"I'm so sorry Nicole. You know I've tried so hard to make our relationship better but still hindi parin nag-work. Siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Sorry. Goodbye." Halos mapaluhod naman ako nun sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi nyang yun. Just great. 3rd anniversary namin ngayon at ngayon nya pa naisip makipag-break? Gandang timing! Napakabilis nyang sumuko. Sinuko nya ang tatlong taon naming relasyon kasi ang tingin nya ay hindi nagwo-work?.
"Jomer, please. Pag-usapan naman natin to. 3rd anniversary natin ngayon, wag mo namang gawin to oh please." Hinawakan ko sya sa kamay pero inalis nya ito at naglakad na palayo.
"I'm so sorry." Sabi nya.
Iniwan nya ko nang hindi man lang pinakinggan yung mga gusto kong sabihin sakanya. Ang sakit lang. Bwiset ka Jomer!
Parang nakidalamhati naman nun ang langit at sumabay ang malakas na buhos ng ulan sa pagbuhos ng luha ko. Wala akong payong. Hindi ko rin dala nun ang kotse ko. Napakaswerte ko ngayon. Naglakad nalang ako kahit wala ako sa sarili ko. Patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.*beeep!*
Nagulat naman ako nun at bumalik sa katinuan nang may malakas na busina akong narinig. Nakakasilaw yung ilaw ng kotse. Madilim na rin kasi at di na makita ang kalsada sa sobrang buhos ng ulan.
"F*ck! Ano ba naman Miss?! Magpapakamatay kaba?!" Galit na sabi nung driver. Naiyak naman ako nun lalo dahil hindi ako sanay na sinisigawan.
"So...sorry po." Nakayuko kong sabi. Saka naglakad na ulit. Sa totoo lang hindi ko alam kung san ako papunta basta lakad lang ako nang lakad. Hindi pa ko nakakalayo ay may humarang saking kotse. Nagbukas ang bintana at laking gulat ko nang makita kong ito ang driver na nanigaw sakin kanina. Ano bang problema nito? Nag-sorry na ko ha?
"Sakay." Utos nya sakin. Ano daw? Ano ko bale? Ayoko nga. Di naman kita kilala.
"Ayoko. Di ako sumasama sa hindi ko kakilala." Sabi ko saka naglakad na ulit pero ang kulit nya lang dahil sinundan nya parin ako.
"Gusto mo ba talagang mamatay ha? Wala kang payong, walang masisilungan dito dahil malayo to sa lungsod. Wag kanang mag-inarte dyan. Buti nga nagmamagandang-loob pa ko sayo. Bilisan mo na, maraming nare-rape dito bahala ka." Panakot nya. Para namang kinilabutan ako nun at pumasok na nga ko sa kotse nya. Pinaandar nya na ito.
"Anong pangalan mo? Plate number nitong kotse mo. Sabihin mo yung totoo ah?" Utos ko sakanya.
"Huh? Adik kaba?" Naguguluhan nyang tanong.
"Para pag may ginawa kang masama sakin marereport ko agad sa pulis." Diretso kong sabi sakanya. Laking gulat ko naman nang humagalpak sya nang tawa at kinailangan nya pang ihinto yung sasakyan para lang iraos yung tawa nya.
"Hahahaha! Grabe. Ano bang tinira mo ha? Pinapasakit mo tyan ko hahahaha." Walang humpay nya paring tawa.
"Oh tapos kana ba ha? Pwede mo na bang sagutin yung mga tanomg ko kanina?" Busangot ko.
Sumeryoso naman na sya nun saka pinaandar na ulit yung sasakyan.
"Seryoso? Tingin mo talaga sakin masamang tao? Pagkatapos kong magmalasakit sayo ngayon? Iba na talaga mga tao ngayon. Tsktsk. Oh eto lisensya ko, tingnan mo." Saka nya naman binigay yung lisensya nya. Tiningnan ko naman ito at ang pangalan nya pala ay William Gonzales. Pareho lang pala kaming 21 years old. Binalik ko naman ito sakanya.
"Ito oh. Salamat. Magka-edad lang pala tayo." Sabi ko.
"Really? Coincidence. Maiba tayo? Bakit kaba nanduon kanina? Naglalakad sa ulanan? Wala kabang kasama? Ano bang nangyari?" Tanong nya. Muli na namang nag-flashback ang lahat nang nangyari kanina. Ang pag-iwan sakin ni Jomer. Naiyak na naman ako.
"What's the problem? Tell me. My ears are open. You can trust me. Don't cry. Love problem?" Seryoso nyang tanong habang hininto ang sasakyan. Sobrang lakas parin ng ulan.
"He broke up with me at sinakto nya pa ngayon kung kelan 3rd anniversary namin." humagulgol naman ako nun at nagulat ako nung niyakap nya ko.
"Shh. Tahan na. Pareho na naman pala tayo. Same with me. Nakipag-break sya sakin kanina and it is our 2nd anniversary. Funny right?" Tumawa naman sya nun pero halata ang lungkot sa boses nya.
Naglalaro ba talaga tadhana? Bakit kailangan kong makatagpo nang kapareho ko nang kapalaran?
BINABASA MO ANG
THE COINCIDENCE LOVERS
RomanceWhen the broken hearted girl met the broken hearted boy. The coincidence that will lead them to the way called Love. My very first story. Hopia like it guys. Please vote and comment. Super thanks ^_^ -Pinkpiano143-