WILLIAM'S POV
Naglalaro yata talaga ang tadhana. Una, pinagtagpo nya kami ni Nicole na parehong broken hearted. Ngayon naman, school mate ko na sya. Nung una akala ko coincidence lang ang lahat pero sa mga nangyayari ngayon tingin ko napagtripan kami ng tadhana.
"Grabe naman yatang coincidence yan haha." Panunukso samin ng bestfriend ni Nicole na si Rea. Si Nicole naman tahimik lang na kumakain nun at parang hiyang-hiya sakin samantalang kahapon ay iniiyak nya sakin lahat.
"MaKo ano ba yan. Nahihiya na si Nicole sa pinagsasasabi mo dito kay Will oh. Di na makaimik. Tara na nga. Mag-date nalang tayo. Guys una na kami nitong Misis ko. Para wala nang maingay dito hehe. Bye. Enjoy." Paalam ni Kiko. Ang sweet nila hehe. Nakakainggit. Naalala ko tuloy si... Mich.
FLASHBACK...
"Hindi na kita mahal Will. Please naman let me go!" Tulak nya sakin dahil ayokong bitiwan sya sa pagkakayakap ko sakanya. Basang basa na kami sa ulan pareho.
"Mich. Please. Mahal na mahal kita. Di ko kaya pag iniwan mo ko." Pagmamakaawa ko.
"My God Will! Hindi mo ba talaga maintindihan na kahit konti ay wala kanang puwang dito sa puso ko? Occupied na to ng taong mahal ko ngayon! Hindi na ikaw ang mahal ko." Sigaw nya sakin.
"Pero ngayon ang ika-2nd anniversary natin." Malungkot kong sabi habang unti-unti ko syang nabitawan.
"And? I don't care. You're just my toy and I'm sorry for that. Goodbye. By the way, thanks for this expensive bag. Goodbye." At tuluyan na nga syang umalis nun dala ang regalo ko sakanyang bag na nagkakahalaga lang naman ng limang libo. Ang bobo ko, at ang kapal ng mukha nya, binigay ko ang lahat ng luho nya pero anong ginanti nya sakin? Eto? That woman is f*cking b*tch. Isinusumpa kong magbabayad sya sa ginawa nyang to sakin. Sana pala nakinig na ko dati pa sa payo ni Yohan tsk.
"Sige! Ulan pa!" Sigaw ko sa langit at pumasok na ko sa kotse ko. Habang nagda-drive ay di ko maiwasang hindi iuntog yung ulo ko sa manibela dahil sa sobrang kabadtripan. Nagulat nalang ako nang may biglang may sumulpot na babae sa harap ng kotse ko. Mukhang wala sya sa sarili.
"F*ck! Ano ba naman Miss! Magpapakamatay ka ba?!" Badtrip kong tanong. Oopss. Mali yata ang sigawan ko sya dahil umiyak sya nang husto. Damn you William Gonzales. Babae yan!
"So..sorry po." sabi nya nang nakayuko parin saka nagpatuloy sa paglakad. Basang-basa na sya ng ulan. Wala syang payong o kasama man lang? It's already 7pm at delikado dito dahil medyo liblib na to. Hindi naman sya mukhang pulubi o yaong grasa dahil maayos ang damit nya at naka-heels at bag sya. Hinarang ko ang dadaanan nya.
"Sakay." Utos ko. Kawawa naman eh. Saka pambawi ko sakanya sa pagsigaw ko kanina.
"Ayoko. Di ako sumasama sa hindi ko kakilala." Pagtanggi nya. Oo nga naman hindi nya ko kilala tas lalaki pa ko. Pero delikado na dito. Pag may nangyari dito, konsensya ko rin to. Kahit naman G*go ko ay may konting kabaitan parin dito sa puso ko. S*ht. Ang bakla nung sinabi kong yun. Tsk.
"Gusto mo ba talagang mamatay ha? Wala kang payong, walang masisilungan dito dahil malayo to sa lungsod. Wag kanang mag-inarte dyan. Buti nga nagmamagandang-loob pa ko sayo. Bilisan mo na, maraming nare-rape dito bahala ka." Pananakot ko sakanya at mukhang natakot naman sya kaya sumakay na sya sa kotse ko at pinaandar ko na to. Habang nasa byahe ay kinausap nya ko. Sa driver's seat ko pala sya pinaupo.
"Anong pangalan mo? Plate number nitong kotse mo. Sabihin mo yung totoo ah?" Tanong nya. Noon ko lang napansin na magang-maga na pala ang mga mata nya. Mamaya adik to eh tsk. Pero may adik bang maganda? Teka. Anong sinabi ko? Adik na maganda?
"Huh? Adik kaba?" Tanong ko sakanya.
"Para pag may ginawa kang masama sakin marereport ko agad sa pulis." Halos mabitawan ko naman nun ang manibela sa sobrang sakit ng tyan ko kakatawa. Grabe. Kakaiba tong babaeng to haha. Ako? Gagawa ng masama? Edi sana hindi ko na sya pinasakay dito hahahaha. Laughtrip.
"Hahahaha! Grabe. Ano bang tinira mo ha? Pinapasakit mo tyan ko hahahaha." Walang humpay ko paring tawa. Hininto ko yung sasakyan sa gilid ng Highway.
"Oh tapos kana ba ha? Pwede mo na bang sagutin yung mga tanomg ko kanina?" Mukha namang nabadtrip ko na sya nun kaya naman kumalma na ko at pinaandar na ulit yung sasakyan.
"Seryoso? Tingin mo talaga sakin masamang tao? Pagkatapos kong magmalasakit sayo ngayon? Iba na talaga mga tao ngayon. Tsktsk. Oh eto lisensya ko, tingnan mo." Binigay ko naman sakanya nun yung lisensya ko.
"Ito oh. Salamat. Magka-edad lang pala tayo." Sabi nya.
Nagkakwentuhan nga kami nun tungkol sa mga kasawian namin sa pag-ibig at grabe lang dahil pareho pala kami nang sinapit ngayong araw na to. Hinatid ko sya sakanila at laking gulat ko nang malaman ko kung san sila nakatira. Yung bahay nila pang-apat lang mula sa lilipatan naming bahay sa isang buwan. Sobrang coincidence yata to.
END OF FLASHBACK...
At ngayon nga ay magka-school mate naman kami. Nakakatawa.
"Uhh. May klase kapa ba pagkatapos nitong Lunch break?" Nabalik naman ako sa realidad nun nang magtanong si Nicole.
"Uhm. Wala na. Mabilis natapos mga klase ko dahil orientation lang. Ikaw ba?" Tanong ko rin.
"Ako rin. Sige una na ko. Salamat sa time mo. Basta wag kanang mahiya sumama sa grupo namin nila Rea. Diba kaibigan mo na naman si Kiko at Yohan?" Tanong nya.
"Uhh oo sure. Sige salamat. Di ko na kailangang maghanap ng makaka-close ko dito sa Adeline University." Sabi ko naman.
"Hehe oo. Sigurado naman makakasundo mo kami agad dahil pare-pareho lang tayo nang gusto saka schedule haha. Nakalimutan kong sabihin na dito sa school,ang pareho nang schedule ay 1st year at 4th year." Paliwanag naman nya.
Talaga? Edi lagi na kaming magkakasama? Lagi ko narin syang makikita? Ano daw? Sht. Crush ko yata si Nicole.
"Ahh ganun ba? Ayos pala eh. Hehe. Uhm, pwede ko pala makuha number mo?" Tanong ko.
NICOLE'S POV
"Ahh ganun ba? Ayos pala eh. Hehe. Uhm, pwede ko pala makuha number mo?" Tanong nya. Huwaat? Kinukuha nya ang number ko? For what? Anong purpose nya?
Baka naman nakikipagkaibigan lang. Wag kang assuming Nicole!
"Uhh sige. 0905*******." Bigay ko.
"Thanks. Hatid narin kita. Maaga pa naman eh. Okay lang?" paalam nya. Ihahatid nya... ako? Iba na ang feeling ko tsk pero wag paring mag-assume Nicole Gabriel!
"Sige kung hindi ako makakaabala sayo." Sagot ko. Hinatid nya nga ko nun sa bahay at pagbaba ko nang gate ay nandoon si Daddy na nililinis yung kotse nya.
"Salamat sa paghatid Will. Sige ingat." Paalam ko. Pero hindi pa nai-start ni Will yung kotse nya ay nakalapit na si Daddy samin.
BINABASA MO ANG
THE COINCIDENCE LOVERS
RomanceWhen the broken hearted girl met the broken hearted boy. The coincidence that will lead them to the way called Love. My very first story. Hopia like it guys. Please vote and comment. Super thanks ^_^ -Pinkpiano143-