"DETERMINED"

6 1 0
                                    

"Kyaaah! Ayiee! Sabi na eh. May something yung mga titig mo sakanya. Ayaw naman naming mag-conclude na gusto mo sya kaya minabuti namin na sayo talaga manggaling yan. Kung alam lang namin na totoo yung hinala namin ni Kiko edi sana di namin pinayagan si Bff na lumabas ngayon kasama yung new friend nya. Sorry Wil." Sabi ni Rea.

"Ok lang hehe" sabi ko.

"Hindi bale tol. Ganto nalang, sundan mo si Nics sa Starbucks ba kamo sila magkikita?" Tanong ni Kiko.

"Oo tol. Yun sabi nya eh." Sagot ko naman.

"May starbucks na malapit dito sa school. Sigurado dun yun pupunta. Alam ni Yohan yun kaya papasamahan kita sakanya. Ok lang?" Tanong nya.

"Bakit di nalang kayo tol ang sumama sakin?" Tanong ko naman.

"May date din kasi kami nitong si Rea hehe kaya pasensya kana. Tatawagan ko lang si Yohan." Sabi nya. Thankful narin ako dahil suportado nila ako para kay Nicole.

"Dont worry tol. Tutulungan ka namin kay Nicole. ^_^" sabi nya pa.

END OF FLASHBACK...

"Pre, mauubos na tong kape na inorder mo. Titingnan mo lang ba sila dyan? Hindi kaba aaksyon?" Tanong ni Yohan.

"Hindi muna pre. Baka mali naman yung iniisip ko, magalit pa sakin si Nicole." Sagot ko naman. Naisip kong itext sya bilang secret admirer nya.

Hi. Are you busy?

Nakita ko naman kinuha nya yung cellphone nya saka mukhang tiningnan kung sino yung nagtext at pagkatapos nun ay binalik na ulit sa bag nya at masayang nakipagkwentuhan sa foreigner na yun. Tsk. Ganun ha? Nagseselos na ko. Oo.

I am just around you. I can see you from here. You're with someone.

Nakita ko naman palinga-linga sya nun at mukhang hinahanap kung sino ako. Good idea. Naputol yung pag-uusap nila. Nagreply naman sya nun.

Hey! Are you my stalker? Please stop stalking me. It's not funny.

Nalungkot naman ako nun nang mabasa ko yun. Napagdesisyunan kong umuwi nalang kami ni Yohan. Mukhang wala akong pag-asa sakanya.

NICOLE'S POV

Bandang 6pm narin ako nakauwi sa bahay. Grabe lang. Ang saya pala kausap ni Danilo. Mahilig din sya sa mga corny jokes pero na-bother talaga ko sa sinabi nya bago kami lumabas ng Starbucks.

FLASHBACK...

"Hey. Thanks for your time. I had a great time with you. Sana maulit pa tow." Sabi nya.

"Sure. Basta may free time ulit. Thank you. Bye." Paalis na sana ako nang hawakan nya yung kamay ko.

"Nicole, I think... I'm starting to like you. You take care. Goodbye." Saka nga tuluyan na rin syang umalis.

END OF FLASHBACK...

Tapos nakisabay pa tong Secret admirer ko slash stalker ko narin. Nakikita nya raw ako kanina pero hindi ko naman sya kilala. Pero nung magsi-Cr sana ako ay nakita ko Si Wil at Yohan na palabas ng Starbucks. Puro girls nalang ang naiwan sa ibang tables.
Bakit kaya sila andun kanina saka bakit di nila sinabing andun din sila? Hindi kaya... si Wil ang secret admirer/stalker ko?

Tama ba tong nararamdaman ko kay Wil?

Pagdating ko sa bahay ay wala na namang tao. Wala naman kaming kasambahay kaya kailangan kong asikasuhin yung sarili ko. Sila Mommy at Daddy laging busy sa business. Si Irish naman minsan, kila Lola umuuwi dahil close sya dun eh ako? Hindi ko feel sila Lola dahil sila ang nagdedesisyon kung anong dapat mangyari sa buhay namin. Pakielamera in short. Nagluto nalang ako nang omelette. Buti nalang wala kong pasok bukas. Habang kumakain ako ay may tumawag sakin. Si Wil.

"Oh Wil, napatawag ka?" Bungad ko.

"Just wanted to check you. Nakauwi kana ba?" Nagulat naman ako sa tanong nyang yun. Alam nya na umalis ako kanina?

"Yeah. Pano mo nalamang umalis ako kanina?" Tanong ko.

"Uhh diba nagpaalam ka kanina sa barkada na magmimeet kayo ng new friend mo sa Starbucks?" Sagot naman nya. Oo nga pala. Engot ka Nicole. So hindi nga pwedeng sya ang admirer ko kasi friends lang talaga kami. Nothing more, nothing less.

"Ahh oo nga pala. Hehe. Kanina parang nakita ko kayo ni Yohan sa Starbucks. Kayo nga ba yun?" Tanong ko.

"Uhm. O.oo. k.kasi ano uhm. N.nanlibre si Yohan. Oo tama. Nanlibre si Yohan hehe." Parang kinakabahan nya namang sagot. Weird.

" ahh ganun ba? Edi nakita nyo kami ni Danilo?" Pagtatanong ko.

"Ahh Danilo ba pangalan nung kasama mong foreigner kanina? Oo hehe kaso di na namin kayo nilapitan para di makaistorbo. Sige. Chineck ko lang naman kung nakauwi kAna. Goodnight. Enjoy your weekend. Bye." Paalam nya.

"Thanks. Goodnight. Bye." Saka ko binaba yung phone.

Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ay naligo lang ako saka nahiga na sa kama. Naisip ko namang itext si Rea nun.

Anyare sa lakad nyo kanina?

Pero hindi sya nagreply. Hayss. Alam nyo yung feeling na ganto? Yung sayang yung unli mo kasi wala kang katext? Tsk. Patulog na sana ako nang magtext ang aking Secret admirer.

"Last text ko na to. Ayoko nang magtago bilang secret admirer mo. Mahal kita at kaya kong ipaglaban yun nang nakaharap sayo. Magkita tayo bukas ng 10am sa Plaza malapit sa sainyo. Magpapakilala na ko. Goodnight."

"Okay. Goodnight." At natulog na nga ko nun. Tomorrow is the big day. Makikilala na ang secret admirer ko. Excited saka kinakabahan ako.

WILLIAM'S POV

Aamin na ko. Tama si Rea at Kiko. Hindi ko kailangang magtago habang minamahal ko sya. Mas maganda kung makikilala nya ako bilang ako, hindi bilang ibang tao.

Flashback...

"Kumusta lakad natin pre?" Tanong ni Kiko. Andito kami sa Mall malapit sa school. Naisip naming mag-usap tatlo para sa pag-amin ko kay Nicole. Nasabi ko na sa kanila na secret admirer din ako ni Nicole.

"Hindi ako pinapansin eh. Busy sa foreigner na yun." Sagot ko.

"Eh pre, kung nagpapakilala kana kasi. Wag mo nang itago yung sarili mo sa pagiging secret admirer nya saka sa pagiging stalker nya. Maganda kung mamahalin mo sya nang harapan kesa patago. Pag nagmahal ka, dapat handa ka sa pwedeng mangyari." Pageencourage naman sakin ni Kiko.

"Onga Wil. Mas maganda kung alam nyang ikaw yung taong nagmamahal sakanya. Sige ka baka maunahan kapa ng foreigner na yun." Pagbibiro ni Rea.

END OF FLASHBACK...

Kaya nga napagdesisyunan kong magpakita na sakanya bukas. Sana maging maayos na ang lahat.

THE COINCIDENCE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon