"PINILI KITA, AARTE KAPA?!"

19 1 0
                                    

WILLIAM'S POV

Alas tres na at kulimlim narin. Parang uulan. Sabi ni Nicole malelate daw sya dahil may aasikasuhin lang sya pero maglilimang oras na kong naghihintay dito pero wala pa sya. Maghihintay parin ako. Hanggang sa dumating sya. Maya-maya pa'y umulan na. Wala akong payong at wala ring masiisilungan dito dahil open area ito. Umupo nalang ulit ako sa bench at naghintay. Yung flowers at box ng cookies, basa na. Yung cellphone ko binalot ko sa plastic para di mabasa. Nicole bakit ang tagal mo? Darating kapa ba? Maya-maya pa ay may tumawag. Si Nicole.

"Hello? Asan ka? Andito na ko sa Playground." Hinihingal nyang sabi. Hindi ko naman alam kung sasagot ako dahil maririnig nya yung boses ko. Pinatay ko naman yung phone saka nagtext sakanya.

Nasa Bench ako sa tapat ng garden

Mayamaya pa ay nagtext sya.

Nasan ka? Ano bang palatandaan mo para makilala kita?

Nagreply naman ako agad.

May dala akong box ng cookies at flowers. Nakikita na kita ngayon.

Unti-unti nga akong naglakad papalapit sakanya. Nakita ko naman ang reaksyon nyang gulat na gulat nang makita ako. Nakalapit na ko sakanya at nakatingin lang kami sa isa't-isa. Fact! Speechless.

NICOLE'S POV

Nilakad ko na nga lang mula sa restaurant hanggang sa plaza since medyo malapit lang naman. Problema lang, wala akong payong kaya basang-basa ako ng ulan. Naalala ko tuloy. Ganto rin yung scenario nung una kaming nagkakilala ni Wil. Sheps. Bakit ba si Wil yung laging naiisip ko? Pag ulan, sya agad?! Nang makarating ako sa plaza ay tinawagan ko ang secret admirer ko. Thank God sinagot nya naman ito.

"Hello? Asan ka? Andito na ko sa Playground." Medyo hinihingal ko pang sabi. Pero mayamaya din ay inend nya yung tawag. Problema nito? Lalo akong kinutuban. Siguro kilala ko to. Oo. Tama. Kilala ko sya. Pero wala akong idea kung sino talaga sya huhu. Poor Nicole. Nagtext naman sya nun. Shocks wala bang masisilungan dito? Buti nalang gumagana pa tong phone ko kahit basa na. Asteeg. Waterproof.

Nasa Bench ako sa tapat ng garden. Reply nya. Nang makarating naman ako sa garden ay wala naman akong nakita kaya nagtext ako sakanya.

Nasan ka? Ano bang palatandaan mo para makilala kita? Text ko.

May dala akong box ng cookies at flowers. Nakikita na kita ngayon. Huli nyang reply. Nakita ko naman nun na may naglalakad papalapit sakin at halos lumuwa naman yung mga mata ko nang makita ko kung sino iyon. Si William Gonzales. Sya nga, wala nang iba. Nakangiti lang sya sakin. Teka, baka panaginip lang to. Hinawakan ko yung pisngi nya at sheet of papers! Totoo nga! Basang basa narin sya ng ulan. Kawawa naman.

"W.wil." naluluha kong sabi. Mixed emotions na eh.

"Nicole Gabriel. Nagulat kaba? Sorry kung kailangan ko pang magtago bilang secret admirer mo. Natotorpe kasi ako sayo eh. Pero ngayon sasabihin ko sayo, ako to, si William Gonzales. Mahal na mahal kita Nicole Gabriel." Sabay halik sa noo ko. Di ko naman alam kung anong irereact ko sa mga nangyayari ngayon. Basta ang alam ko lang, masaya ako saka mahal ko rin tong lalaking nasa harapan ko.

"Uy? Magsalita ka naman dyan. Kanina pa kong 10am dito oh tapos iiyakan mo lang ako?" Pagbibiro nya naman.

"Sorry :(" yun lang ang nasabi ko saka ko napahikbi. Niyakap nya naman ako nun.

"Shh. Wag kanang umiyak. Hindi kaba masaya?" Pagtatanong naman nya.

"M.masaya." iyak ko parin.

"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong nya parin.

"Kasi kawawa ka naman. Kanina kapa dito tapos basang basa kapa sa ulan. Pano pag nagkasakit ka? Paano ko?" Napahagulgol naman na ko nun saka hinigpitan yung yakap sakanya. Hinarap nya naman ako nun sakanya saka nagsalita.

"Shh. Tahan na. Okay lang ako ano kaba? Malakas yata to. Saka kahit hindi kapa dumating ngayon, hihintayin parin kita. Ganyan kita kamahal."sabay halik sakin sa labi. Saglit lang naman iyon.

"Bwiset kasi yung Danilo na yun eh. Kakikilala lang namin kahapon tapos kanina nagpropose na?! Ano sya? Hilo?" Paliwanag ko naman. Kumunot naman yung noo nya nun.

"Teka. Yun ba yung sinabi mong aasikasuhin mo kanina? Nicole ha. Nagseselos na ko." Ngumuso naman sya nun. Hahaha. Ang cute nya. Kinurot ko naman sya nun sa pisngi.

"Ano kaba? Sa tingin mo papatulan ko yun? Eh kaya nga andito ako kasi ikaw yung pinili ko." Paliwanag ko. Nagliwanag naman nun yung mukha nya saka ngumiti.

"Promise? Pinili mo ko?" Nakatawa nyang sabi.

"Oo nga. Pinili kita, aarte pa?" Pagbibiro ko. Niyakap nya naman ako nun.

"Hindi po. Hehe. Ayy ito pala flowers saka cookies, for you. Libre dilig na yung flowers ^_^" nakakaloko nyang sabi habang nakangiti.

"So tayo na?" Dugtong nya pa.

"Ha? Nakatayo na naman tayo ah?!" Pagloloko ko. Sumimangot naman sya nun.

"Nicole naman eh. Patawa karin eh nuh?!" Busangot nya. Pinisil ko naman yung ilong nya.

"Oo na. Tayo na. Kulit mo haha." Kinarga nya naman ako nun saka inikot-ikot.

"Yess!! Kami na! Thank you Nicole! I LOVE YOU! WHOHOO!" sigaw nya.

"I love you too William! Ibaba mo na ko nahihilo na ko hahaha." Sabi ko naman habang pareho kaming tumatawa. Binaba nya ko nun saka nagnakaw ulit ng halik.

"Oyy! Nakakarami kana ha." Reklamo ko. Nag-peace sign naman sya nun saka sabay naming inenjoy yung ulan. Naghabulan lang kami na parang mga bata.

THE COINCIDENCE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon