Chapter 9 : Summer Job

501 8 7
                                    

 <----VOTE ka naman po Pleasesss..(madaming please) salamat!!! Comment ka na din po, nag mamakaawa TT_TT.. salamat ulet n_n

MuWaaaHhh!!! 

*****************************************Chapter 9: Summer Job****************************************

Panyang's P.O.V.

"Panyang…sorry na .. T.T"  nag mamakaawa ang boses ni Kaloy sa kabilang linya.

"Tssii… yun lang? sorry lang?" Hmmp lagi nalang sorry..

"Eh hindi ko naman talaga inaasahan na ganun pala.. Sige na, wag ka ng magalit.. PLEASSEe.." ang lambing ng boses niya.

Hayy mabuti nalang at hindi siya pumunta dito kasi baka na-trick na agad ako ng presence niya at baka bumigay na ako agad.

"Ah basta! Sabi mo deal ehh.. Tapos hindi ka naman pala tutupad sa usapan.. hmpp"

Pano ba naman.. May team building pala ang organization nila Kaloy for 2 weeks! Siya pa naman ang presidente  tas hindi niya alam?!! Tapos tatawag siya ngayon nasa Baguio na pala siya, langya talaga.. Iniwan ako T.T

Akala ko pa naman masosolo ko siya ng buong summer..

"Ehh I really didn't know about that plan, hindi naman pwedeng hindi ako sumama.. Saka alam ko namang pipigilan mo lang ako at magagalit ka lang pag nagpaalam pa ako.. " Explain to the max..

"Tsk.. Nakaka inis ka..!" Yun nalang ang nasabi ko, may magagawa pa ba ako?

"Tama nakaka inis talaga ako, at saka masamang best friend at laging palapak at laging Gwapo..  Haayy ui tatawa na yan.."

Hindi ako sumagot, pero naka ngiti ako. >//< nakaka inis ka talaga Kaloy!

"Ayun oh naka ngiti na sya.. Promise papasalubunga kita ng dose-dosenang strawberries at everlasting!"

Buntong hininga.. "Samahan mo na ng peanut brittle.. Saka ng Lychees.. Saka ng ukay-ukay!"

Natawa nalang si Kaloy, nilubos-lubos ko na.. "Sige-sige, basta hindi ka na galit ah.."

"Ewan.. Ingat ka.." naka nguso nalang ako.. Hmmpp..

Binaba ko na ang phone.

Naka simangot akong lumabas ng kwarto ko.

Hmp ano nalang ang gagawin ko buong summer? Tinatamad na tuloy akong mag hanap ng summer job..

"Oh ba't ang haba ng mukha mo prinsesa ko?" si Papa, naka tambay sa sala nag lilinis ng kanyang saxophone.

"Hmmp.. Si Kaloy po kasi eh  tsk tinatamad na tuloy akong mag hanap ng summer job" naka pout pa din ako.

"Summer Job ba kamo? "

"Opo, kaso ayoko namang mag hanap mag isa.. " Pinapanuod ko lang ang ginagawa ni Papa.

"Hmm.. " mukhang nag iisip si Papa, humahaba din ang nguso niya ehh..

"San ka po natutong tumugtog niyan Papa?"

"Noong college ako.., may banda kasi kami noon.. Jazz pa ang uso noong panahon namin. Hinikayat lang ako ng kaibigan kong si..  Dante, haaaay minsan ko ring pinangarap na sumikat sa larangan ng musika.." may kakaibang spark sa mga mata ni Papa habang sinasabi niya yun.

A Song of Anticipation [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon