Chapter 7 : Summer is here

478 5 3
                                    

****************************************Chapter 7: Summer is here*************************************

341..

342…

343..

343 and 50 cents..

Waaahh?? Wala na?

Tinaktak ko ang aking piggy bank.. May nalaglag na 25 cents.. At isang token ..

343 pesos and 75 cents..  Haaaayy….

Ito lang ang naipon ko sa buong second sem?? Oo nga pala sinungkit ko yung 100 pesos nung isang araw..

Tsk.. Kung di lang dinagit ng mayabang na yon yung 200 pesos eh di may 500 na ang ipon ko..  Ano ba to, hindi pa din ako maka move on, nung isang linggo pa un ahh..

Haaay di bale, mas gusto ko na ding isipin na ibinigay niya yun sa matandang pulube na mas nangangailangan. .

Pero kailangan ko pa din mag ipon, pa 4th year na ako sa june at siguradong mas mahal na ang tuition plus may On the job training pa kami ng isang sem.. Siguradong mas malaki ang gastos ko nun!

Hay..Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Papa, pero gusto ko na ding makatulong.. Isa pa mag gegrade 1 na si Stephen.. Mas gusto kong sa private school siya papasok..

Kinuha ko ang journal ko sa ilalim ng study table ko, ito yung notebook na montik ng mabasa ni Kaloy.

Ano kayang nabasa nung mokong na yun?

I look at my bucket list,..

Haayy.. Ang dami ko pang hindi na-aachieve.

This list serves as my guide sa mga bagay na gusto kong ma-achieve sa buhay ako, mga bagay na gusto kong gawin. Parang To-Do List.

Every year ay gumagawa ako nito.

Number 10  - Makapag ipon para sa susunod na pasukan.

Haaaay, I co-cross out ko na ba to? Sakto na ba ang naipon ko?  Haiisst.. Hindi pwede, Kulang pa to!

 At sa listahang ito, merong mga bagay na paulit-ulit lang. Meaning, hindi ko pa sya nagagawa ever.. 

Tulad nito..

My number 3 -  Sabihin kay Kaloy ang nararamdaman ko.<3

I have this on my list since nag graduate kami ng highschool, ilang taon ko na din palang iniiwasan ang bagay na 'to. Up until now, I still don't have the courage to tell him.

Minsan nga iniisip ko, lilipas din to. Mag eexpire din, mawawala.. Pero ba't ganun? Habang tumatagal lalo akong nahuhulog.  Lahat gagawin ko pa din para sa kanya, di bale ng bumagsak sa exam makasama lang siya. Di bale ng mapahamak basta nasa tabi niya lang ako.. ;(

"Panyang I think I love you, will you be my girlfriend?

"Huh.. Matagal ko ng iniintay yan Kaloy. Yes, I do!!"

Tsssi.. aga aga day dreaming agad,..

Maka-ligo na nga lang…

**************************************************************************************************************

Kaloy's P.O.V.

Hay ano ba to?? Ang aga-aga ang dami ng problema.!

"Ginagawa namin ang lahat, please be patient. Hindi lang puro reklamo nyo ang ginagawa namin dito, there's so many other things we have to deal with!.." I'm still trying to be patient, parang nasa prisinto lang eh.. Well it's worst, nandito ako sa student council ng college namin.

A Song of Anticipation [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon