Dino's PoV)
Wooah~ haha. Kala ko Author kakalimutan mo na yung wish kong magkaPoV.
Thank you author, binigyan nyo ako ng chance para pakapagpaliwanag ng side ko. Papadalhan kita ng mga tatlong kilong iced gem. Haha.
Okay. Simulan ko nalang ang kwento ko matapos ang pang-aasar ng POKNAT dun kay Miss Sungit.
"I REALLY HATE YOU JERKNOSAUR!"
Naglakad ulit ako papasok ng gate, di ko na inintindi yung sinisigaw nya. HAHA. Ang sarap lang asarin ng babaeng yun.
Ano ba ulit pangalan nun?
Yassi?
Nice name.
Kung tinatanong nyo kung bakit ko sya inaasar? Hmm.
Wala lang.
Naaaliw lang ako sa mukha nya pag naaasar sya. Besides, medyo problematic maging student council president, naghahanap ako ngayon ng stress reliever. Haha. Wala. Katanggal lang sa stress pag naiinis na sya.
Yung sa kiss naman, wala na akong choice nun. Pinagtitinginan na rin kase kami sa sobrang ingay nya kaya ayan! Hinalikan ko na para manahimik. Medyo gulat nga ako nung humalik yun pabalik sakin.
Ayaw daw sakin pero gumanti ng halik? Ano kaya yun? (- - ,)
Ayaw pang umamin na type ako nun. Pakipot pa. Halata naman. Ang weirdo lang talaga ng babaeng yun.
Well well well, sa tingin ko maaasar ko na sya ng todo ngayong alam ko na kung ano talaga ang kinaiinisan nya. :D
POKNAT pala nickname nya? HAHAHA.
Ang dami kong tawa nung malaman ko. XD
Gusto nyo malaman kung saan ko nakuha yung POKNAT?
Ganito kase yun.
*Flashback*
Break time...
Nakakainis talaga yung babaeng yun. Ang sakit ng pagsipa sa ano ko. Baka nabasag na to. Grabe! Walang patawad. Ang mamao lang magalit. Tch.
Papunta na kase dapat ako sa faculty para pag-usapan namin ni Sir Castroverde ang mga projects na gagawin namin next month nang biglang nakita ko yung babaeng nakadate ko kahapon.
Shempre inasar ko. Mukhang asar na asar na talaga sakin. Kaso nga lang sa sobrang inis siguro nya, sinampal sampal ako sa muka ko saka sa braso. Ang lakas lang manghampas ng babaeng yun. Tch. Talo pa volleyball player kung makapagspike eh. -_- At di lang sampal at palo ang nadanas ko. Pati sipa sa ano ko. Ang dahas talaga ng babaeng yun.
Di man lang nya naisip na president ako ng student council at pwede ko syang isumbong sa office sa mga ginawa nya ngayon at nung nakaraan? Pasalamat nalang sya, di ako abusado sa kapangyarihan. Tss.
Kahit masakit yung ano ko, nakuha ko pang maglakad papuntang faculty. Baka inaantay na ako ni Sir Castroverde.
"Good day po." Sabi ko pagkapasok palang ng faculty room.
"Ay. Hi Velasco." Bati ni Maam Clary na may kausap na dalawang estudyante. "Sinong hanap mo?"
"Si Sir Castroverde po sana." :)
"Ah. Umalis lang saglit si Sir Castroverde. Bumili lang ng lunch namin. Babalik din yun. Antayin mo nalang." Sabi ni Maam Clary nang nakangiti.
"Sige po Maam."
BINABASA MO ANG
In Love With My Casanova Best Friend #Wattys2016
Teen Fiction• • • Naramdaman nyo na bang: a.) Gusto mo sya makasama araw araw... b.) Di makukumpleto ang araw mo pag di mo sya nakausap... c.) Tuwing nandyan sya, lumalakas ang tibok ng puso mo, nanlalambot ang mga tuhod mo, o kaya parang may kung anong firewo...