1.21: Requests : Kisses

252 8 1
                                    

A/N: Hey~ Sabi ko next month pa ako mag u-update. Pero dahil sa ginanahang magsulat, nag-update na ako ng isang chap. Ang labo ko talagang kausap nuh?

Dedicated pala to kay Park-Jua! Haiii! 

Promote ko yung story nyaaa~ The Princess of the Band. :))

Vote. Comment. Follow: @scripteddestinyxx 

Enjoy enjoy! :D

***

1.21: Requests : Kisses

...

Monday. 7:11 am

Classroom...

"Leche Ulap. Tigilan mo nga yang buhok ko."

"Teka nga lang Tol. Pag to nasira, lagot ka sakin."

"Ano ba kase yan?"

Aish~! Kanina pa kase hinihila ni Ulap 'tong buhok ko. Isipin mo, pagkaupo agad namin sa upuan, hilain ba naman bigla ng bruho? =_=

Di ko pa naman nasuklayan ng maigi to sa sobrang kakamadali. Sana di naman nya mapansin yung mga buhol~ T_T

"Tinitirintas ko lang. Ang gulo kase. Tch." Seryosong sagot ni Ulap habang hinihila ang ilang hibla ng buhok ko. "Kadala-dalagang tao, di man lang nakukuhang mag-ayos ng buhok. Konti nalang iisipin ko na imbis nagdadalaga, nagbibinata ka." =_=

AW. Oo na. Ako na talaga ang babaeng laging may bad hair day. T_T

Nakakalimutan ko kase eh~ Sa sobrang kakamadali na rin pati.

Sa tuwing maiisipan ko namang mag-ayos ng buhok, biglang nawawala naman yung suklay sa bahay. Parang nag Apparate ala wizard yung suklay ko tas mapupunta sa ibang dimension. Naglalakbay kung saan saan. =_=

"Wag mo na nga hawakan 'tong buhok ko." Sabi ko saka hawi ng kamay nya. Akala ko pa naman wala syang pake kahit ganito itsura ko. T_T "Nakakainis kaya."

Na conscious tuloy ako sa itsura ko. Kaya ba hindi ako nagugustuhan ni Ulap kase pang lion king 'tong buhok ko?

Grabe namaaan~ T_T

Pwede rin namang yun yung dahilan diba?

E kase type ni Ulap yung mga babaeng nakarebonded yung mga hairlalu nila. Anong panama ng lion hair ko sa rebounded aber?!

"Tss. Wag ka ngang malikot dyan Tol. Kitang ang ganda ganda ng pagtirintas ko eh." Hinila nya ulit ang buhok ko para ipagpatuloy ang ginagawa. Naman Ulap? =_=

"Bat ba trip mo yung buhok ko ah? Bakla ka ba?" Itinaas ko yung kilay ko sa kanya. "Apply ka kaya sa salon?" =_=

Ang weird kaya tignan!

Isipin mo, isang popular/oh-so-georgeus Casanova na tinilian ng lahat, magtitirentas ng buhok ng repa nya? Oh wow, diba? =_=

Feeling ko nga, pinagtitinginan na kami ng mga pugitang fangirls ni Ulap dito sa loob ng room eh. Baka iniisip nila na nababakla na si Cloud.

Edi maganda. Mawawalan na sila ng gana sa kanya...

At masosolo ko na syaaa! BWAHAHAHAHA!

"Hoy! Grabe Tol! Porke't marunong magtirintas, bakla na agad? Tsss. Para malaman mo Tol, lalaking lalaki ata to." Depensa nya habang pinupukpok pa ang dibdib nya gamit ng kamao. "At saka, bat pa ako mag-aapply sa salon? Tss. Hahalayin lang ako ng mga bakla dun. Wag na."

(- - ,)~

Halayin ng mga bakla? Wow. Feeling. =_=#

Ang hangin talaga. Sobrang hangin~ Woooo~ -_-++

In Love With My Casanova Best Friend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon