Wow almost two years na walang update hahahha~ Nagulat ako ganun na pala katagal na Hiatus ang story na ito..
And now its back~ I hope it still have readers 'cause I have a really good plan for this.. I think ^_^.. Please do vote if you agree..
*****************************Chapter 11 : Memories from the past*****************************
Panyang's POV
Halos hilahin ko ang sarili ko papunta sa dinning table. Inaantok pa kasi talaga ako. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Ewan ko ba? Paulit-ulit kasing nag re-replay sa utak ko yung nangyari kagabi. Sa sobrang takot ko hindi ako makapaniwalang napayakap ako sa mayabang na yun. Somehow I thought he cared for me.
Or maybe he's just being nice? Wait.. Nice? Ang mayabang na yun?? Posible ba yun?
Ano ba naman yan Panyang!!! Ano namang pakelam sayo ng mayabang na yun? Eh di ba nga araw-araw ka lang binubwisit ng lalaking yun??
Pero malay natin, mabait din naman pala siya deep-deep-deep-deep.. Deep down inside. Mayabang lang talaga at walang modo, pero sa loob-loob.. Maybe he's a nice guy.
"Ate.." nawala ang pag iisip ko ng mag salita si Stephen. "..kumain kana oh." nilagyan niya ng hotdog yung plato ko. Nilagyan din niya ng dalawang slice ng tinapay at saka isang buong fried egg. Hindi pa siya na kuntento, sinalinan pa niya ng juice yung baso ko.
"Ang sweet naman ng baby brother ko.." nasabi ko nalang sabay kiss sa cute kong kapatid then I tapped his head. Pero inalis niya yung kamay ko sa ulo niya.
"Ate!! Hindi na ako baby okey? Malaki na ako." nakangusong sagot ng 7 years old kong kapatid na si Stephen. Umupo na ulit siya sa tabi ko at bumalik sa pagkain ng almusal.
"At sino naman may sabi nun?" I watched him as he took a bite from his hotdog.
"Si Kuya Kaloy. Sabi niya binata na daw ako kaya I should take care of you." tuloy lang sa pag kain ang kapatid ko as if he knows what he's saying. Acting all grown up already. But what he said next is what caught me "Sabi ni Kuya kaloy habang wala siya, ako ang mag aalaga sayo ate."
A smile was instantly drawn in my face. Si Kaloy talaga.. Kahit wala siya dito napapangit pa din niya ako. Kaya naman heto ako, palihim na nag mamahal ng higit pa sa kaibigan. If only he feels the same. If only I can tell him this feeling I kept on hiding. Bakit ba kasi napaka sweet ng best friend ko? Bakit ba kasi ako na inlove sa kanya? Bakit siya pa? Hay, napabuntong hininga nalang ako. I've been asking the same question over and over.
"Kamusta pala ang summer job ng prinsesa ko?" tanong bigla ni Papa. Sinaluhan niya kami ni Stephen sa hapag.
"Okey naman po Pa.. Nakakatuwa yung mga bata at ang cu-cute po!" masigla kong sagot. Nakakatuwang mag turo sa mga bata. Para ngang hindi trabaho ang ginagawa ko eh. Nag eenjoy talaga ako kung di lang talaga dahil sa mayabang na yun!! UGH!!
"Mabuti naman.. Dati rati ang liit-litt mo pa. Isinasama na kita sa eskwelahang iyon. Ngayon ikaw na ang nagtuturo doon." Kumunot bigla ang noo ko. "Hindi mo na ba natatandaan?" tanong ni Papa.
"Talaga po Pa?Bakit hindi ko maalala? Imposible namang hindi ko matandaan ang ganun kagandang school.."
"Yun ay dahil hindi pa ganoon kalaki ang school ni Dante noon. Isang building palang iyon at nag sisimula palang siyang itayo ito.. Noon pa man alam kong mag tatagumpay siya. Ilang bakasyon din akong nakapag turo doon bilang suporta sa aking kaibigan. Ilang beses na din kitang naisama doon." paliwanag ni Papa.
BINABASA MO ANG
A Song of Anticipation [UPDATED]
FanfictionStephany has been in love with her best friend for the longest time. Now she's ready to tell him how she feels. But a stranger came into her life to remind her of the memories of her past. Torn between her best friend and this guy who makes her lif...