Minsan, hindi mo naman kailangang maghanap ng taong mamahalin mo at magmamahal sayo dahil tadhana ang bahalang gumawa ng paraan. Panahon ang hihilom sa mga sugat ng nakaraan, kailangan lang ay marunong kang magpatawad at lumimot sa mga bagay na tapos na. Hindi mo mamamalayan na yung taong hindi mo naman ginustong makilala ay sya pala yung taong mamahalin mo nang sobra sobra. Marahil nga na kahit maiksing panahon lang ang pinagsamahan nyo ay minahal mo na sya agad dahil ang pagmamahal, kusa itong nararamdaman at hindi napipigilan.
Nung gabing yun, umuulan. Parehong sugatan ang mga puso namin dahil sa mga taong misan na naming minahal pero tadhana ang gumawa ng paraan para makilala ko yung taong gagamot at tutulong sakin para makaahon sa pagkabigo sa pag-ibig. Sino ba namang mag-aakala na yung masungit na driver na nanigaw sakin ang minamahal ko ngayon? Sabi nga eh, love is unconditional, love is unpredictable and love is blind hahaha. Syempre joke lang yung dulo. Ang pogi kaya ni wil hihi ^_^
Ngayon, masaya kami sa isa't-isa. Gumagawa kami nang magaganda at masasayang alaala na maaari naming gawing inspirasyon para mahalin pa lalo ang isa't-isa. Hindi natin masasabi ang maaari pang mangyari sa hinaharap pero hanggang may pagmamahal, hinding-hindi kami maghihiwalay.
-Nicole Gabriel-
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
THE ENDAUTHOR'S NOTE:
Hello readers! (Kung meron man XD) ayun. Salamat nang marami dahil natapos nang mapayapa at maayos itong first story ko dito. Syempre salamat sainyo sa pagbasa nyo dito at kung may nagvote man. Kayo po ang inspirasyon ko kaya natapos ko ito bago matapos ang September. Itong story na to ay para sa aking matalik na kaibigan na kahit hindi man ganun yung turing nya sa akin ay ayos lang hehe. Naiintindihan ko :') Wish ko lang sana mabasa nya to kasi ininform ko naman sya na ginawan ko sila ng story ng boyfriend nya :) Patuloy nyo po sana akong ifollow at suportahan ang aking mga GAGAWIN PANG STORIES. Yung story po ni Rea at Kiko ay soon nalang. May iba pa po kasi akong stories na nakapila hehe. Mahal ko po kayo. Godbless. <3 <3 <3 :*
-Pinkpiano143-
BINABASA MO ANG
THE COINCIDENCE LOVERS
RomanceWhen the broken hearted girl met the broken hearted boy. The coincidence that will lead them to the way called Love. My very first story. Hopia like it guys. Please vote and comment. Super thanks ^_^ -Pinkpiano143-